Chapter 11

82 1 0
                                    

GRS:CHASING MY SOULMATE
CHAPTER 11

            SOMEONE POV
Nandito kami sa lungga namin. Lumipat na kami ng tinitiryahan dahil nong lungga namin noon ay nawasak na dahil sa ayaw ng DS at mga Tagasundo, nawala lang ako at pagbalik ko ay naging magulo na ang lahat at natalo na naman ulit ang aming pinuno.

Ayon sa nakikita ko pagmanalo kami laban sa mga Tagasundo at dakpin ang mga Lost Souls at gawing kagaya namin ay maaari naming masakop pati na ang mga tao.

"Mahal na Orakulo, natalo po kami. Bi-bigo po ang operasyon na-natin. Di po namin na-nakuha ang babae" sabi ng isang DS na ipinadala ko kanina. Mukhang nakatakas to

"Mga wala talaga kayong kwenta! Bakit nagkaganon. Ganon ba kalakas ang babaeng yan?! " gigil kong tanong.

"Hi-hindi po pinuno. May la-lalaki po na biglang sumulpot at nangi-alam, isa po siyang tagasundo nuon na naging tao na. " sabi niya.

'Tagsundo na naging tao? '

"Totoo ba yang sinasabi mo? " tanong ko

"Opo, kahit na naging tao na siya ay may kakayahan parin siya bilang tagasundo, magaling parin siya kahit wala siyang naaalala na nakalaban niya kami non" sabi niya.

"Si Mr. Wenston? " tipid kong tanong

"Okay lang po siya. Lumabas po na wala siyang kinalaman"sagot nito.

"Sige. Magpalamig muna tayo. Hintayin natin na magising siya"sabi ko at umalis na siya

------

            BRIOHNY POV
"Manong, sundan niyo po yung maitim na sasakyan"sabi ko kay manong driver at sinunod naman ako. Sinusundan ko kasi siya ngayon.

Pumasok siya sa isang subdivision, papasok na sana kami ng bigla kaming pinahinto ng guard.

"Miss, sino pong bibisitahin niyo rito? " tanong niya.

"Ha? Ah--"

'Naku Briohny mag-isip kaaa'

"Amf, kay Clerk po"sabi ko.

"Ah kay Mr. Hyun, kararating lang. Dumiretso kayo tas kumanan, ang makikita mong malaking masyon ay sa kanila nayon"sabi ng guard at nginitian ko siya.

"Manong narinig niyo po si Manong Guard, dumiretso tayo tas kumanan"sabi ko at tumango lang ito.

'Malaking mansyon? Ang yaman naman niya agad. Nakakapagtaka'

Ilang minuto ay pinahinto ko na si Manong at bumaba na ako. Naisip ko kasi na lakarin nalang ang street na to hanggang sa nakita ko na ang malaking mansyon na mas malaki pa sa iba.

Nandito ako sa labas ng gate nakatago sa mga bulaklak at sinilip ang loob. Nakita ko ang sasakyan niya na nakapark.
Balak ko sana akyatin yung bakod ng may nagsalita.

"Ate? " sabi ng bata na alam ko isang kaluluwa na at isang dalaga

"Jusmiyo! " gulat kong sabi.

"Sabi ko sayo ate Lina nakikita niya tayo. Tama ang kutob ko no"sabi ng bata sa ate niya.

"Hehehe"ako

"Anong ginagawa mo sa labas ng mansyon ni kuya? " tanong ng bata.

"Isa ka rin ba sa mga babae na pumupunta rito at ini-istalk siya? " tanong ng dalaga sa akin.

'Hindi ako handa sa question and answer portion'

"Hindi ah! Ako yung babae na pinakamamahal niya. Tss! Di ko kayo bigyan ng lollipop diyan eh"sabi ko sa kanila

GRS:CHASING MY SOULMATE✔Where stories live. Discover now