Chapter 1: The Random Textmate

23 5 0
                                    

Nagising si Nathan sa sunud-sunod na pag-beep ng kanyang cellphone. Dahil sanay siyaqng nakaka-recieve ng important messages lang ─ dahil iyon ang rule niya sa mga nakakaalam ng contact number niya ─ kinuha niya agad ang gadget at binasa amg mensaheng dumating.

Hi there! Care to be my textmate?

What! Nagambala siya sa pagtulog pagkatapos iyon lang ang mababasa niya? At sino namang tao ang makikipag-text sa ganitong oras. Alas-tres pa lang ng umaga! Kapag nalaman niyang may nagbigay ng number niya kung kanino ay malalagot sa kanya.

Binura niya ang mensahe at muling bumalik sa paghiga. Sinusubukan na niyang matulog nang muling tumunog ang kanyang phone. Una, naisip niyang huwag na lang pansinin dahil baka iyon na naman ang nagtext pero paano kung iba na at emergency iyon? At iyon na nga ang nagtulak sa kanyang tignan muli ang text message na dumating.

Hi there again! Can you spare me some of your time?

Hindi pa niya tapos basahin iyon nang tumunog na namanang phone niya. Dito na naman galing ang mensahe. Ano ba ang problema ng isang ito at nambubulahaw ng tulog? Ah, wala siyang pakialam dito.

Gusto sana niyang i-off ang cellphone niya o kaya i-silent na lang pero hindi maaari Any minute din kasi ay puwedeng tumawag ang kanyang ina na nasa ibang bansa. Paniguradong magtatampo na naman iyon oras na hindi niya ito masagot.

Napatingin siya sa mensaheng binuksan niya.

Please reply and be my angel. Save me from the emptiness...

Natigilan siya sa pagkakataong iyon. Hindi niya maintindihan kung bakit parang may kalabit iyon sa puso niya. Pero hindi niya iyon pinansin, kailangan nitong tumigil.

Oh please! I am not an angel. I am not even Superman who can help you are in now. Isa lang akong tao na ginagambala mo sa tulog. I don't know you, kaya please lang, stop texting me!

Hindi pa niya nagawang matulog uli dahil nag-reply ito.

You don't know me... Okay, I will introduce myself, I'm Hannah Berceles, and you?

Napahawak si Nate sa kanyang sentido. Talaga namang nagpakilala pa! Sa totoo lang, may iba pang paraan para hindi siya magambala sa pag-iingay ng cellphone niya pero hindi niya ginawa. Imbes, natagpuan pa rin niyang tinutugon ang bawat mensahe nito. What now? He was crazy!

Call me Nate. How did you get my number? he sent back.

I just shuffled the last two digits of my number. Btw, your name's nice! she replied.

What's the problem?

Hell, hindi niya alam kung ano ba iyong ginagawa niya? Hindi na dapat niya ito kausapin. Wala siyang obligasyon dito. Ano namang pakialam niya sa buhay nito? Pero hayun, ka-text pa rin niya ang babae.

Ikaw ba, takot kang mamatay?

Naikiling niya ang ulo. Hindi niya inaasahan iyon. Hindi niya inaasahang tanong din ang magiging sagot nito sa tanong niya. Sasa gutin niya sana iyon nang mag-text uli ito.

Ako... Takot akong mamatay nang hindi naibibigay 'yong best sa buhay na hiniram ko.

When An Angel SingsWhere stories live. Discover now