Twentyfour Chapter

389 10 0
                                    

Chaelyn POV

Binagsak ko na lang ang katawan ko sa kama ko dahil sa pagod.
Ikaw ba naman makipag laro sa spoiled brat naming pinsan? Lahat nalang ayaw eh gusto lang pala makipag laro sa mga Monterde. Parang hindi bata hays. Napatingin ako sa wall clock and it's 6:35 pm.

May lakad ba ako ngayon? Kasi parang pakiramdam ko meron pero di ko lang alam. Aish. Baka wala.

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko dahil iiglip muna ako saglit.

*Ting*

Napamulat ako ng isang mata nang tumunog ang phone ko. Kinuha ko ito at tinignan kung ano.

(Reminder)
•Meet Stefan parents at 8:00 pm

Napabalikwas naman ako sa kina hihigaan ko ng makita ko ang Reminder sa phone ko.

Mygoshh! Tama! Ngayon ko pala ma me-meet ang parents ni Stefan.

*Ting*

Tinignan ko ulit ang phone ko at nakita ko ang pangalan ni Stefan sa screen.

Love💕

Love be ready later. Kung kinakabahan ka isipin mo nalang ito na double date with mom and dad. Don't worry love maganda ka naman sa kahit anong anggulo. Magugustuhan ka nu'n. Susunduin kita diyan ng 7:30 okay? I love you💓

Napangiti naman ako sa simpleng message na sinend sakin ni Stefan.

Kaya ko to! Kakayanin ko to.

Tumayo na ako at pumunta ng Comfort Room at nag hilamos, pagkatapos ay nag toothbrush. Lumabas na ako ng C.R at dumiretso sa mirror at naupo. Tinitigan ko muna ang self ko sa mirror bago simulang suklayin ang buhok ko. Nag lagay lang ako ng konting liptint sa labi ko para simple lang. Pumunta na ako sa walk in closet ko at pumili ng magandang isusuot na dress.


Ano kaya? Sa lahat talaga ng mahirap pag isipan ito pang isusuot. Aish! Ito na nga lang.

Kinuha ko na ang simpleng dress na isusuot ko. Napatingin ako sa wallclock and it's already 7:24. Nagbihis na ako at sinuot ang sandal ko. Hindi na ko nag abala pa na itali ang buhok ko. Gusto ko kasing maging simple kapag haharap ako sa parents ni Stefan. Baka mas gusto nila ang simple.

Napatingin na lang ako sa pinto nang may kumatok, at si yaya lang pala.

"Ms.Chae nandiyan na po si Sir Stefan sa salah." Saad niya kaya napangiti naman ako at napatango.

"Sige ya. Pakisabi coming."

"Sige ma'am." Tango niya naman at tuluyan nang lumabas ng kwarto ko. Kinuha ko narin ang bag ko at lumabas narin.

Nasa kalagitnaan palang ako ng hagdan ay kita ko na si Stefan na naka upo sa sofa. Nung maka baba na ako ay dumiretso agad ako kay Stefan.

"Love." Sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

"Nervous?" Nakangiti niyang tanong kaya napatango lang ako.

"Ano ka ba love? Nandito lang ako. I'm sure tatanggapin ka nila katulad ng pag tanggap ng parents mo sakin." Nakangiti niya paring sabi kaya napangiti narin ako. Dahan dahan niyang hinawakan ang kamay ko at ngumiti sakin. Huminga lang ako ng malalim at lumabas na kami ng bahay. Pinagbuksan muna ako ni Stefan ng pinto ng sasakyan niya bago siya umikot sa kabila para sumakay na din. Wala ngayon sina mom and dad sa bahay since busy sa business trip to Iloilo.

The Love Game(BTSxxBLACKPINK)FANFIC.[EDITED]Where stories live. Discover now