Chapter 2: New Bestfriend

101 1 0
                                    

Aki's POV

Naglalakad ako ngayon papunta ng dorm ko. Kagagaling ko lang sa principal's office kinuha ko yung susi ng kwarto ko. Magdodorm na kasi ako, tinawagan na naman kasi namin kagabi na tatanggapin na namin yung libreng pagdodorm ko kasi nga scholar ako.

So ito nga ako ngayon naglalakad papuntang dorm ko. Bigla kong naisip yung makakasama ko kasi sabi ng principal may makakasama daw ako. hindi ko alam kung mabait ba at makakasundo ko ba. Haaaay sana naman..para mas madagdagan pa ang kakilala ko dito.

Pagdating ko sa tapat ng pinto at ng bubuksan ko na sana. Bigla itong bumukas at tumambad sa akin ang isang babaeng nkafloral dress. Maganda din sya at parang mabait naman.

"Hi! Ikaw ba ang makakasama ko? Yung scholar ng school? Masiglang bati ng babae

"Ah oo" sagot ko

"Ako nga pala si Katelyn Santos. Kate nalang for short" at inabot nya ang kamay niya sa akin na tinanggap ko naman agad.

"Akiane Faye Valdez. Aki nalang hehe" sagot ko sa kaniya

"Oh hali kana pumasok kana , nilinisan ko na yung kama mo" sabi nya at tinulungan nya ako sa pagpasok ng mga gamit ko. Maganda yung room malaki sya pangmayayaman talaga. Grabe lang.

"Okay ka lang ba?" Sabi niya ng mapansing ang tahimik ko.

"Ah oo naman hehe" sabi ko sa kaniya

"Okay , akala ko kung ano na. Ang tahimik mo kasi." Sabi niya habang na upo sa kama nya

"Hehe sorry, sinusuri ko lang yung kabuuan ng room." Sabi ko at tumango sya

**
Nandito kami ngayon sa cafeteria ni kate. Nag.aalmusal sya kasi hindi pa daw sya kumakain. Ako nandito lang umiinom ng juice, nilibre nya kasi ako. Hindi na ako kumain kasi nga tapos na ako kumain kanina.

Mabilis pala kaming nagkasundo ni kate. Siguro nagkasundo kami kasi madaldal din tong babaeng to. Napakabibo nya. Kaya ang gaan gaan ng loob ko sa kaniya.

"Ahmm kate pwede magtanong?"-ako

"Oh ano yun?"-kate

"Ano kasi..ahmm tatanong ko lang kung may tinatago ba tong school nato?" Tanong ko sa kaniya.

"Bakit mo naman natanong yan?"-kate

"Wala lang. Ano nga kasi? Meron ba talaga? Kasi sabi ni shantal sa akin kahapon meron pa daw akong hindi nalalaman sa school nato" -ako

"Ahmmm yung school nato--ah wait, what? Shantal? Did I heard it right? Nagkausap kayo? Magkaibigan kayo? Kailan pa?" Sunod sunod na tanong nya na may halong pagtataka. Ba't ba nagtataka sya? Ano bang meron kay shan?

"Oo nga si shan, bakit ba? Bakit parang shock na shock ka dyan?" -ako

"Ah wala lang. Kilala ko si shantal pero hindi kami close. Nagkakakitaan lang kami dito sa school. Para kasi syang maldita."sabi ni kate na nakapagpatawa sa akin "hahahahahahahahahaha"

"Oh ba't ka natawa? May nakakatawa ba?" Tanong ni kate na parang nababagot.

"Hahaha. Wala lang masama ba? Pero alam mo kate. Yan din yung unang nasabi ko sa kanya nung nakita ko sya. Pero nung nakilala ko sya hindi naman pala." Sabi ko kay kate na tahimik lang "yaan mo papakilala ko siya sayo"

"Oh sge ba. Basta wag na wag lang nya akong susubukan baka ilibing ko sya ng buhay" natawa ako sa sinabi ni kate.

"Ang brutal nito" sabi ko "hahahhahahahahahhaahhaah" at sabay kaming natawa.

Masaya akong nakilala ko si kate. Magbestfriend na nga talaga kami kahit na ngayon palang kami nagkakilala. Hindi lang si kate, pati na si shantal ay tinuturing ko ng bestfriend. At silang dalawa ang dapat ko e treasure.

