ALL I NEED IS TIME

1.8K 69 10
                                    

"All I need is Time"

Kaaga akong ginising ni K. Nakahanda na rin ang breakfast namin. Nakapangalumbaba pa ako sa mesa habang pinagsasandok niya ako ng kanin.

"Hoy last na to ha? Hindi na kita pagsisilbihan sa susunod. Sapakin na kita kapag iinarte ka pa."

Walang emosyon naman akong tumango. Last na daw tong pag-eemote ko dahil hindi na daw katanggap-tanggap ang pagiging masokista ko.

"punta ka sa Meet and Greet?"

Umiling siya."Makikita lang kitang parang tanga e. mas gugustuhin ko pang gumawa ng mga projects ko no. Umay na umay na ako sayo at sa I love Mika forever mo e."

Naligo na ako at inihanda ang mga gamit ko. dadaan pa ako sa dorm nito dahil naiwan ko ang shirt na isusuot naming sa meet and greet. Nagsusuklay na ako nang tinawag ako ni K para tingnan ang binabrowse niya sa twitter.

"Inaabangan ng mga fans niyo ang Kara Moment ah. Iba na ang sikat."

Angdami ngang mga throwback pictures na hindi ko alam kung paano at kung saan nila pinagkukuha ang mga ito. Hindi ko rin maiwasang mapangiti dahil sa mga alaala ng bawat picture namin.

"Hoy gising sa realidad. Hindi ka mahal ni Mika."nag-snap pa sa tapat ng mukha ko si K. Panira ng pag-iilusyon. "Damn it Ara. You are so trap in that illusion. Walang kayo. Hindi naging Kayo at Hindi magiging kayo. Period. No erase!"

"Hard."walang kalatoy-latoy akong muling nagtungo sa tapat ng malaking salamin. Nanganganak na ang eyebags ko.

Umakbay sa akin si K. Sabay itinapat ang phone niya sa salamin."one fake smile please."

Ginawa ko naman. "adik ka."

Pinakita niya ang preview sa akin."Gwapo ng ex ko. Ibebenta na kita bukas Ara. Sayang ka rin oh. Tangos ng ilong."

"huwag kang panira ng moment K. huwag mong ipopost yan."

Tumawa naman siya."Mamaya ko ipopost kapag durog na durog ka na Mylabs."tapik pa niya sa pisngi ko.

-

Rinig ko na ang ingay ng team kahit nasa labas pa lang ako ng dorm. Kaingay talaga ng kambal. Pagpasok ko naman ay bigla silang tumahimik na parang nakakita ng multo.

"bakit?"

"Victonara Galang!"parang ewan na tumakbo palapit sa akins si Cienne at niyakap ako ng mahigpit. Ginagap pa ang magkabilang pisngi ko at pinandilatan ako."anong tong sabi ni Mika na nagpropose ka daw kay K kagabi? True ba ha? Bakit hindi mo man lang kami ininform? Why o why?" piniling-piling pa niya ang ulo ko.

Hindi ko alam kung magagalita ba ako o matatawa sa kanya e. alam naman niyang hindi ko gagawin yon.

"Pwede naman sigurong magtago ako ng sekreto diba? Saka ikukwento ko naman kung nagawa ko ng maayos ang proposal."

"so ano> okay na? kayo na ulit?"

Halos pare-pareho nilang tanong sa akin. si Mika walang imik. Hinihintay yata niya ang magiging sagot ko. nginitian ko naman sila.

"It will be okay in a matter of time. Ang sigurado ko lang kasi ngayon kung mamahalin daw niya ako sisiguraduhin niyang mas pa sa kayang ibigay ng ibang nagmamahal sa akin."

Anglaki kong sinungaling! E wala namang siyang ibang ginawa kami kung hindi sermunan ako. halos iumpog na nga niya ang ulo ko dahil lagi kong nirarason na nagmahal lang naman ako.

Papunta na kami sa venue ng meet and greet. Malayo pa lang tanaw na namin ang dami ng fans na naghihintay sa amin.

Kasabay ko si Mika na naglalakad. Hindi naman naming to pinag-usapan pero parang automatic na kapag may mga meet and greet ay hindi kami naglalayo. Yun din yata ang isa sa mga dahilan kung bakit maraming fans ang inakalang may namamagitan na sa amin.

Five Words For YouWhere stories live. Discover now