Chapter 11: Shot

466 13 0
                                    


Bea's P.O.V

Tamo to di ako pinapansin. Nakakahalata na ako ha, kanina halos putulin na niya ang kamay ko sa kakahila, ngayon naman parang akong aso na sunod ng sunod sakanya. Eh syempre diba? Di naman ako pumupunta dito sa mansion nila, mamaya mawala pa ako eh di nagkagulo na?

"Boss!" Pasigaw kong bulong habang sinusundan sya. Ano ba naman to! Ansakit na ng paa ko! Hello!? 5 inches po itong heels ko tapos first time ko lang! Nakuuu masasapak ko na talaga tong bakla kong boss na ito. "Bos- aray.." ayan na wala na , nadali na ako! Di ko nakitang may bato pala sa aapakan ko kaya naman muntik na akong matapilok. Good thing may nabunggo ako kaya nahawakan nya ako agad. And it gave me chills kasi ang lamig ng kamay nya.

"Be careful.." that voice, tumayo ako agad at tiningnan ng maigi yung lalaking nakamaskara. Wait, masquarade ball ang party na to? "Staring is rude" he smirked. Napa-iwas naman ako agad ng tingin at naglakad nalang ulit. Strange, familiar yung boses nya. He sounds like.....the jerk

Lumingon ako sa likod para tingnan siya pero nawala na sya. I shrugged my head and start searching for my Boss. Bakit naman pupunta dito yung mayabang na yun? Invited ba sya? Tss..

Asan na ba yung baklang yun!? Pinapunta punta nya ako dito tapos iiwan iwan din niya ako! Ugh. Sarap maghubad guys, ang kati! Idagdag mo pa 'tong mask na suot suot ko. Hindi naman ako ganun kapangit ha!? Ang ganda ganda ko nga eh, to the highest level pak ganern! Tapos iniiwan lang ako ng baklang yun? Anong problema niya? Nainggit? Tch.

"There you are, I've been looking for you!" Nagulat naman ako ng sumulpot sa gilid ko yung maarte kong boss na akala mo eh sobrang gwapo. Well gwapo nga sya, tagilid nga lang kaya it's no use para i-appreciate ko yung hitsura nya ngayon.

"Uhh or in another way around? I've been looking for you! Where did you go!? Ang kati kati na nga ng suot suot ko tapos ang taas taas pa ng heels ko tapos iiwan mo ako!?" Mabilis kong sabi.

Tiningnan niya lang ako ng blanko at hinila ulit ang kamay ko. Hayyyy heto nanaman ho tayo. "Aray! Boss masakit ha pwede pahigpit pa?" Sarcastic kong sabi at ang bruhilda hinigpitan pa nga! Hinila ko tuloy ang wrist ko at tumigil sa paglalakad. Grabe lahat na ng tao nakatingin saamin. Mabuti nalang talaga naka maskara ako.

"Masakit ha!"

"You said higpitan ko? Im just doing you a favor" I rolled my eyes and look at him. Grabe din talaga ito magpilosopo.

"Have you ever heard the word reverse psychology or Sarcasm?"

"Correction. Words, with letter "s" " okay that's it napuno na ako. Di nalang ako umingay at nakatingin lang sa ibang derekyon. I saw some people watching us but i didn't bother. Nasira na nga umaga ko sirang sira pa sa gabi. Hayy buhay

"Okay fine, late ka kasing dumating at naiinip na sila Lolo na makilala ka." Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Huwat!?

"B-Bakit?"

"Isn't obvious? I've told them about us, well sort of" medyo maarte nyang sabi. Mabuti nalang at walang nakahalata sakanya. Maldita talaga itong baklang ito.

"Kailangang sabihin? Naku boss naman eh, di mo naman kailangang sabihin kila Lolo mo ang tungkol-" sa kalagitnaan ng paglalandian ko ay pinutol niya agad ako.

"Shut up. Don't make your hopes high stupid. I needed to tell them or else I will be forced to do something that is against in my will" I gave him a deadly glare but he didn't bother and started to walk in different way. Ako? Tss bahala sya dyan, sa ibang dereksyon ako pumunta. I noticed na kumakain silang lahat at ako lang ata ang hindi, so i did what I want to do. I took a plate and start taking foods from the catery.

Falling In Love With My Gay BossWhere stories live. Discover now