Chapter 4

15.6K 397 10
                                    

Chapter 4

Night Party hosted by Night Class

"Ano na, Shina!" pangsampung tawag na yata sa 'kin 'yon ni Sahara.

"Sige lang, sayaw lang kayo diyan!" dito na lang ako sa food section.

Kahit maraming night class na nakakamangha ang hitsura at talaga namang mukhang napakayayaman kung magkikilos ay wala naman doon ang magbibigay sa 'kin ng katuwaan.

"Ano ba, hindi ba at gusto mo ito? Tingnan mo 'yong mg ka-fans club mo!" siniko ako ni Sahara, "Mukhang hindi party ang pinunta kundi fan meeting!" sinundan niya 'yon ng tawa.

"Alam mo, ganoon din naman ako kung nandiyan si Raven, 'no!" inirapan ko siya.

Nag-aksaya lang ba ako ng pera?

"Ah, so, siya lang talaga ang pinunta mo rito?"

"Siyempre, kahit nga sa Pilipinas, siya lang ang pinunta ko 'no!"

"Hmm, kung si Raven ang hinahanap mo naroon siya sa mga madidilim na sulok. He doesn't like joining in the crowd's noises,"

Nabaling ang atensiyon namin ni Sahara sa lalaking nagsalita. Kung hindi lang taken ang puso ko, baka nabighani rin ako sa guwapong lalaking nasa harapan namin—mukhang ang cool niya in his jet black suit!

"S-saan kaya?" nilulon ko na ang kahihiyan para magtanong.

Nangiti naman siya, "Library IV,"

Siyempre, alam na alam ko 'yon!
"S-salamat," hindi ko na naitanong ang pangalan niya at iniwanan na siya Mukhang nagpa-cute na rin si Sahara sa lalaki kaya hindi na niya pinansin nang umalis ako.

**

THIRD POV

Inakyat ni Shina ang patungo sa library IV—tahimik na tahimik, pero may ilaw naman na mamula-mula, kahit pang mayamang eskuwelahan mukhang nagtitipid din.

"Oh, nakakatakot ka naman,"

Natigilan si Shina nang mabosesan ang isang babae na malandi ang pagkakasalita.

"Don't you like it?" mukhang nanunukso ang lalaki.

Nag-init ang pisngi ni Shina 'di yata at makakasaksi siya ng kung ano!

Hindi nya alam kung baba siya o ipagpapatuloy ang paglalakad para hanapin si Raven. Pero pababayaan ba niyang hindi ito makita samantalang nag-ubos siya ng ipon para lang maka-attend sa party na iyon at makasalamuha ito?

Mas humina ang mga boses, may kung anong mahihinang ungol siyang narinig. Nawala ang boses bigla kaya nagtaka si Shina, kahit kabado na baka may masaksihan ay isinilip niya ang ulo sa loob ng pintuan kung saan naroon ang dalawang nag-uusap.

Nakita niyang nakahalik sa leeg ng babae ang lalaki. Hindi niya gustong makakita ng higit, aalis na sana siya kung hindi lang niya nakita nang umangat ang lalaki at unti-unting matanggal ang pangil nito na nakabaon pala sa leeg ng babae. Dilat na dilat din ang babae na tila labis ang pagkakagulat.

"A—"

Ang sigaw niya ay napigil nang palad na tumakip sa kanyang bibig at kaagad siyang nilayo ro'n, pero gusto pa ring kumawala ng kanyang mga sigaw!

"Shh, calm down, lower your voice!"

Hindi pa rin siya nakakalma.

Sa isang bakanteng silid siya dinala ng lalaki at marahan 'yong sinara saka siya binitiwan. Takot na takot si Shina habang inaalam kung sino ang lalaking nagtakip ng bibig niya, baka gawan din siya nito ng masama!

Bukas ang bintana, kaya may liwanag ang loob ng silid na pinasukan nila, dahil 'yon sa kabilugan ng buwan.

"R-Raven?" Hindi siya sigurado dahil madilim pa rin.

"Kumalma ka na?"

