Chapter 5: Man in Black

62 1 0
                                    

Kate's Pov

Nasaan na kaya yung bruhang yun? Baka ano na namang gawin nun gaya ng ikinwento ni shan sa akin dun sa cafeteria. Haay yun talagang babaeng yun padalosdalos. Pero kahit ganun yun love ko si aki. Mabilis kaming nagkasundo syempre kami rin ang magkadorm eh kaya ganun kabilis. Kami nga ni shan eh, di ko akalain na ilang minuto lang nagkasundo na kami.
~toktoktok , ayun baka si aki na yung kumatok. ~toktoktok pumunta ako sa harap ng pintuan para pagbuksan yung kumatok. Pagbukas ko si shan ang tumambad sa harap ko.

"Shan ikaw pala yan. Pasok ka." Pumasok kaming dalawa ni shan sa loob "ba't naparito ka pala? Hindi mo ba nakita si aki?"

"Giiiiiirrrlll nakalimutan mo ba ang event next week friday? My ghad we have to do some plans for our outfit na noh." Oo nga pala Welcome Party next week. Nakalimutan ko yun ah."And for your info girl hindi ako hanapan ng mga taong nawawala. Pero joke lang yun, hehe. Hindi ko nakita si aki. Bakit ba? Hindi pa ba sya dumating? Tapos na naman siguro yung klase niya diba?"

"Oo di pa siya dumadating. Ewan ko sa'n na napadpad yung bruhildang yun baka ano nanaman gawin nun. Lapitin pa naman yun sa gulo."

"Hahahaha you're right. Yaan mo na yun dadating din yun walang masamang mangyayari dun. Trust me. Palaban pa ata yun sa akin." Tama si shan pro di ko maiwasang mag alala lalo na kapag ang paguusapan yung gangsters.

"Okay so ano ang plano?"

"Anong ano ang plano? Syempre magshoshopping tayo tomorrow, saturday nman eh"-shan

"Anong magshoshopping tomorrow? Bakit magshoshopping?" Sabat ni aki na na kakarating lang

"Hoy bruha ka! Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hinihintay." -ako

Aki's Pov

Pagdating ko sa harap ng pintuan ng dorm namin binuksan ko na agad. Nakabukas? Pumasok nlang ako at..

"Anong ano ang plano? Syempre magshoshopping tayo tomorrow, saturday naman eh" narinig kong sabi ni shan. Parang hindi nila alam na dumating na ako.

"Anong magshoshopping tomorrow? Bakit magshoshopping?" Sabat ko sa kanila dahil hndi ko alam kung anong pinaguusapan nla at magshoshopping daw bukas.

"Hoy bruha ka! Bakit ngayon ka lang? Kanina pa kita hnihintay." Bungad ni kate sakin. Yan ang bestfriend ko. Makabruha dba? Grabe lang. Pro lablab ko yan kahit ganyan yan sila. Nasanay na ata ako sa mga ugali nila. Si kate na bibo, na tawag sakin ay bruha, na palaban din minsan pero matatakutin talaga at si shan na parang maarte, sobrang brat girl din kapag may nangungunang umaway sayo. Actually silang dalawa yung parang nagtatanggol sakin kahit kaya ko naman. Sila yung nagtatanggol pero pagdating sa gangster ng school hndi na nakakapagreact dahil sa takot at siguro sa pagkastarstruck kapag nasa malapit ang grupong yun. I smiled of that thoughts.

"Hoy bruha! Sagutin mo ako. Hndi yung basta basta ka nalang ngumingiti dyan na para bang bagong nasiraan." Si kate na nman. Nakalimutan ko palang nandito sila.

"Ha? Bakit mo ba ako hinintay? Sinabi ko bang hintayin mo ako?" Pabiro kong sabi sa kaniya.

"Tsk. Nagtanong ka pa talaga ha. Ewan ko sayo. Malaki ka na nman." - kate

"Hahahahahahahahaha" kaming dalawa yan ni shan

"sge pagtawanan nyo akong dalawa. Tawang tawa kayo ano namang nakakatawa dun?" -kate

"Nothing! Nakakatawa lang yung itsura mo kanina nung nagsasalita ka" -shan

"Gaga! Ginawa mo pa talagang katatawanan yung itsura ko brat girl ka ha. Ano ako clown?"

"Hahahahahahahahahahahahaha" tawa lang kami ng tawa ni shan pro si kate kulang nlang sumabog sa galit. Nakakatawa nman kasi talaga yung mga reactions nya. Ang saya lang.

Saint Ford Academy: School of Gangsters Where stories live. Discover now