"So ano nga ulit tanong mo sakin?" Biglang tanong ni kate sa akin. Oo nga pala nakalimutan ko na yung tungkol sa school. Itatanong ko pa pala.

"Yun nga, may tinatago ba talaga yung school nato? At ano yun?" Tanong ko sa kanya.

"Alam mo aki malalaman mo din yan sa tamang panahon. Pero sige dahil parang gusto mo talagang malaman ngayon sasabihin ko na" sabi niya habang tahimik lang akong nakikinig sa kaniya.

"Aki kasi, itong school nato--  kriiinng kriiiing hindi na natuloy ni kate ang sasabihin niya dapat dahil biglang tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang klase.

"Ano ba yan, sa sususnod nalang aki. Bell na eh." -kate

"O sge, sa susunod nalang uli" -ako
Bad timing yung bell eh noh? Panira talaga. Kainis! yun na yun eh! Malalaman ko na sana! Haist..

**
Nagdidiscuss ngayon si Sir Matiga sa math pero ito ako ngayon, hindi nakikinig sa sinasabi ni sir dahil busy ako sa kakaisip kung ano yung sinabi ni kate na tung school nato ay ano? Haaay, gusto ko talaga malaman ang tungkol sa school nato. Kung bakit may iba akong nararamdaman. Hindi ko matanong si shantal ngayon kasi wala siya. Haaay maghihintay na nga lang siguro ako nito.

**
Kriiiing kriiiing kriiinngg..
Recess na. At mukhang ako lang mag.isa ngayon dahil sabi ni kate may gagawin sya pero susunod daw sya. Pupuntahan niya lang daw ako dun sa cafeteria.

Naglalakad na ako ngayon. Hindi ako makapagisip ng maayos dahil sa mga titig na natatanggap ko mula sa mga istudyante. Pero dapat hindi ako unahan ng takot ko kasi ito yung magpapabagsak sa akin. Kaya pinilit ko nalang huwag pansinin ang titig nla.

Pag.upo ko sa isa sa bakanteng table. Halos lahat ng nasa cafeteria napatingin sa akin. Ano bang meron? Bahala nga sila.
Kaya nanatili ako sa pwesto ko hanggang biglang may pumasok. Grupo ng mga lalaki, lalaking aaminin kong mga gwapo. Hindi naman maipagkakaila dahil lahat ata ng istudyante napapatingin sa kanila. Pero may pinakanapansin ako, iba ang epekto nila sa mga taong nandito ngayon sa cafeteria. Bakit kaya?

Sa gitna ng aking pag.iisip napansin ko ang isang lalaki. Lalaking walang hiya. Walang iba kundi sino pa ba? Yung nangloko lang naman sakin nung first day..naglalakad na sila papunta dito. Dito sa inuupuan ko ba? Nasa unahan yung tatlong lalaki. Yung isa yung na sa left side gwapo sya may hikaw sa kaliwang tenga nya, maputi at yung buhok nya bagsak na may pagkablonde at sakto lang yung height nya. Yung nasa gitna nman maitim ang buhok cute matangkad. Yung nasa right nman ang gwapo din sakto lang yung kulay nya matangkad napaka attractive nya kung titingnan pero parang may pagkasuplado. Yung nasa likuran nman nila nandun yung walang hiya at iba pa na ang gwagwapo rin. Kaya naman pala seguro tameme lahat ng tao especially yung girls dahil grabe naman tung grupo nato. Ewan ko ba, ang perfect nila tingnan. Lumipas ang ilang segundo at ang dami ng bulongbulongan yung iba kinikilig..pero bigla ulit tumahimik ang paligid ng may pumasok. Isang lalaki, isang lalaking makalaglag panty, ay hindi ano ba tong iniisip ko..pero oo sobrang gwapo niya. Siguro nung nagpaulan ng grasya siya lahat nakasalo. Eh ako? Nung nagpaulan ata ng kapangitan sama mo pa ang kamalasan andun ako, hahay. Pero back to reality, oo may lalaki na sobrang gwapo,ang tangkad nya. kung attractive yung iba, ito nman dumoble pa my ghad. Naka black v-neck sya na shirt na bumagay sa kanya dahil sa well defined na muscles nya. Grabeeeee..ewan ko na.

Saint Ford Academy: School of Gangsters Where stories live. Discover now