Chapter 17

53 8 2
                                    


"O-okay na'ko..." bahagyang itinulak ni Nixie si Dylan.

"Talaga?" turan niya habang hinahaplos-haplos pa rin ang ulo ng dalaga.

Kumalas naman ang binata subalit nakahawak pa rin ito sa magkabilang balikat ng dalaga. Namumula pa rin ang mukha nito.

Panay naman ang punas ni Nixie sa kanyang mukha.

"I can't believe na kinakanta ko 'yung kantang 'yun habang iniisip siya. Not knowing na gano'n pala ang pag-uugali niya." Nagtatampong wika ni Nixie. "Mun'tanga lang talaga!"

"Talaga?" turan ni Dylan. "Kung ako lang 'yun, magiging masaya ako sa isiping ako ang nilalaman ng isip mo habang kinakanta ang kantang iyon."

Hindi nakaimik si Nixie. Ilang sandali at bigla siyang napalingon sa paligid. Walang tao ng mga oras na iyon. Sila lang dalawa ng binata.

Nalungkot na naman siya at napatungo.

Of course hindi niya ako susundan... knowing na ganon siyang klase ng tao!

Napansin iyon ni Dylan.

"Hey... hindi mo naman iniisip mag-quit sa singing dahil lang sa nangyaring 'to diba?" tanong niya rito.

"Hindi... hindi ako magku-quit." Sagot ni Nixie. "Ang bagay na ito ay hindi ko maaaring mapagpasyahan ng mag-isa."

"I see!! That's definitely the right decision for you!" natutuwang wika ni Dylan sa kanya. "Well, kung okay lang para sa'yo, mananatili ako sa tabi mo as long as kailangan mo ako."

"At kung dumating sa point na hindi mo na kaya ang maging solo singer, pwede tayong gumawa ng duo or group or band!" dagdag pa nito.

"Hindi ako makapaniwalang kayang-kaya mong mag-suggest ng mga ganyan gayong alam mo namang mahirap gawin 'yun eh." Komento ni Nixie.

"You don't believe me? I'm serious about it!" may kumpyansa sa sariling sabi ni Dylan.

Kumunot-noo si Nixie.

"So what do you think?" tanong ni Dylan. "Don't you want me by your side?"

Biglang napangiti si Nixie dahil sa over-confidence nito.

"Oh sige na nga. Siguro pwede na 'yang offer mo as long as mananatili lang sa tabi mo." Natatawang wika ni Nixie.

"Ano'ng 'siguro pwede na' ? You're so mean..." lumabi si Dylan.

Natawa na ng husto si Nixie. Sa nakitang iyon ng binata, napatawa na rin ito gaya ng dalaga.

"Gusto mo bang pumunta sa isang coffee shop?" biglang tanong ni Dylan.

"Hah? Saan?" balik tanong naman ni Nixie.

"Basta, ako'ng bahala!" nakangiting wika ni Dylan sabay hawak sa kamay nito.

Hindi na nakapalag pa si Nixie nang hilahin siya nito paalis sa lugar na iyon. Nagpaubaya na lamang siya rito. Katwiran niya, mas okay naman talaga na umalis sila sa lugar na iyon para hindi siya lalong malungkot dahil sa nangyari.

Nang naglaon, nasa isang maliit na coffe shop na sila. May kalayuan ng konti sa pinanggalingan nila ang lugar na ito. At mukha rin itong bago pa lang dahil na rin sa mangilan-ngilang customers na naroon.

Nagpalinga-linga ni Nixie sa loob noon habang nakasunod kay Dylan. Cozy at may pagka-private ang ibinibigay na atmosphere ng coffee shop na ito.

"Alright, dito tayo sa favorite spot ko." Nakangiting wika ni Dylan saka iginiya siya nito sa kanyang upuan.

"Thanks." Sambit ni Nixie na iginagala pa rin ang tingin sa interior ng coffee shop.

"Do you like it?" maluwang ang ngiti ni Dylan na tumitig sa kanya.

"Oo naman." Sambit ni Nixie. "Madalas ka ba rito? Ang ganda kasi rito tsaka mukhang bago lang... hindi ko pa naririnig ang lugar na 'to eh."

"This is actually my mom's business." Nakangiting wika nito.

"Ahh? Talaga?" napadilat siya rito.

"Yup! Last year lang 'to napatayo eh." Sabi ni Dylan. "I actually help here kapag wala naman akong commitments sa music. So, what do you want?"

Iniabot niya rito ang menu. Napatitig roon si Nixie. Tila nahihirapan itong pumili sa dami ba naman ng pagpilian. Ibinalik niya sa binata ang menu.

"Ikaw na lang ang pumili para sa'kin. 'yung best seller na lang." nahihiyang wika niya rito.

"Okay." Wika ni Dylan sabay kindat rito.

Nang maka-order na ito ay tumingin siya sa dalaga.

"What?" nagtatakang tanong ni Nixie.

"About do'n sa sinabi ko kanina... about making a group together or something..." seryosong sabi niya rito.

"Sinabi ko naman na siguro pwede diba?" natatawang wika ni Nixie.

"Pero seryoso, walang halong biro..." sabi muli ni Dylan. "Kung gagawa man ako ng sarili kong banda, gusto kong kasama ka... I mean, I love your voice and how you perform..."

Namula ang pisngi ni Nixie.

"Pag-iisipan ko..." sagot niya rito. "Hindi ko pa naman alam kung magsa-succeed ako bilang singer eh, so 'yun na muna ang focus ko..."

"I understand." Wika ni Dylan. "But always remember, kapag hindi mo na kaya, I'm always here to support you."

"Thank you." Nakangiting sabi ni Nixie.

Natuwa ang dalawa ng dumating na ang kanilang mga order.


SeventeenWhere stories live. Discover now