Chapter 21

67 2 0
                                    

GRS:CHASING MY SOULMATE
CHAPTER 21
            
               ORAKULO POV
              (MATANDANG DS)
Pagkatapos kong kausapin si Mr. Wenston ay bumalik na kami sa lungga namin, sa dimensyon ng mga kaluluwang masasama. Nang dahil sa kasamaan ay di na pinayagan magkaroon pa ng bagong buhay, maaari kami sa impyerno ngunitbayaw namin don, sa mainit na lugar at pahihirapan ka lang, maituturing kaming lost souls ngunit mga masasama nga lang. Kung may mabuti may masama rin, ang lahat ay may kasalungat.

Inutusan ni ang isa sa mga Dark Soul na ihanda ang gagamitin ko para sa anak ni Mr. Wenston. Ipapainom ko sa kanya ang itim na likido, ang likido na to na kung saan makokontrol namin siya hanggang sa gusto namin, susundin niya ang iuutos ko kahit ano. Ang likido na to ang maging susi sa lahat. Mapapasakamay na namin ang babae at makakalaya na ulit ang pinuno namin, sa panahong ito ay hindi ko na hahayaan na matalo na naman kami, nandito na ako. Magiging gabay at utak ako sa lahat.

-----

             BRIOHNY POV
May rehearsal kami ngayon ni Clerk kaya magkasama kami ngayon at ang iba pang participants each section. Tahimik lang siyang nakaupo sa tabi ko. Si Zayne naman, andon sa labas nakaupo, hinihintay ako or let just say binabantayan. Para na talaga siyang aso eh. Tatayo na sana ako ng nagsalita si Clerk, pupuntahan ko sana si Zayn sa labas.

"Briohny? " tawag niya.

"Ah-eh yes? May kailangan ka? " tanong ko.

"Where are you going? " tanong niya

"Sa labas lang" sabi ko at tumango lang siya.

Nasa labas na ako at nakita ko si Zayne na nakayuko ang ulo habang nakaupo. Ilang busy ko na rin siyang nakitang nagbuntong hininga.

'Ano bang bumabagabag sa kanya.? '

"Zayne? " tawag ko at umupo ako sa tabi niya

"O? Tapos na ensayo niyo? " tanong niya at umiling lang ako.

"Okay ka lang ba? " tanong ko.

"Hindi" sagot niya. Wow. Just wow! Ang honest nga. Halata na nga tinanong ko pa. Bobo rin ako minsan eh no.

"Briohny? If there's something happen to you at di kita nailigtas at naipagtanggol, i will really blame myself" sabi niya. Kita ko kung gaano siya kaseryoso sa mga sinasabi niya.

"Wala namang mangyari sa akin eh"sabi ko.

'Pero di ako sigurado dahil alam ko na    those ugly Dark Soul will hunt me because they need my blood para mabuksan ang kahon na iyon'

"It just an "if". Hehe. But im sorry of what i've said. " sabi niya. Ginulo ko ang buhok niya at pinisil ang pisngi.

"Ang cute mo naman. Haha. Kaya ko na ang sarili ko. At kung may mangyari nga sakin-what if lang din- gusto ko na huwag mong sisihin ang sarili mo. "Sabi ko at nag-pout lang siya.

"Mukha kang pato. Nimal ka! Haha. Sige na balik na ulit ako sa loob" sabi ko at bumalik na sa loob.

Nakita ko si Clerk na natutulog kahit mag-i-instruct si Mrs. Cruz sa dapat naming gawin. Nakaupo na ulit ako sa tabi niya at di na siya ginising. Ako nalang ang magsasabi sa kanya kung ano man ang pinag-uusapan namin ngayon.

"Okay. Listen up. Pagkatapos ng pag-introduce ng name niyo sa harapan at sa section niyo, uupo lang kayo sa stage habang jinajudge kayo at kung gaanong karaming votes ang makukuha niyo. Sa last day ng foundation week na ito mangyayari at sa gabi non i-aanounce ang winner at ang overall. Yung overall na mananalo ay sasayaw sa maraming crowd. " sabi ni Mrs. Cruz.

'Sigurado na mananalo si Clerk. Pero gusto ko na makasayaw siya. Huhu. Kailangan kong manalo. Hehe'

Tapos na ang ensayo namin at uwian na, paglabas namin ay wala na si Zayne,  sina Ariela lang ang nandito sa labas.

GRS:CHASING MY SOULMATE✔Where stories live. Discover now