Chapter 34

9.1K 171 19
                                    


"Tahan na, tumigil kana sa kakaiyak Jess. Tsaka kumain ka naman, tingnan mo isang linggo ka palang dito pero ang laki na ng ipinayat mo." Alo sakin ni Carol matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari sakin isang linggo na ang nakalipas.

Sa loob ng isang linggo ay dito ako kina Carol tumuloy buti nalang at out of  town ang parents niya.

Ngayon ko lang nagawang ikuwento kay Carol ang nangyari dahil sa loob ng isang linggo wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak, magmukmok at halos hindi na rin ako makakain ng maayos.

Isang linggo na ring nakapatay ang cellphone ko dahil ayaw kong kausapin sina mama at lalong hindi ako handang kausapin si Renz kung sakaling tumawag na ito. Hindi ko alam kung anu ang sasabihin ko sa kanya.

Pero ngayon pagtapos naming pag-usap ni Carol ay gumaan kahit papano ang pakiramdam ko. Naisip ko tama siya na hindi ako dapat sumuko at hindi ko dapat pabayaan ang sarili ko. Kailangan kong maging matapang para harapin ang problema at magtiwala sa amin ni Renz.

Please hon, trust me for know? Yan lang ang hinihingi ko. And sa pag-alis ko ngayon, sisiguraduhin ko na magpapakasal tayo sa sunod nating pagkikita.

Sa ngayon yan ang panghahawakan ko. Umaasa ako na kami pa rin ni Renz sa bandang huli.

I'll trust you hon not because you said so but I will trust you because I love you. . .

At sana maging sapat ang pagmamahal ko kay Renz para hindi ako sumuko at mawalan ng pag-asa.

-----

"Jess, hindi ba yan sasagutin? Kanina pa yan tumatawag eh." Untag ni Carol habang naglalagay ng inihanda nitong miryenda sa center table.

Kakauwi lang nito galing sa university na nagpa enroll, isinabay niya na rin yung akin dahil wala akong ganang lumabas.

Nadatnan nito sa ibabaw ng center table sa kanilang living room ang cellphone kong nagriring. Kahapon kasi ay naisipan kong buksan dahil sa tingin ko ay handa na akong kausapin si Renz.

Pero hindi ko na muna siguro ipapaalam sa kanya, hihintayin ko nalang na makauwi ito para personal kaming makapag-usap ng masinsinan.

"Unregistered number kasi eh, natatakot ako baka kung ang lalaking yun ang tumatawag." Paliwanag ko kay Carol.

"Sabagay, pero kaba naman hindi at importante yan?" Napabuntong hininga nitong sabi. Kaya minsan nahihiya na ako kay Carol dahil pakiramdam ko ang naging pabigat na ako sa kanya at pati siya ay naaapektuhan na din sa problema ko.

Nagkatinginan kaming dalawa ng magbeep ang cellphone ko. Ibig sabihin ang may pumasok text.

Nanginginig ang kamay ko na pinindot ang cellphone para basahin ang laman ng text ng tumunog ito sa ikalawang pagkakataon.

Si Carol naman ay umusog papalapit sakin para makibasa at hinayaan ko nalang siya dahil wala na rin naman akong maitatago sa kanya at sa mga oras na to ay siya lang ang masasandalan ko.

Fr: +63926*******

      Hon, it's me Lorenz. Please answer
      my call, I'm in a rush.

Fr: +63926*******

      I just wanna hear your voice honey.
     I miss you so much. . .

Sabay kaming napasinghap ni Carol ng mabasa ang dalawang magkasunod na text.

Sa loob ng mahigit dalawang linggo mula ng huli kaming makapag-usap ni Renz bago pa mangyari ang lahat ay ngayon lang ito nakatawag at nagtext. Nakapagtataka rin na iba ang number na gamit nito.

Moskova Series #1: Mr. Nice Guy???Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon