Chapter 3: I'll Do Anything, Just For You..

14 4 0
                                    

Wish #1

Gusto kong matutong lumangoy. Sana naman may matiyagang magturo sa akin.

Napangiti si Nate sa unang papel na nakuha niya sa wish bottle. Na-imagine niya na para itong batang nagmamakaawang turuan itong mag-swim. Nagising ang diwa niya nang tumunog ang kanyang phone.

The things you'll lose one day, the things you fear you'll face one day, do what you have to do and make every moment count. Life is too short so be happy. :) Sir Nate, kain na po. Mahirap magkasakit, sige ka.

Mas lalo pang lumawak ang ngiti niya. Iyon ang gusto niya kay Hannah. Masayahin sa kabila ng sitwasyon nito. At alam niyang nakikita ng mga empleyado ang pagbabago sa kanya.

Ni-replayan niya ito. Mas maganda siguro kung we'll eat together. I know a better place.

She texted back. Okay. Hindi ako tatanggi sa libre.

Natawa siya nang mahina. I'll pick you up. Wait for me.

Inabot niya ang kanyang coat at sinuot iyon. May dinaanan muna siya bago tumuloy kay Hannah. Bubusina pa sana siya pero nakita niyang lumalabas na ang dalaga. Tila nakabisado na nito ang tunog ng sasakyan niya sa makailang beses na niyang pagdaan, pagsundo at paghatid dito.

He got out of the car and opened the other door for Hannah. Pagkaraan ay pumasok na rin siya at pinaandar ang kotse.

"Where are we going?" Tanong nito.

"Secret, no clue," sabi niya.

"Hoy! Baka saan mo ako dalhin, ah."

Tinawanan niya lang ito. "Gab mabuti pa , pakiabot na lang n'ong paper bag sa likuran."

Kahit man nagtataka ay inabot naman niya iyon ng dalaga.

"Nag-take out ako ng pagkain sa restaurant. Medyo malayu-layo rin ang biyahe natin kaya kumamin ka muna. Puro healthy foods 'yan."

"Saan ba talaga tayo pupunta? At saka, ikaw rin hindi pa kumakain, ah."

"Subuan mo na lang ako," biro niya.

"Puwede rin," kagat naman nito sa biro niya.

Isa rin iyon sa personalidad nito na gusto niya. Marunong itong kumagat sa biro. In fact, wala siyang maalalang dull moments nilang dalawa. Every day is a new experience. At noon lang niya naranasan iyon. Dati-rati kasi routine na ang takbo ng buhay niya. Gigising siya, papasok sa opisina, makikipag-negotiate, magtatrabaho, uuwi. Ganoon. Pero nagabago ang lahat nang makilala niya si Hannah.

"Yey! May prawns."

Agad nitong nilantakan ang sugpo. At maya-maya ay may inilapit ito sa kanyang sugpo na balat na. "Open up."

Mabilis niyang tiningnan nito, saka ibinalik ang tingin sa daan. Sineryoso nga nito ang sinabi niyang subuan siya. At bakit tila kinikilig siya sa ginawa nito? Oh, what did he just say? Kinikilig? Oh man, kailan pa siya natuto sa salitang iyon?

Sa wakas ay nakarating din sila sa fitness club na pagmamay-ari ng pamilya ni migs. Pina-reserve niya ang swimming pool para sa kanilang dalawa para naman makapag-focus si Hannah kapag tinuruan niya itong lumangoy. Oo, tuturuan niya itong lumangoy gaya ng wish nito.

"You're gonna teach me swim?" excited nitong sabi.

Ginulo niya ang buhok nito. Para talaga itong bata. Sino ba ang hindi maeengganyo na turuan ito kapag ganoon ang expression? Priceless.

"Sabi ko naman sa'yo, ako ang fairy godfather mo. Your wish is my command."

Nagulat siya nang bigla ay yakapn siya nito. Naramdaman niya ang pagwawala ng kanyang puso sa dubdub. Sa ginawa niyang iyon ay nahaplos din ang kanyang puso. Walang maliit na bagay sa dalaga. Mabilis itong maka-appreciate. Madaling pasayahin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 20, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

When An Angel SingsWhere stories live. Discover now