Chapter 2: Is it LOVE?

22 4 0
                                    

Ibinagsak ni Nate ang sarili sa sofa. Hinilot niya ang kanyang sentido. What's happening to him? Hindi lang siya naka-recieve ng text mula sa dalaga ay nag-iinit na ang ulo niya. Ilang empleyadi ang nakatikim ng sermon sa kanya. He even cancelled his appointment for today! What!

Niluwagan niya ang pagkakasuot ng kanyang necktie. Isinandal niya ang ulo sa inuupuan at saka napatitig sa hawak niyang cellphone. Wala ba itong load? Kung pa-load-an kaya niya? O kung tawagan na lang kaya niya?

Argh! Bakit ba nagkakaganoon siya nang dahil lang sa babaeng iyon?

Napaupo siya nang tuwid nang biglang mag-vibrate ang kanyang phone. Nagmamadali pa siyang buksan ang text mesage.

Everything in life is temporary 'coz everything changes. That's why it takes great courage to love knowing it might end anytime... but having faith, it will last forever. Hi there! Miss me?

He expelled a breath. Ramdam niya ang mabilis na pintig ng puso niya. He couldn't believe it. Hindi niya akalaing kaya palang pumintig ng puso niya nang ganoong kabilis at kumabog nang ganoong kalakas. No... He didn't believe in love. Walang ganoon... Pero qano itong nararamdaman niya ngayon?

He lifted his hand. Imbes na sagutin ang text nito ay pinindot niya ang 'call' button. Kasabay ng pagnginig ng phone niya, parang nanginig din yata bigla ang katawan niya. Kailan pa siya nakaramdam ng ganoong kaba? Siya yata si Nathan Montecillo. Pero patuloy pa rin ang bahagyang pag-tramble ng kanyang kamay.

Hanggang sa tumigil sa pag-ring. Pakiramdam niya rin yata tumigil sa pagtibok ang puso niya. Puwede bang mangyari iyon?

"Nate..."

Oh, why did her voice sound like an angel? No, kailan pa siya naniwala sa mga anghel?

"Did you miss me?" patuloy nito.

"Ako ba na-miss mo?" naibulalas niya bago pa ma niya napigilan ang sarili. Naipikit niya nang mariin ang mga mata. Ano ba itong pinagsasabi niya?

"I missed you..." Sagot nito. "So much."

Ang sarap sa pandinig. How could he resist her? Hindi niya kaya.

"Na-miss din kita."

"That's good." He heard her laugh softly. Hindi siguro ito naniniwala.

"Hannah, let's meet..." Lumabas aa kanyang mga labi. Shoot! Nakakadalawa na siya.

Matagal na katahimikan ang pumagitan sa kanilang dalawa bago nito sinagot ang sinabi niya. "Maraming consequences ang gusto mong mangyari, Nate. Sigurado ka ba? Ah hindi. Mas tama yatang itanong kung nakahanda ka ba."

Tumango siya agad kahit hindi naman nito makikita. "Yes. Puwede bang ngayon na?"

Natawa ito nang pagak.

"Hey, I'm serious." sabi niya.

"Okay, okay... let's meet then. Ikaw na magset ng location. I-text mo na lang sa akin."

"See you then."

Doon nagtapos ang pag-uusap nila. Hindi niya maipaliwanag pero pakiramdam niya ang gaan-gaan sa feeling. Naloko na, in-love na nga yata siya!

When An Angel SingsWhere stories live. Discover now