Umiling siya, mabilis pa rin ang tibok ng kanyang puso. Iyon lang, hindi niya alam kung para saan ang mabilis na tibok ng puso, para ba ito sa nasaksihan kanina o dahil nasa harapan niya si Raven?

"Bakit ka ba narito?" nilapitan ni Raven si Shina na mukhang nanginginig pa rin sa takot.

"Ah, k-kasi,"

"Dahil?"

"H-hinahanap kasi kita," naipikit nang mariin ni Shina ang mga mata. Bahala na si batman! Basta kailangan niya nang ipaalam dito kung bakit siya umattend sa party.

"Ako?" nangunot ang noo ni Raven, naupo ito sa isang desk malapit kay Shina.

"A-ano kasi, g-gusto kitang maging first dance!"

Peste, hiyang-hiya na si Shina pero hindi talaga siya magpapaawat kahit maging kahiya-hiya pa siya ngayong gabi.

"Kung ayoko?" natatawang tanong ni Raven.

"Pipilitin pa rin kita!"

Nabigla saglit si Raven saka natawa.

Namula naman si Shina sa sobrang pagkapahiya.

"T-tatawanan mo lang ba ako!" hindi na normal ang bilis ng tibok ni Shina.

Hindi pa rin mapigil ni Raven matawa pero sinubukan niyang kalmahin ang sarili.

"Marami naman mga night class ang nasa baba, hindi mo kailangan hanapin ang nawawala."

"Pero ikaw ang pinunta ko rito! Wala akong ibang night class na gusto, maliban sa 'yo!"

Nabigla si Raven, saan ba galing ang babaeng ito at mukhang mapilit?

"Please, be my first dance, Raven Nightray!" Malakas na sabi ni Shina.

"Shhh—" kaagad harang ni Raven ng hintuturo sa kanyang labi.

"Please, isayaw mo ako! Hindi mo alam kung ano ang mga isinakripisyo ko para lang makapunta sa party na ito!"

"Galit ka na ba?" nangingiting tanong ni Raven.

"Please—"

Nabigla si Shina nang ilahad ni Raven ang palad sa kanya.

"Sorry, I can only dance with you in this room,"

Pakiramdam ni Shina sasabog na siya sa sobrang kilig. Hindi na siya makahinga nang maayos. Kabadong-kabado siya.

"Will you dance with me?"

"Y-yes!" Mabilis na tinanggap ni Shina ang palad ni Raven.

Sa isang iglap pakiramdam ni Shina ay nasa loob siya ng isang fairytale book. Isinasayaw ng kanyang Prince Charming na napakalapit ng mukha sa kanya at masyadong guwapo—napakapula ng labi nito, ano kaya ang pakiramdam ng mahalikan ng labi na 'yon?

"Bago ka lang, hindi ba?"

Tumango si Shina, napakabango naman ng hininga ni Raven.

"Paano ka napunta rito at naging miyembro ng mga fans club?"

Nangiwi si Shina, "D-dahil sa 'yo, mula sa Japan pinuntahan pa kita rito sa Pilipinas, 'no!"

Nagulat naman si Raven, "Paano?"

"Nakita kita sa diyaryo at siguradong-sigurado ako na ikaw 'yon!"

"Ako ang?"

"Ang laman ng mga panaginip ko! Sa panaginip ko ikaw na ikaw 'yong lalaking itinadhana sa 'kin, kaya no'ng makita kita sa picture, alam ko na kaagad, ikaw 'yon!"

Hindi malaman ni Raven kung maniniwala rito o hindi.

"Maniwala ka, palagi kitang napapanaginipan. Akala ko talaga sa panaginip lang kita matatagpuan pero no'ng makita kita, talagang nagpauwi ako sa Pilipinas at nag-aral dito sa Rainsworth para sa 'yo!"

Natawa nang mahina si Raven.




YOU CAN READ THE FULL STORY ON MY DREAME ACCT. JUST SEARCH MY USERNAME 'MISACRAYOLA'

My Vampire PrinceWhere stories live. Discover now