Eighteen Chapter

561 9 0
                                    

Yeri's POV

"Ngayon umiyak ka na hanggang sa mapagod ka. Sasamahan kita dito." Seryosong sabi ni Tobby kaya napaharap ako sakanya. nakateingin lang siya sa harap ng dagat.

"Bakit mo yu'n ginawa?" Tanong ko sakanya.

"Ganu'n ka na ba ka desperada? Gusto mo bang kaawaan ka nila du'n sa loob?"

Nabaling naman ang tingin ko sa kawalan.

"Mahal ko siya eh. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Di ba pag mahal mo ang isang tao dapat ipaglaban mo?" Malungkot kong tanong sakanya.

"Walang masama du'n. Tama naman talaga na kapag mahal mo ipaglaban mo. Pero kapag mahal mo na hindi ka naman mahal eh mali na yu'n. Desperada ka na nu'n." Mariin niyang sabi.

"Tss. Sa panahon ngayon wala namang tama eh. Basta pag dating sa love kahit mali gagawin mo." Sabi ko without looking at him.

"Si Max....." Biglang sabi niya na naka pakuha ng atensyon ko kaya napaharap ako sakanya.

"Mahal ko siya." Sabi niya at bumuntong hininga.

Nanlaki naman ang mga mata ko.

"M'Mahal mo si Max?" Tanong ko.

Mahal niya si Max?

Kailan pa?

Alam ba to ni Enno?

Tumango siya at bumuntong hininga ulit.

"Hindi ko nga alam kung kailan to nag simula eh. Hindi naman kami close ni Max, basta naramdaman ko nalang to. Pero wala akong planong sabihin sa kanya at wala rin akong planong sirain silang dalawa kaya...........Ikaw, tama na okay? Kung ano man ang binabalak niyong lima. Itigil niyo na ya'n." Seryoso niyang sabi.

Nanigas naman ako sa sinabi niya.

Alam ba niya?

"W'What d'do you mean?" Utal kong tanong.

Ngumisi naman siya at humarap sakin.

"Yeri, hindi ako pinanganak kahapon para hindi ko malaman ang pakay niyo kung bakit kayo tumira sa
Mansion." Sabi niya.

Napakagat naman ako sa ibabang labi ko.

Shit!

Kailan niya pa nalaman?

Tsk!

"Itigil niyo na ya'n habang hindi ko pa to sinasabi sa mga pinsan ko lalo na kay Enno. Gusto mo bang magalit sayo si Enno ng tuluyan?" Dugtong niya.

Napayuko ako dahil nagsisimula na namang lumabas ang mga traidor kong luha.

"M'May utang si Irene at kami sa pamilya niyo kaya sinunod namin ang utos ng Mommy ni Enno." Sabi ko habang naka yuko.

Alam din naman ni Tobby kaya wala na akong magagawa.

Sasabihin ko nalang ang rason kung bakit namin to ginagawa.

The Love Game(BTSxxBLACKPINK)FANFIC.[EDITED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang