chapter 6

12 1 0
                                    


(A/N: hello~ it's been a while since my last chapter update. Pero okay lang yan dahil masusundan ko na yung flow! Hihi something came up kasi iih. Arti >_< so in this chapter puro code name lang ang nakalagay sana hindi kayo malito dahil may pa surprise si ateng author. Sshh na lang. HAHAHA so enjoy reading)




Sapphire Pov [code name] [BEORE THE KIDNNAPING]

"Malapit nang matapos ang antidote ngunit may isa tayong problema" sabi ni Ivy na nasa harapan ko na nakaupo

Tahimik lang siyang tinitigan ni Jigsaw ang mafia boss namin.

"gumawa na kami ng experiment patungkol sa antidote na ito at sinubukan iturok sa normal na tao, ngunit ilang sandali lang ay nanghina ang katawan niya hanggang sa nawalan na siya ng buhay. Ang kakayahan ng antidote na ito sa normal na tao ay kaya nitong patayin ang katawin unti unti hanggang sa mawalan na ng buhay. Kaya hindi tayo pwede mamili basta basta ng magiging terminator, dahil bilang lang ang ginawa namin at mahirap na makahanap ng kasangkapan..."

Paliwanag ko sa kanila na pinakinggan naman ng lahat, nag simula ang bulungan sa loob ng silid at kanya kanyang tanong sa bawat isa.

"kung ganun ay kailangan nating makahanap ng taong kakayanin ang lakas ng antidote na iyon sa ganun ay makilalal natin ang magiging terminator"

"pero hindi ganun kadali, kailangan ang taong mapipili natin ay kaya makapatay ng tao at malakas. Hindi kung sino sino lang"

"pero ano ba ang totoong kakayahan ng antidote kapag tinurok sa malakas na tao?"

"kaya natin silang manipulahin at mapasunod sa mga gusto natin na hindi nila nalalaman, ngunit habang tumatagal ay mawawalan sila ng alaala hanggang sa wala na silang matandaan at kapag hindi na umeepekto ang likido na nasa katawan nila unti unti sila manghihina hanggang sa mamatay ito"

Natahimik sila ng marinig ang paliwanag ni Ivy patungkol sa gamot na ginawa namin, nandito ang buong organization ng mafia na pinamumunuan ni Jigsaw, yun ang palaayaw niya. Nag pulong kami para ibahagi ang patungkol nga sa ginawa naming antidote na kayang mag manipula ng tao, gusto kasi mag higanti ni Jigsaw sa kalaban na mafia dahil namatay ang kasintahan nito na si Rosie. Nais niya din ubusin ang grupo ng kalaban at pag munuan ang organization ng mga mafia.

Alam kong mali ang ginagawa nila pero wala akong magagawa, ginawa ko to para sa kaligtasan ko at ng mga mahal ko sa buhay.

"paano kung ang pag aralan niyo ay isa sa mga kalaban nating grupo, ang leader nila. Balita ko kahit babae ito malakas at walang pakundangan kung pumatay. "Seryosong sabi ni Jigsaw na alam kong nakatingin sa pwesto ko. Hindi ako nagsalita at nag kunwari na hindi nakikinig sa kanya

"Sino ang sinasabe mo boss?"

"Sino pa ba... edi yung anak ng dalawang yumaong scientist natin dati na lumikha ng antidote na yan" napa kuyom ako ng kamay sa mga sinabe niya, wala talaga siyang pakundangan.

"gusto kong makita si Red bukas ng umaga at umpisahan ang pagsagawa para sa antidote. Ivy, pamunuan mo ang pag sagawa. Dahil hindi natin alam baka may mag traidor sa atin"

Ako ba ang pinariringgan niya? sana minention niya na lang ang pangalan ko no? nahiya pa siya nandito lang naman ako Malapit sa tabi niya. psh

"Sige boss." Tinignan ako ng masama ng babaeng nasa harapan ko. Binato ko lang siya ng malamig na tingin at walang gana na Tumayo dahil nag umpisa na silang lumabas ng silid.

Savage Twin SistersWhere stories live. Discover now