the waiting shed

117 17 3
                                    

Kapag minamalas ka nga naman.

Sabi ko sa sarili ko kanina, magdadala ako ng payong kasi maulan daw sabi sa balita. Pero nakalimutan ko pa rin dalhin.

Kung kailan naman malapit na akong makabalik sa dorm, saka naman biglang umulan nang malakas. Konti na lang naman ang lalakarin ko. Tatawid na nga lang ako eh, kaya lang sobrang lakas talaga (baka tangayin ako, joke.) At saka, hindi rin mukhang titila ito agad. Kaya... susugod ba ako sa ulan o magpapatila?

Susugod, magpapatila, susugod, magpapatila -

Hahanap na sana ako ng bulaklak para isa-isang tanggalin 'yung mga petals at hayaan na sila ang magdesisyon para sa akin pero ibang klase 'yung bulaklak na nakita ko.

Dumating lang siya bigla.

Mukha siyang bulaklak. Kasing ganda ng bulaklak. O baka mas maganda pa roon.

Hindi gaanong katangkaran. Maputi. Cute. May dalang payong.

 'Yung mga mata niya, ang ganda. Ang cute din noong nunal malapit doon. 

Crush material.

Joke. Wait lang, Seungcheol! May problema ka 'diba? 



"Tinitingin-tingin mo?"

Napakurap si Seungcheol nang bigla siyang kausapin noong lalaki na kanina niya pa pinagmamasdan. Okay, nahuli. Okay, ang sungit. Pero okay, crush material pa rin. Nagmadali si Seungcheol na mag-isip ng pwede niyang maging excuse, dahil hindi niya naman pwede sabihin na "ang cute cute mo kasi, pwede ba kitang iuwi? D'yan lang dorm ko, pagkatawid. Pahatid na kasi wala akong payong" kasi ang creepy, 'diba?

"A- ano... Pwede bang maki-share ng payong pagkatawid sa kabila?"

Napataas ang kilay ng lalaki at saka tiningnan si Seungcheol nang mabuti, tila inoobserbahan kung isa ba siyang mabuting tao. Kaya naman si Seungcheol... Hala sige, nag-pout pa nang kaunti.

"Sige."

Agad na tumayo si Seungcheol mula sa bench ng waiting shed at sumilong sa payong ng kanyang bagong kaibigan (wow, assuming?). Bahagyang nakayuko pa si Seungcheol dahil hindi man lang in-adjust ng nakaliliit ang pagkakataas ng kanyang payong. Medyo malaki nga rin naman kasi ang difference ng kanilang mga height. Not to mention, ang liit din ng payong na ginagamit nila.

Nang magsimula na silang sumugod sa ulan, basang basa pa rin si Seungcheol (lalo 'yung kanang braso at bag niya) kahit nakikisalo na siya sa payong. Kung magpayong ba naman kasi 'tong kasama niya, parang siya lang mag-isa ang gumagamit nung payong! Alam naman ni Seungcheol na wala siyang karapatang mag-reklamo dahil una sa lahat, hindi sila magkakilala at pangalawa, nakikisalo lang siya. Pero dahil basang basa na nga ang braso niya at kilala siya bilang isang impulsive na tao...

"Akin na nga 'yung payong!" 

Inagaw ni Seungcheol ang payong mula sa kamay ng kanyang kasama at saka niya ito inakbayan para mapagkasya sila sa maliit na payong. 

"What are you trying to do?"

"Wala naman, basang basa na itong braso ko eh, kita mo?"

"Fine, chill! You could've asked me nicely or something."

Okay, wrong move, Cheol. Okay, spokening dollars. Pero okay, crush material pa rin.

"Sorry."

Tuloy na silang naglakad sa ilalim ng iisang payong, sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan.



Nang makarating sila sa kabilang daan ay hindi agad nabitiwan ni Seungcheol ang kanyang kapit sa payong at sa kanyang kasama. Hindi rin naman agad kumibo 'yung kasama niya at sabay nilang pinagmasdan ang pagbuhos ng ulan.

Makalipas ang ilang segundo ay kumalas na si Seungcheol sa pagkakaakbay at saka nagpasalamat habang inaabot ang payong.

"You're welcome. Sorry kung nabasa ka kanina."

"Walang problema."

"Weh? Ang lakas nga ng pagkakaagaw mo ng payong."

"Hindi! Ano, nataranta lang ako."

Nataranta? Really, Seungcheol?

"Hmm, sige. Hanggang dito ka lang ba makiki-share ng payong?"

"Oo," Saglit na napahinto si Seungcheol sa pagsagot at unti-unting ngumiti. "Maliban na lang kung gusto mo pa... Joke."

"Gusto ko pa sana kaso joke lang pala. Bye." 

Agad na tumalikod ang kasama ni Seungcheol pero pinigilan niya itong humakbang. "Wait lang!"

"Yeah?"

Binuksan ni Seungcheol ang kanyang bag at laking tuwa niya nang makitang hindi pa tumagos ang basa ng ulan doon sa kanyang notebook. Kinuha niya ito at pati na rin ang isang panulat.

"Write your name. Saka number mo na rin." wika ni Seungcheol habang inilalahad ang notebook at ang panulat sa kanyang kaharap. Agad din siyang umiwas ng tingin dahil sa hiya. Bahagyang tumawa naman ang kanyang kasama.

"Okay. Hold the umbrella, please."

Kinuha muli ni Seungcheol ang payong nang hindi pa rin tumitingin sa kanyang kaharap. Hindi niya namalayang tapos na pala ito magsulat kaya naman bigla na lang may tumatamang notebook sa kanyang dibdib. Itinago rin agad ni Seungcheol ang notebook at ang panulat nang kuhanin muli ng kanyang kasama ang payong.

"See you around...?" patanong na sabi ng nakaliliit, tila hinihintay na sabihin ni Seungcheol ang kanyang pangalan.

"Seungcheol."

"Oh, I see. See you around, Seungcheol!" nakangiting sambit nito bago tuluyang umalis at iniwan si Seungcheol sa entrance ng kanyang dorm.




+82 XX XXXX XXXX
Jihoon, your umbrella friend
Told myself that if someone will smile at me today,
I'd try to give myself some love.
I hope this won't bother you.
Call me? 


ang awkward yata ng tagalog ko dito, help.
unedited. pls forgive typos and chaka na sentence composition huhu.
fluff 'to !! dapat fluff lang 'to !! bakit nagka-hint ng angst sa huli !!
i h8. huhu. drabble lang din dapat 'to but ... oknmn, jicheol.
thank u for reading!


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 24, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Miscellany • jicheolWhere stories live. Discover now