Tenth Chapter

548 18 2
                                    

Hailey POV

Maaga akong nagising dahil di na ako makatulog. Dahan dahan akong bumangon at lumabas ng room. Dumiretso agad ako sa kitchen dala ang reviewer ko.

Kumuha muna ako ng gatas bago umupo sa counter at nag basa.

"Goodmorning Babe." Yakap sakin ni Julean sa bandang likuran na kararating lang.

"Hey Babe, ang aga mong nagising huh?" Tanong ko sakanya.

"Kasi alam kong gising kana." Nakangisi niyang sabi.

"Baliw." Tugon ko kaya natawa naman siya.

"Watcha doi'n?"

"Nag re-review."

"Ahh, pagkatapos mo pwede ako naman turuan mo? Please babe." Pag pa-pacute niya.

"Oo naman, by the way babe? Alam mo ba kung tungkol saan yung pag me-meetingan ng mga teachers ngayong umaga?" Pag iiba ko ng topic.

"Ahh, Yes babe. Sigurado ako matutuwa ka, pero surprise nalang yun. Baka sasabihin rin naman mamaya ng teacher natin."

"Tss, fine." Nakangiti kong sagot.

Pumunta naman siya sa isang bakanteng upuan at naupo.

Sumunod ako at umupo sa tabi niya.

"I love you babe." Nakangiti kong sabi sabay sandal sa balikat niya.

"Hmm, I love you too Babe." Nakangisi niyang sabi.

Napatingin naman ako kay Julean ng may marinig kaming may nag uusap ng malakas pababa ng hagdan.

"Julean, mag tago ka." Natataranta kong bulong kay Julean kaya nataranta naman siya.

No choice siya kaya agad siyang pumasok sa ilalim ng lamesa.

"Uy Hailey, ang aga mo huh." Tanong sakin ni Miggy.

"A'Ah Oo." Nakangiti kong sagot.

Umupo naman sina Miggy, Tobby at Sam sa mesa.

Maya maya pa ay sumunod na sina Zach, Enno at Stefan.

"Uy Hyung, ipagluto mo na kami." Nag pa-pacute na tugon ni Miggy.

"Tss, maghintay ka." Sagot ni Stefan at sinuot na ang apron at nagsimula ng mag luto.

"Teka, sa'n si Julean?" Nanlaki naman ang mata ko sa tanong ni Sam.

"Di ko rin alam eh, pag gising ko wala na siya sa kama niya." Sagot ni Miggy.

"Sa room ka ni Julean natulog kagabi?" Takang tanong ni Zach kay Miggy kaya bahagya naman siyang napangiti sabay kamot sa ulo.

"Baka nalunod sa pool." Walang emosyong singit naman ni Tobby.

Ang cute talaga ni Tobby, lalo na ang liit pa ng mata tapos di manlang nag s-smile.

Pero teka.

Si Julean? Nalunod? Baliw talaga.

"Oo nga sa liit nu'n eh." Tawa naman ni Miggy kaya nag simula na silang mag tawanan.

Grabe sila sa baby ko huh.

Napatingin naman ako kina Irene, Joy, Veronica, Wendy at Yeri na pababa ng hagdan.

"Goodmorning guys." Masiglang bati ni Miggy.

Pero di siya pinansin ng lima.

Naupo na sila sa mesa at maya maya pa natapos na si Stefan mag luto.

Napangiti naman si Irene.

"Mukhang ang sarap ng niluto mo Stefan huh." Nakangiti nilang sabi

"Thank you, but guys. Huwag niyo munang gagalawin huh. Di pa kasi nakaka baba si Chae, tsaka sina Max at Lex narin." Nakangiting tugon ni Stefan.

The Love Game(BTSxxBLACKPINK)FANFIC.[EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon