Chapter 10

69 3 0
                                    

GRS:CHASING MY SOULMATE
CHAPTER 10
          

                CLERK POV
Aaminin ko na nagulat ako nong una sa mga nakikita ko. Isang aninong tao na may pulang mata at mahahabang kuko, pero bakit parang sanay na ang mata ko sa kanila. Hindi ko rin sila maintindihan sa mga sinasabi ng mga pangit na yun, kung ano-ano ang sinasabi sa akin at ang mas nakakagulo ng isipan, bakit ko sila nakikita at ano ang pakay nila sa babaeng mahilig sa gulo.

Papunta na sana ako sa garden ng naramdaman ko sasarili ko na nasa kapahamakan siya.

"Na kakakinis. Aish! Sa harapan ko pa talaga magyakapan."

"Hindi ako nagseselos! Bwesit na isip to. "

Pagkatapos kong makipaglaban sa mga pangit na yun ay pumunta na ako sa garden at don nagpahinga.

-----

          BRIOHNY POV
Nang dahil sa nangyari kay Mr. Wenston ay tinigil muna lahat ang klase at pinauwi kami.

"Kawawa naman si Mr. Wenston. Okay lang ba si Zayne? "Tanong ni Ariela.

"Oo okay lang siya"sagot ko

"Ani ba kasi ang nangyari Briohny? Nag-usap lang kayo tas nawalan na nag malay"sabi ni Lester.

"Hoy! Huwag ka ng magtanong.! Hayaan na muna natin si Briohny"sabi ni Andrey at nginitian lang nila ako.

"Mag-lunch muna tayo. Gutom na ako" sabi ni Ariela.

"Sige. Tara guys! "Sabi ni Lester at kumain kami sa Fast Food Chain malapit sa park.
Pagkatapos na kaming kumain ay naisipan nilang mag-mall ako naman nagpaiwan nalang dito sa dahil magpapahangin muna ako sa park.

Nasa park na ako ngayon ng may biglang humintong itim na sasakyan. Lumabas ito at laking gulat ko na si Clerk pala to. Kumunot ang noo ko at iniwasan lang ako na para lang akong invisible. Dip*ta!! Kainis.
Naglakad na lang ako at sa may lawa ako dumiretso. Umupo ako rito at sa unahan ng lawa nakita ko siyang nilalaro niya ang tubig sa kamay niya.

Umupo lang ako sa may puno. Pinagmamasdan ko lang siya. Tumayo na ito at naglakad papalapit sa akin.

"Alis ka diyan. " sabi niya

'Aba't sumusobra na ah! Ako kaya nauna rito. '

"Ako kaya nauna dito"sabi ko nakaupo kasi ako at isinandal ang likod sa puno at nakaharap sa lawa.

"Gusto ko diyan"sabi niya na walang emosyon.

"Hehe. Gusto mo tumabi ka sa akin. Dito kaya tayo non. Nakaupo habang pnagmamasdan natin ang lawa"sabi ko at kumunot lang ang noo niya.

"Ganito kasi yun. Dati tayo rito. Siguro di mo lang naaalala. Ngayon sobrang saya ko kasi nandito ka"sabi ko.

"Hindi kita naiintindihan. Kaya kung pwede ba! Tigilan mo na yang sinasabi mo"inis niyang sabi.

"Pasensya na mahal ko, ngunit hindi ako titigil. "Sabi ko at naasar naman siya. Haha

Umupo siya sa tabi ko ngunit malayo ito kaunti. Hindi kagaya nong dati na nakaupo kami rito na halos magkadikit na ang aming mga braso, yakap yakap namin ang isat-isa at inaakbayan ako sabay pisil sa pisngi ko. Nakakamiss yun.

"Salamat pala kanina. Sa pagligtas mo sa akin. Kahit nakalimutan mo na ako di mo parin ako pinababayaan. Pinoprotektahan mo parin ako."ngiti kong sabi.

"Tss! Nakakainis ka na ha! Di kita maintindihan. Pilit kong inaalala ang mga sinasabi mo ngunit wala talaga. "Sabi niya.

"Huwag kang mag-alala. Di naman ako susuko. Huwag mong pilitin ang sarili mo baka babalik din yang alaala mo, pero sana huwag mo kong ilayo sayo dahil hindi ko kaya. Hinintay kita ng pitong taon at ngayon ay nandito ka na ayaw kong lumayo ka sa akin. Kahit saan ka pupunta hahabulin kita. Haha"sabi ko at inirapan lang ako.

"Masasaktan mo lang ang sarili mo sa akin"sabi niya habang nakatitig sa lawa

"Mas masakit kong itinataboy mo ako"lungkot kong sabi. Narinig ko lang siyang nagbuntong-hininga.

"Kaibigan lang ang tingin ko sayo, Briohny. Huwag mo kong tawagin mahal ko, dahil wala akong nararamdaman sayo"sabi niya na parang dinudurog ang puso ko.

"Siguro sa ngayon. Pero kong maalala mo lang ang lahat, yung alaala na kung gaano mo ako kamahal at pinipilit na soulmate tayo at ako ang kabiyak mo, kung paano mo ko alagaan at protektahan non sa kanila"sabi ko.

"Tss! Speaking of those ugly creatures. Bakit mo sila nakikita? Bakit ko sila nakikita?" tanong niya.

"May kakayahan ako na makakita ng multo, sa kanila. At ikaw naman dahil isa kang tagasundo noon. Alam ko na iniisip mo na baliw ako pero totoo ang sinasabi ko, naging tao kaman ngunit ang kakayahan mo sa pagiging Grim Reaper ay nadala mo parin ngunit di na ganon kalakas, maaari ka ng masugatan at makaramdam ng sakit, wala ka ng kakayahang magteleport, ngunit may angking lakas naman ang naiwan sayo"sabi ko at nakikinig lang siya sa akin.

"Ano naman ang kailangan nila sayo? "Tanong niya

"Ang dugo ko. Alam ko na kailangan nila ang dugo ko para mabuksan ang kahon kung saan natin ikinulong ang pinuno nila" sabi ko.

"Sound like listening to a fairytale of yours. Whatever. I have to go. I just came here dahil gusto ko ang lugar na to, kahapon ko lang nakita. Umuwi ka narin" sabi niya sa akin at tumayo.

'Sundan ko kaya? Hahahah sige'

"Okay. Paalam mahal ko. Mag-iingat ka"sigaw ko sa kanya at tumayo na rin ako.

Yan na nag update.
Salamat sa pagbabasa
Sorry sa typos
Kindly vote and comment
-AUTHOR

GRS:CHASING MY SOULMATE✔Where stories live. Discover now