Chapter 19

38 7 1
                                    


"Huh? Well, if it isn't Mr. Kaiser." Bungad ni Dylan nang mamataan ang binata.


Nilingon niya ang tumawag sa kanya. Nag-bow ng kaunti bilang paggalang si Dylan rito. Tumango lang si Kaiser. Pero palihim niyang pinakawalan ang pagprotesta sa kanyang mukha. Wala siya sa mood para i-entertain ito.


"Are you here to pick up Eloisa Medina?" tanong ni Dylan.


Tiningnan lang siya ni Kaiser saka biglang ibinaling sa ibang direksiyon ang tingin. Mukhang wala siyang balak makipag-usap rin dito.


Nasa airport sila nang mga oras na iyon.


"Can't you tell by looking?" sarcastic na sagot ni Kaiser.


"Ah..." tila nang-aasar pang sambit ni Dylan.


"Anyway, aren't you supposed to be working in Davao right now?" turan ni Kaiser.


"Iyon sana dapat, kaso biglaan 'yung isa kong assignment dito kaya mas mahuhuli akong dumating doon kaysa kay Nixie... huh?" sagot ni Dylan.


"Paano mo nalamang nasa Davao kami dapat ngayon?" dugtong pa niya.


Sapol. Hindi nakaimik si Kaiser.


Bagkus, tumalikod ito sa binata. Ibinuking niya ang sarili niya sa taong ayaw pa naman niya sanang makaalam sa palihim nitong pangi-stalk sa kanilang dalawa ni Nixie.


Sumilay ang nakakalokong ngiti mula sa mga labi ni Dylan.


"Hmm? Bakit kaya alam ni Mr. Kaiser ang schedule ng isang taong ayaw na daw niyang may communication dito?" tini-tease niya ito.


Nagkunwaring wala siyang naririnig. Pilit rin niyang itinatago ang embarrassment niya rito. Pero likas kay Dylan ang kalokohan at pagiging makulit nito.


"Sinabi mo lahat 'yung mga masasakit na salitang 'yon kay Nixie pero sa totoo lang, inaalala mo pa rin siya, noh?" makahulugang wika ni Dylan rito.


Shut up.


Iyon ang nasa isip niya subalit hindi niya tinangkang sabihin pa 'yon kay Dylan dahil mas lalo lang siya nitong kukulitin kapag pinatulan pa niya ang pangti-tease nito sa kanya.


Nang biglang maagaw ng kanyang pansin ang isang news na naka-flash sa malaking screen ng waiting area ng airport.


Live broadcast iyon.


"Dapat kasi maging honest ka na sa feelings mo para sa kanya. Hindi kasi nakaka-cool 'yung pagpapanggap mong wala kang pakialam sa kanya." Patuloy pa rin sa pagle-lecture si Dylan.


"Oy, oy! Talaga bang ini-ignore mo lang ako?" pangungulit ni Dylan.


Saka pa lang nagsalita si Kaiser.


"Hey, Dylan..." sabi niya habang titig na titig pa rin sa screen. "Were you supposed to be on flight number 5x-xxx?"


"Huh? Yeah." Sagot ni Dylan.


"And Nixie and the others are riding that flight?" muling tanong nito sa kanya.


Hindi na sumagot si Dylan dahil napatingin na rin ito sa malaking screen. Halos lahat ng ibang taong naroon ay nakatuon ang paningin doon. Shocked at naluluha ang iba sa kanila.


Ayon sa live broadcast,


Ang eroplano na may flight number 5x-xxx na nakatakdang mag-flight ngayon papuntang Davao ay nagkaroon ng malaking aksidente.


Ayon sa initial report, nagkaroon daw ng malfunction sa gulong ng eroplano kaya ito nag-crash at umapoy.


Ang bahaging ito ng airport ay punum-puno ng mga bombero at rescue workers. May ilan sa mga pasahero nito ang nagtamo ng mga injuries...


Nanlaki ang mga mata ni Dylan. Hindi nito sukat akalain na may aksidenteng ganoon sa araw na ito.


Walang sabi-sabing bigla na lang nagmamadaling tumakbo patungo sa lugar na iyon si Kaiser. Hindi na niya nilingon pa si Dylan ng tawagin siya nito.


"Wait lang, Kaiser! Sasama ako sa'yo!" habol nito sa kanya.


Parang tinakasan naman ng dugo ang hitsura ni Kaiser habang tumatakbo. Mabilis rin ang kabog ng kanyang dibdib dahil sa pagtakbo at sa matinding kabang nararamdaman niya.


NO way...

It can't be...

It can't be... No...

Nixie...!

SeventeenWhere stories live. Discover now