Chapter 1: First day

202 1 0
                                    

~You're insecure, don't know what for...~
Dali dali akong bumangon ng narinig ko ang aking alarm clock at nakisabay sa pagkanta at feel na feel ko talaga na nagcoconcert ako..

~don't need make up, to cover up being the way---
naputol ang pagcoconcert ko ng pumasok si mama sa aking kwarto

"Hoy! Punyetang bata to! Anong oras na ohh? Wala ka bang planong pumasok ha?" Sabi ni mama
Pagkapasok niya sa kwarto ko para sermonan na naman ako sa aking ginagawang kasiyahan. Kahit kailan talaga panira ng moment si mama eh noh? Pero kahit ganun yan, lablab ko yan.

"Hay nako, panira ka naman mama ehh. You know what ma? I'm just being happy"
"Che! May pa english-english kapang nalalaman at happy-happy na yan ha. Bumaba ka na nga, nakahanda na yung almusal anong oras na ohh" sabi ni mama at lumabas na ng kwarto ko.
"OO MA! SUSUNOD AKO!" pahabol kong sabi sa kanya.
At dahil nasira ang aking concert kuno. Bumaba nalang ako para mag-almusal at maghanda para sa aking pagpasok sa bago at pinapangarap kong paaralan.

**
Andito na ako sa tapat ng bago kong paaralan. Sa tapat ng gate na may nakasulat na SAINT FORD ACADEMY. Naisip ko bigla kung bagay ba akong mag.aral dito eh ang alam ko mga mayayaman ang nag-aaral dito. Mga nagmamay-ari ng mall, ng isang companya at kung anu-ano pa. Eh ako? Isa lang naman akong babae na sinuwerte. Nakapasa lang nman ako sa scholarship nila. Ano kaya mangyayari sakin sa araw na ito? Magiging masaya kaya ako? Tanggap kaya nila na may isang katulad ko na nag-aaral sa paaralan nila? Sa Saint Ford Academy? sana lang. Haay..yaan na nga,bhala na. Na e estress ang bangs ko sa kakaisip sa mga bagay na wala namang kasiguraduhan. Kung ayaw nila sa akin eh bahala sila basta ang importante makapag.aral at makapagtapos ako. Yan lang naman goal ko ehh. Para naman masuklian ko lahat ng paghihirap ni mama para sa akin.

Oo nga pala hindi pa ako nakapagpapakilala sa inyo. Ako nga pala si Akiane Faye Valdez, aki for short. Labing walong taong gulang at 3rd year college na. Ahmm, ano pa ba sasabihin ko? Wala na sguro. Kasi kung sa itsura ko? Iwan ko bsta simpleng babae lang ako. Yun lang..hehe..

So ito na nga ako, papasok na sa napakalaking iskwelahan. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin ang classroom ko dahil napakalaki naman talaga ng iskwelahang ito, nalula ako sa laki.

Habang naglalakad ako para hanapin ang aking classroom
"ay pugeta ka!" sabi ko ng may bumangga sakin.

"ahm hoy! Mr. na hindi ko kilala!" tawag ko sa kanya ng umalis lang siya bigla matapos akong banggain. Walang mudo ha. Hindi man lang nagsorry, grabe talaga. Bigla naman siyang lumingon ng tawagin ko sya. At hindi maipagkakailang gwapo yung lalaking nabangga ko kaso lang wala namang hiya.

"Hoy miss! Ano ba? hindi mo ba ako sasagutin?" bumalik ako sa aking ulirat ng mapansing kinakausap pala ako ng lalaking walang mudo

"ha? Ano? Ano sabi mo?"

"tsk. Sabi ko ano kailangan mo?" irita nyang sagot.
Gusto ko man siyang patulan dahil sa inasta niya. Pinili ko nalang magtanong kung saan ang hinahanap ko kasi baka malate na ako,first day na first day pa nman.

"ano..ahmm san ba yung room 127 dito?" tanong ko sa lalaking walang mudo.
Bigla sya ngumisi ng nakakaloko. Ano kaya iniisip nito.

"aahh yan ba? Nandun sa 2nd floor sa may left wing ng school" sagot nya bago sya umalis. Wala talagang mudo eh noh? Nakakabuwesit yung lalaking yun ahh. Sa susunod talaga kapag nagkita kami ulit papatulan ko na talaga yun.

**
Kanina pa ako pa ikot-ikot dito pero wala naman akong makitang 127 na numero. Naiinis na talaga ako ha. Patay talaga ako nito late na ako.

"ahmm iha, may hinahanap ka ba?" sabi ng matandang lalaki na bigla nalang sumulpot. At sa tantya ko parang dito nagtatrabaho si lolo. Parang janitor sya dito.

Saint Ford Academy: School of Gangsters Where stories live. Discover now