You Are My Favorite Thing

2.3K 85 9
                                    

You Are My Favorite Thing

-A year ago-

“Best! Tingnan mo to oh!”

Hinila niya ako para ipakita ang ilang pics naming na may memes sa iba’t-ibang fan pages. Mga pick up lines at mga kung anu-anong drama na kunware ay nagaganap sa totoong buhay namin ni Mika.

“Grabe. May spark ba talaga tayo?”

“Siguro.”

Tumawa ulit siya.”shocks best! Nakikita nila ang HD mo sa akin oh!”

Pinalo ko naman siya sa braso.”bakit ako lang ba? Sino ba yung umamin na crush ako kapag naglalaro ha?”

“hoy Victonara kapag naglalaro ka lang ha. Gumagwapo ang tingin ko sayo kapag nasa court ka.”

Girl crush ko siya sa team. Alam naman niya yun. Crush rin daw niya ako kapag nagpapakahalimaw na ako sa court.

Madali kaming nagkasundo dahil na rin sa pareho kaming bully siguro. Mas madalas rin kaming lumalabas na magkasama kaya marami na ring kara pics na nagkalat sa internet.

Minsang hindi kami makatulog ay tumambay kami sa labas ng dorm.

“Sabog lagi ang notifs ng twitter ko.”natatawa niyang pinakita ang phone niya.

“Ako rin. Hindi ko na Makita ang mga tweets nina Fo oh.”

Kinuha niya ang phone ko at inooff ito.”Magtitweet pa tayo e magkasama naman tayo best.”

Bestfriend. Sumandal siya sa balikat ko habang nakakawit sa kaliwang braso ko.

“Hindi ba nagagalit sina tita kapag pinagpi-pair tayo ng mga fans?”basag niya ng katahimikan.

“Hindi. Cool naman sina mama. Bakit? Ikaw ba?”

“Hindi rin. Alam naman ni mama na friends tayo e at walang malisya ang mga ‘yon?”

Tumango ako.”naman. komportble lang talaga tayo sa isa’t-isa.”

--

Nagpatuloy ang closeness namin. Sanggang dikit na nga kami sa team e. Kung may mga free time kami madalas kaming kakain sa labas, Angsarap lang niyang ilibre kasi angdami niyang nakakain. Sulit ang bawat piso. Simot sarap kasi!

Ang alam ko sa romantic relationship lang uso ang selosan. Pero iba pala itong si Mika.

“Sino ba yung kasama mong babae ha?!”sigaw sa akin ni Mika pagkarating ko ng dorm.

“ha? Kasama saan?”

“Doon sa café! Ne hindi ka nagrereply sa mga texts ko. ilang beses na akong tumatawag ah. Wala kang balak sagutin?”

Bantulot akong nagtungo sa study table at kunuha ang phone ko sa drawer. Pinakita ko ito sa kanya.

”Nakalimutan kong dalhin kanina. Ano bang problema Mika? Akala ko ba susuportahan mo ako kung babae rin ang gusto ko? bakit ngayon nagagalit ka?”

“wala! Bahala ka diyan!”

Binalibag niya ang pinto pagkalabas niya ng kwarto. Kaklase ko yata yung tinutukoy niya. Humiram kasi ako ng notes sa namissed kong lesson dahil sa mga trainings. Sinundan ko siya. Salubong ang kilay niyang nanonood kasama nina Cienne. Naupo pa siya sa gitna ng kambal. Paano ko siya masusuyo nito?

Bakit ko ba siya gustong suyuin? Baka kung ano pa ang isipin nina Cienne. Alam pa naman ng mga to ang preference ko.

Nagtungo na lang ako sa kusina. Nagtimpla ng juice para sa kanilang tatlo.

“Special delivery po…”

“Uy special daw.”tumayo si Camille.”Umalis na tayo dito Kambal. Hindi tayo nararapat sa ganitong sitwasyon. Guluhin natin si Carol sa kwarto.”

Inunahan pa niyang umalis ang dalawa.

“sundan mo kaya.”tudyo ni Cienne sa akin.”kanina ka pa kasi niya gustong makausap tapos hindi ka niya makontak.”

“Naiwan ko phone ko. Bakit ba nagpuputok ang butse niya? kaklase ko lang naman ang kasama ko.”

Inakbayan ako ni Cienne.”Alam mo Ara? Huwag mo nang problemahin yan. Ang problemahin mo baka kung saan-saan magsususuot-suot si Mika. Wala pa namang sense of direction yun. Baka mapunta sa ibang dorm yun. Naku!”

Napabuntong hininga ako nang paglabas ko ng dorm ay nasa gilid lang siya ng kalsda. Nakaupo at pinapanood ang mga nagsisidaanang sasakyan.

“bawal kang maexpose sa polusyon. Iitim ka.”biro ko sa kanya.

Iniangat lang niya ang tingin niya.”Balik ka na dun. Ayaw mo naman akong kausap.”

Inilahad ko ang kanang kamay ko sa kanya.”Jollibee tayo best? Gusto mo?”

“black mailer…”

“Gusto mo naman e!”

Tumayo siya. pinisil ang magkabilang pisngi ko at piniling-piling ang mukha ko.”Pangit ka Ara. Akala ko mas gusto mong kasama yung kaklase mo kaysa ireply mga texts ko.”

Humawak ako sa mga braso niya para tigilan niya ang ginagawa niya. nababanat na nang sobra ang mukha ko e!

“Hindi pwede yun Best. Kung hindi ko lang naiwan ang phone ko baka telebabad tayo kahit may klase ko.  Higit sa lahat Mika muna.!”

--

AN: paalala maiikling updates lang talaga to. kung ayaw mabitin hintaying matapos ang story para Masaya.haha.

may note naman kung FLASHBACK or PRESENT time na ang takbo ng story. :)

VOTE-COMMENT-RECOMMEND po!

Lalabs!

 

Five Words For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon