Chapter 5

16.9K 364 17
                                    

Chapter 5

Madalilang ipatanggal ang alaala ng babaeng si Shina, pero hindi niya iyon ginawa. Inilapag ni Raven ang ang libro sa side table ng kanyang kuwarto. Sa bintana siya tumayo at pinagmasdan ang kabilugan pa ring buwan. Kagabi lang, ang Party na naganap ay piyesta lang ng mga bampira sa mga tao na kanilang biktima na tatanggalin din nila ng alaala. May isa silang kasama sa Night Class na may kakayahang magpalit ng memorya, at lahat ng mga nabiktima ng mga katulad niya ay ito na ang bahalang gumawa ng pekeng memorya.

Siya naman, dahil may kakaiba sa kanilang pamilya, hindi nila pangunahing pangangailangan ang dugo. Pero nawawalan sila ng kontrol oras na makaamoy ng dugo mula sa taong may matinding dinadalang galit—iyon ang kanya. May iba-iba silang dugong kinakailangan at silang mga Nightray ang may ganoong klase ng pangangailangan, labis na pag-ibig, labis na galit, labis na pagnanasa at kung ano-ano pang labis. Ang tawag sa kanilang sitwasyon ay 'Blood Link' nagiging atraktibo sa kanila ang mga dugo dahil sa koneksiyon niyon sa kanila. Lahat ng kakagatin niya na may matinding galit ay magigising na nakalimutan na nito ang mga dahilan ng labis na galit, parang magkakaroon ang mga ito ng amnesia na pili lang depende sa kung sino ang dahilan kaya may labis na galit ang taong iyon.

Sa ngayon, naninirahan siya sa dormitoryo para pansamantalang malayo sa kanyang angkan—masyado na siyang dinidiktahan ng mga ito. Kung may toxic na relasyon, may toxic din na pamilya.

Silang mga Nightray, dahil sa kanilang kaibahan, importante sila katulad ng mga Pureblood Vampire. Sila pa lang ang may salinlahi na may Blood link. Kaya masyadong nagiging kontrolado ang mga galaw nila, dahil hangga't maaari, ang kaibahan nila ay hindi maisalin sa iba, kaya nga ang pamimili ng mapapangasawa sa kanila ay is ang tradisyon na dapat sundin.
"Kailangan kong burahin ang alaala ni Shina—" marahil sa susunod na lang. Hindi pa naman nito alam ang lihim ng buong night class, mabuti na rin at hindi nito namukhaan ang lalaking bampira.

*

Siyang-siya si Shina nang gabing isayaw siya ni Raven at damang-dama niya ang kamay nitong nanlalamig habang titig na titig sa mukha ni Raven—mapula ang labi, matangos ang ilong, malalamig pero napakagandang pares ng abuhing mga mata.

Pero maglilimang-araw na niya itong 'di nasisilayan kahit pa ang mga fans club ay worried na.

"Sayangin mo pa ang oras mo hanggang magkabagsak-bagsak ka at pauwiin tayo ng magulang natin sa Japan dahil nagsayang lang sila ng malaking pera para sa panaginip mo!"

Nagitla si Shina nang sabihin iyon ng kuya niya na nasa sofa.

"Wow, ha! Ikaw nga puro ka basa ng comics!"

"Kahit puro basa ako, nasiguro ko naman na papasa ako 'no."

"Hmp!"

"Mabuti pa para makatulong ka sa bayarin at hindi ka puro sigaw na parang baliw sa mga night class, patusin mo na 'tong trabaho—" may iniabot si Kenjie sa kapatid na isang maliit na karton. "Isa 'yang cosplay café, hindi ba mahilig ka naman mag-gano'n kaya easy lang sa 'yo iyan!"

Nanlaki ang mata ni Shina at kaagad natuwa, "Wow! Gusto ko 'to!"

"Pero kung mababastos ka naman, tumigil ka na lang."

"Huy, nag-aalala ang kuya ko!"

"Lol!"

**

Sa tuwing papasok ako tinitingnan ko na lang ang gate kung nasaan ang dorm ng night class student. Umaasa siya na makasilay kay Raven, pero bigo talaga siya. Ngayon na magta-trabaho na si Shina, pakiramdam niya hindi na rin siya mapapadalas na makapaghihintay nang maagang-maaga sa paglabas ng mga nasa night class.

My Vampire PrinceWhere stories live. Discover now