Twentythree Chapter

437 12 1
                                    

Max's POV

Nagising nalang ako sa ingay nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"ANO?" Sigaw ko rito.

"Ano ba Max? Hindi naman ako maninira ng kwarto mo noh. Lumabas ka na nga diyan. Tanghali na kaya!!" Sigaw ni Alexa pabalik mula sa labas. Napa irap nalang ako at hindi na sumagot sa kanya. Naalala ko na naman na nag away kami kahapon ni Enno.

Sumasayaw ako sa studio ko ng may biglang pumasok kaya napa tingin ako du'n.

"Samuel?" Takang tanong ko.

Ngumisi naman siya at kumaway sakin.

Si Samuel ay classmate ko nung high school at kasama ko rin sa dance trop namin sa school.

"Long time no see Max. How are you?" Tanong niya sabay upo sa tabi ng speaker.

"Well, i'm okay. Ikaw?" Tanong ko rin at lumapit sakanya.

"Ok rin naman." Napatango-tango naman ako sa sagot niya.

"I heard may boyfriend ka na?" Tanong niya kaya napaiwas ako bahagya ng tingin.

"Y'Yeah. Ikaw? May girlfriend ka na ba ngayon? Or should I say may sineryso ka na bang babae ngayon?" Sarkastikong­ tanong ko kaya bahagya siyang napangisi.

"Tssss, until now wala parin. Eh pa'no naman kase, ang babaeng gusto ko ay nasa ibang lalaki na." Mapakla niyang sabi at ngumisi sa kawalan. Natahimik ako at na istatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ako manhid kaya alam ko kung sino ang tinutukoy niyang gusto niyang babae.

Yes, ako nga yu'n. Actually, since high school ko pa alam na may gusto siya sakin dahil niligawan niya ako noon pero hindi ko siya sinagot dahil wala pa sa isip ko ang mag seryoso sa isang relasyon.

"W'Well, you can find a better girl pa naman eh."

"Yeah, sana nga. Anyway, pupunta na ako sa Singapore for good Max. I will leave the country next week kaya pinuntahan na muna kita dito." Aniya. Napangiti naman ako sakanya.

"Well, good for you the--"

Natigilan ako nang yakapin niya ko bigla.

"I will miss you Max." Bulong niya. Hindi ko magawang mag smile o mag salita dahil sa gulat sa ginawa niya.

"WHY THE FVCK ARE YOU HUGGING MY PROPERTY!?" Sigaw mula sa likuran ko na umalingaw-ngaw sa buong studio ko.

Shit! Si Enno.

Pero bago pa ako humarap sa kanya ay nakita ko nang nakahandusay na si Samuel sa sahig at naka hawak na sa panga niya.

"ENNO!" Sigaw ko sabay hawak sa braso niya  nang lalapitan niya pa sana si Samuel.

"WHAT MAX!?" Singhal niya.

"I'It's just a friendly hug Enno! Wag ka ngang O.A." Inis na sabi ko at tinignan si Samuel na patayo habang naka hawak parin sa panga niya.

"A friendly hug? Really Max? Alam kong alam mo na hindi yu'n basta-basta friendly hug!" Giit niya. Sasagot pa sana ako ng biglang mag salita si Samuel.

"I'll go a head Max. I'm sorry." Sabi niya na ako lang ang tinitignan.

"HOY GAGO! I'M NOT YET DONE!" Sigaw ni Enno kaya hinigpitan ko pa ang pag kakahawak sa braso niya.

Binalingan naman ni Samuel si Enno ng tingin.

"Stop that childish act bro. Don't worry, i will not going to steal her from you......Until you won't hurt her." Seryosong sabi ni Samuel bago lumabas ng studio kaya kinalas ko na ang pagkakahawak ko kay Enno. Hinarap niya naman ako nang may galit sa mukha.

The Love Game(BTSxxBLACKPINK)FANFIC.[EDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon