Chapter 27

10.3K 223 10
                                    


Jesse POV:

"Lorenz tell me the truth, bakit ka na naman may panibagong galos sa braso? Napaaway ka na naman ba?" Tanong ko kay Renz at pinaningkitan ito ng mata.

Ilang araw ko ng kinukulit si Renz tungkol sa bagong piklat nito sa braso. Buti nalang at mabilis lang mawala ang mga piklat nito sa natamong mga sugat at walang makikitang bakas dahil hindi  lang isang beses ko siyang nakitang may sugat.

Minsan talaga ay nagdududa na ako sa mga pinanggagawa ni Renz dahil hindi na normal na palagi siyang may sugat.

Wala naman sa mukha nito ang pagiging basagulero kaya nakapagtataka talaga.

"It's just an accident hon, don't worry about it. Magaling na yan." I just roll my eyes at him, ganyan nalang palagi ang sinasabi nito tuwing napupuna ko ang sugat nito.

"Come on hon, wag ka nang magalit please? May ilang documents lang akong pepermahan then we'll going to have a date, ok?" Malambing nitong saad habang pinapark ang kotse sa mismong harap ng kumpanya nito.

First time kong makapasok sa kumpanya nito kaya di ko maiwasang makaramdam ng hiya dahil sa labas palang ay alam mo nang di basta basta ang kinikita ng kumpanya at talagang mayaman ang may ari.

Iniisip ko rin na baka kung anu ang iisipin ng mga empleyado nito sakin dahil kumpara kay Renz mukha akong pulubi.

"Good morning sir!" Bati ng guard kay Renz pagpasok namin sabay tingin sa sa kamay namin na magkahawak at balik ang tingin sa mukha ko kaya nakita ko ang pagtataka sa mukha nito.

"Stop staring at her baka matunaw." Bahagyang nakangiti ngunit ramdam ang otoridad sa boses ni Renz kaya napayuko ang guard at binigyan kami ng malaking espasyo para makadaan.

"Hon punta ka muna sa reception area, I'll just give some instructions to the guards." Baling ni Renz sakin kaya kahit ayaw kong umalis sa tabi nito ay tumanggo nalang ako at binitiwan ang kamay niya.

Bahagya akong nakayuko habang naglalakad dahil naiilang ako sa klase ng tingin na binibigay sakin ng mga tao dito. Siguro ay talagang mayayaman lang ang nakakapasok sa lugar na to kaya nagtataka silang makita ang isang ordinaryong taong tulad ko.

Di ko maiwasang manliit dahil kahit mga empleyado dito ay papasang mga modelo.

"Ouch!" Mahinang daing ko ng may mabangga ako.

"Sorry, you ok miss?" Tanong ng lalaking may baritone na boses.

"Ok lang po ako, sorry din po." Pagpaumanhin ko sabay angat ng tingin kaya nakita ko ang bahagyang gulat sa mata nito ng magtama ang tingin namin pero agad ding nawala at napalipat ng kakaibang kislap ang mata nito na agad rin naman bumalik sa pormal.

Weird, normal ba sa mga gwapo ay mabilis magpalit ng emosyon? Si Renz kasi ay ganon din kaya minsan hindi talaga ako sigurado sa nakikita Kong emosyon sa mga mata nito. Masyadong misteryoso tulad ng taong nasa harap ko.

Ngayon ko lang napansin na may kasama pala ito ng ibaling nito ang tingin na waring nag-uusap sila gamit ang mata ng magandang babae na sa tingin ko ay dito nagtatrabaho dahil sa uniform na suot nito. Tulad ng lalaki may magandang mukha at katawan rin ang babae.

"I have to go Miss Sarah and thank you for assisting me." Pormal na sabi nito sa babaeng kasama at bahagyang ngumiti ng bumaling sakin.

"Be careful next time miss, and nice to meet you." Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi nito.

Bakit pakiramdam ko ay kilala ako nito.

Pero binaliwala ko nalang dahil baka nag oover thinking lang ako.

Moskova Series #1: Mr. Nice Guy???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon