Chapter 3

17K 420 10
                                    

Chapter 3

Paulit-ulit na routine hanggang mapaos ako araw-araw. Sumali na rin ako sa iba't ibang fans club para magkaroon ng mga impormasyon tungkol sa kanya. Si Sey ang isa sa nakilala ko, parang megaphone ang kanyang boses oras na sumigaw ay talagang mangingibabaw. Hindi lang naman pala mga Night Class ang target ng mga fans club kundi maging ang day class, at hindi ko masabi sa kanila na ang isa sa tinatawag nilang star ng day class ay kuya ko! Sabagay, hindi naman ako kinakausap gaano sa school no'n tatanguan lang niya ako or pipitikin at voila, tapos na!

"Sumama ka na sa party, doon makikita mo sila nang mas matagal." Sabi ni Sey sa 'kin nang magkasama kaming kumain sa cafeteria after mamaos kasisigaw.

"Talaga bang a-attend sila?"

Tumango si Sey, "Oo naman, halos lahat sa fans club naroon kaya hindi ka naman mag-iisa."

Tumango-tango ako, bahala na, minsan lang 'to, kaya dapat makausap ko talaga siya sa gabing 'yon para hindi masayang ang inipon kong pera pambili ng ticket at cocktail!

"Sige, sasabihan na lang kita kapag bibili na ako ng ticket." Pero hindi pa rin ako sure na sure.

Sa klase gano'n pa rin ang iniisip ko. Nanghingi lang ako kay Harvey ng papel dahil may quiz daw kami.

Ako talaga 'yong tao na hindi risk taker—marami akong kayang gawin, pero hindi ako bilib sa sarili ko. Kaya yata nasanay na akong pang-puwede na 'yan mentality.

Sa Japan, may contest ng creating manga, at pinangarap ko rin 'yon, pero hindi ako nag take ng risk, iniisip ko na matatalo lang naman ako at mapapagod lang.

Ginusto ko rin maging isang artista, pero wala akong balak mag-auditon dahil napakaraming tao at hindi naman ako siguradong mapipili.

Marami akong gusto pero hindi ko gustong mag effort na kunin sila, as if lalapit naman sila ng kusa. Ngayon lang ako mag take ng risk, kay Raven lang ako susubok. Pero katulad dati, may mga doubts ako na makakausap ko siya sa gabing 'yon pero—

"Pass your paper forward."

Napaigtad ako nang malakas na boses ni ma'am ang nangibabaw.

"Akala ko 1-20?" tanong ko kay Harvey.

"Oo nga," aniya na pinasa ang papel sa unahan.

Shit. Number 9 pa lang ako! Sa sobrang lalim nang iniisip ko, hindi ko na narinig si ma'am na nag move forward! Iyan, sa daydream magaling ako.Hanggang panaginip na lang ba ako palagi?!

"Okay, exchange papers." Mando ng guro sa dalawang nasa unahan na may hawak ng papel ng bawat grupo.

Nagcheck na kami ng mga sagot. Nanlulumo ako dahil bagsak na bagsak ako. Hanggang mag roll call na ang teacher namin at ang magsasabi na ng iskor ay mismong nag tsek ng papel sa pangalan namin.

"Jennelyn Buce,"

"14/20." Sagot ko.

"Harvey Lopez,"

"7/20," sagot ni Tyrah.

"Yes!" Tila tuwang-tuwa pang sabi ni Harvey. "Sisiw." Dagdag ni Harvey.

Gusto kong ikutan siya ng mata dahil sa pagiging mayabang niya samantalang bagsak siya, at ako rin naman panigurado!

"Shina Fujiwara—"

Natawa si Ely, ang isa sa kaklase ko.

Nakagat ko ang labi ko, mukhang siya ang nag check ng papel ko.

"7/20." Sagot ni Ely.

"Uy, nangopya ka yata, eh." Si Harvey sa 'kin.

"Mukha mo!"

My Vampire PrinceWhere stories live. Discover now