Chapter 22

11.1K 228 34
                                    


"Renz unlock mo na ang pinto ng kotse, malilate na ako eh." Ingos ko kay Renz, kanina pa kami dito sa harap ng school pero hindi ako makababa dahil nakalock ang pinto ng kotse niya.

"Renz naman eh."

Ngunit wala akong makuhang response, lalo lang itong sumimangot. Di ko alam kung anu na naman ang trip ng lokong ito.

Matapos kaming mag enjoy sa resort hotel sa tagaytay ay umuwi kami kahapon pagtapos ng tanghalian.

Subrang saya ko nang nasa resort kami di lang dahil sa masayang kasama si Renz kundi marami akong madiskubre sa ugali nito tulad nalang kong gaanu rin siya ka seloso at possessive.

Muntik pa siyang mapaaway sa grupo ng mga kalalakihan na gustong manghingi ng number ko at kulang nalang sesantihin niya ang isang waiter sa restaurant ng resort dahil ngumiti at nagpacute raw ito sakin.

Hindi ko mapigilang kiligin tuwing maalala ko ang mga yun.

Pero ngayon tinutupak ata ang loko at walang balak akong pansinin.

"Lorenz?"

"Oi Renz, baba na'ko."

Anu ba naman to. Late na ako eh, monday pa naman ngayon.

"Lorenz!"

"Renz!" Untag ko sabay yugyog sa balikat nito but still no response.

Napabuntong hininga nalang ako dahil sa frustration.

"Hon please, open the door-" naputol ang dapat kong sabihin dahil mabilis na ibinaling ni Renz ang tingin sakin at inilapit ang mukhang may malaking ngiti.

Napatampal ako sa noo dahil pagka bipolar nito.

"My God! Renz-"

"It's hon or honey." Singit nito habang nakangiti parin na wala paki sa nakikitang frustration ko sa kanya.

Tang!na lang ng lalaking ito, gusto lang palang tawaging hon or honey pero pinahirapan pa ako. Pasalamat siya't mahal-.

Ok, basta pasalamat siya at maganda ako.

Anong connect? Tanong ng isip ko.

Kaya napairap nalang ako sa sarili, natigil ako sa pagmomonologue sa sarili ko ng halikan ako ni Renz sa labi.

"A-alis na'ko, malilate na talaga ako." Paalam ko kay Renz ng maghiwalay ang mga labi namin.

Tumango naman siya kaya nagtataka akong bumaling sa kanya ng pigilan niya ako ng akma kong bubuksan ang pinto ng kotse.

"Hon, mawawala ako ng two weeks or a month." Alinlangan niyang sabi.

Kaya napakunot ang noo ko at lalong nagtaka.

"B-bakit? Saan ka pupunta?"

"I'll have a business trip at may aasikasuhin rin akong importanteng bagay na may kinalaman kay Chad." Paliwanag nito.

Kahit nakaramdam ako ng lungkot ay pilit akong ngumiti sa kanya. Ayaw ko mang umalis siya sa tabi ko pero wala akong magagawa dahil alam kong marami pa siya obligasyon maliban sakin.

Ngunit ang tagal naman ata ng two weeks lalo na pag-umabot ng isang buwan.

"Hey, wag kanang malungkot. Kahit ako ay gusto kong manatili sa tabi mo but it is really important. Hayaan mo, I'll do everything para maagang matapos ang kailangan kong gawin para makauwi kaagad." Sabi nito na habang masuyong hinahaplos ang pisngi ko.

Napabuntong hininga nalang ako dahil di ko alam kong nababasa ba ni Renz ang laman ng isip ko o talagang transparent lang ako sa kanya.

"It's ok, pero sana ay matapos agad at tsaka magiging busy rin ako sa school activities sa mga susunod na araw." Ani ko sa kanya.

Moskova Series #1: Mr. Nice Guy???Where stories live. Discover now