Chapter 18

52 8 1
                                    


(NIXIE'S POV)

(AIRPORT)

"Miss Nixie, it seems that the flight has been slightly delayed. Can you wait right here while I go check it?" tanong sa'kin ni Manager June, ang na-assign na mag-manage sa'kin.

"Okay." Pinasigla ko ang aking boses.

"Pero sa tingin ko naman, eh, aabot tayo sa live broadcast sa Davao... kaya huwag kang mag-alala." Sabi pa sa'kin ni Manager June.

Tumango lang ako sa kanya.

Live broadcast...

I wonder if Kaiser will be there too...

Nang makaalis na si Manager June, malungkot akong napaupo sa bench na nasa waiting area. Sariwa pa kasi sa ala-ala ko ang mga nangyari noong nakaraang nagkita kami.

Ayoko pa siyang makita sa ngayon...

Napabuntung-hininga ako sa isiping iyon. Naguguluhan pa rin kasi ako kung ano ba dapat ang gusto kong gawin tungkol sa relasyon naming dalawa. Kung dapat nab a akong sumuko o hindi pa?

Ilang sandali lang at may nagsalita mula sa aking likuran.

"Excuse me... ikaw ba si Nixie Esteban?" tanong ng boses babae.

"Huh?" napalingon ako sa kanya. Nakita ko ang dalawang middle schoolers na babae.

"OMG!!! Siya nga!" kinikilig nilang sigaw. Naghahampasan pa silang dalawa sa kamay.

Nagtaka ako sa kanilang dalawa kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon nila nang makita ang aking mukha.

Ilang segundo rin bago ko na-realize ang dahilan.

AH!!!

Ano'ng dapat kong gawin sa ganitong klase ng sitwasyon?!

Medyo nagpa-panic na ako sa loob-loob ko dahil ito ang unang pagkakataong may nakapansin sakin na mga tagahanga. At wala pa akong experience na maghandle ng mga fans!

"Ah! Nag-purchased ako nung debut song mo! Love ko talaga 'yung song na 'yun!" masayang wika ng long-haired girl sa'kin.

Pagkarinig ng mga salitang iyon ay naramdaman ko ang biglang pagbilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko, parang sasabog ang dibdib ko sa matinding saya at excitement na nararamdaman ko ng mga oras na 'to.

"Oo nga, ang ganda ng boses mo. Bumagay talaga do'n sa kanta." Sabi naman ng kasama niya.

"Tumatagos din sa puso 'yung emotion ng kanta, diba?" sabi pa nung isa.

Naantig ang damdamin ko sa mga papuri nila sa'kin at sa kanta ko. Hindi ko akalain na ganito pala ang pakiramdam ng mga taong nakarinig na ng kanta ko. At masaya akong malaman na may mga tao palang nasisiyahan para sa'kin.

"Can we shake your hand?" nahihiya pang request ng dalawang teenagers.

Flustered, I didn't know how to respond. "Ah...ah...y-yeah..."

Hinawakan ng dalawa ang magkabilang kamay ko. Hindi ko alam kong kamay ko ba 'yung medyo nanlalamig at nanginginig o kamay din nila.

Naramdaman ko ang pag-iinit lalo ng mukha ko. Ito ang first time na may lumapit para makipag-kamay sa'kin.

Dati ay ako ang nakikipagsiksikan para makipag-kamay sa mga artista. Ngayon, hindi pa man din ako ganon kasikat, may mga fans na ako.

"Mga fans mo na kami, kaya galingan mo pa lalo! Susuportahan ka namin!" matamis ang mga ngiting ibinigay ng mga ito sa akin.

"Thank you very much!" sabi ko sa kanila.

---------------------------------------------------------------------------------------

"Yess, wala ka bang balita kay Nix?" tanong ni Sheena nang nasa park ang dalawa.

"Last time na naka-chat ko siya, ang sabi niya may live broadcast daw siya Davao at mag-stay sila doon for 3 days." Sagot ni Yessil.

"Hah?! Eh, di doon na rin siya mag-celebrate ng birthday niya?" gulat si Sheena.

Tumango lang si Yessil.

Nanlumo kunwari si Sheena. Binabalak yata niyang i-surprised birthday party ang kaibigan. Naabutan silang looking bored doon ni Darren.

"What's up, Yess, Sheen?" sabi niya sa mga ito.

Magsasalita sana si Yessil pero naunahan siya ni Sheena.

"Walang magaganap na surprised birthday party kasi wala si Nixie. Nagpunta ng Davao!" pa-pouty lips pang sabi nito.

"Oh?" sambit nito na tila hindi pa nag-sink in ang sinabi ni Sheena. "Oh..."

Nalungkot ang bigla ang reaction ni Darren. Hindi naman 'yun lingid kay Yessil. Alam niya kasing mas excited pa ang binata sa birthday ng kanyang bestfriend.

"Ah, may klase pa'ko. See yah!" nagmamadaling sabi ni Darren sa mga ito.

"Oookay...!" bored pa rin ang boses ni Sheena.

"See you!" pahabol naman ni Yessil.

Hanggang kailan ka ba aasa sa kanya...

Darren...

Naisip ni Yessil habang nakatanaw sa papalayong binata.

SeventeenWhere stories live. Discover now