Chapter 1

36.2K 624 54
                                    

Chapter 1

"Ohayou Gozaimasu! (Good morning)."

Ako si Shina Fujiwara, isang transfer student sa 'Rainsworth University'. I'm a half-filipino and half-japanese, for three years, sa Japan kami nag stay at nagbalik lang ngayong senior high. Pero ako lang naman talaga ang pumilit sa kuya ko na bumalik kami dahil lang sa isang lalaki na naging laman ng panaginip ko.

Hindi ko napigil 'yong katuwaan ko nang makita ko sa isang newspaper sa Japan ang isang International School sa Pilipinas at ang endorser nila ay isa sa mga estudyante nila na kamukhang-kamukha ng lalaking laman ng mga panaginip ko—siyang-siya iyon. Pakiramdam ko desperada akong nagmakaawa sa magulang ko na makabalik sa Pilipinas para lang sa isang lalaki.

"Shina, para kang timang," si kuya kenji habang kagat-kagat pa ang isang toasted bread.

"Bilisan na natin!" excited na hinila ko siya palabas sa gate namin. "Naghihintay na siya sa 'kin!"

"Hindi ka nga kilala, timang ka talaga." Pinitik niya ang noo ko.

"Hmp!"

Nauna siyang maglakad at halos hingalin ako sa laki ng mga hakbang niya parang nanandya.

"Matte!" (Wait)

Nakahabol naman kami ng sakay sa isang bus. Hindi kami nagkausap ng kapatid ko dahil nakaupo ako habang nakatayo siya sa bahaging dulo. Nagkahiwalayna rin kami sa entrance dahil nagmamadali ako ng makarinig ng bell.

"Wah!" Nasampal ko ang mukha ko nang mapagtanto ko na napakalaki ng eskuwelahan at naliligaw ako!

Directionally Challenge ako, hirap na hirap akong tandaan ang mga daanan even the simple left and right ay hindi awtomatiko sa 'kin. Kailangan ko pang kapain ang kalyo ko sa kanan na siyang gamit ko sa pagsulat para lang malaman na iyon ang kanan.

Walang pumapansin sa 'kin. Paano na ako nito?!

"Sumimasen," (Excuse Me)

Tumigil ang lalaking matangkad na nakasalamin, "Yes?"

"Do you know where I could find the 2-4 class?"

"Room 207?" American accent na ulit niya.

"Y-yes,"

"Senior high?"

Tumango ako.

"We're classmate."

Nagliwanag ang mukha ko, "P-pwede akong sumabay?"

"No problem."

"I'm Shina Fujiwara," iniabot ko sa kanya ang palad ko.

"Harvey Lensoco," tinanggap naman niya iyon.

Kinuha ko na iyong pagkakataon para kausapin siya at daldalin.

**

Katulad nang madalas nagpakilala ako sa harapan, "Good morning, I'm Shina Fujiwara." Nag bow ako sa harapan nila at ngiting-ngiti kahit pa mukhang pinagtatawanan ako ng iba. Ayos lang, kung hindi nila ako gusto ngayon, magugustuhan din naman nila ako sa susunod. I'm always positive! Ngayon pa ban a makikilala ko na ang prince charming ko?

Pero siyempre kung ano ang excitement kong makapag-aral dito, hindi naman ganoon sa pag-aaral dahil mahina talaga ako. Hindi ko rin alam kung bakit. Medyo hirap akong magfocus sa pag-aaral pero iba naman kapag art ang ginagawa ko, kaya kong mag concentrate kahit sa pinakamaingay pang paligid.

Saan ko ba unang makikita ang destiny ko?

"Harvey Lensoco,"

Napadiretso ako nang upo nang tawagin ang katabi kong si Harvey.

My Vampire PrinceWhere stories live. Discover now