I still think of you

1.5K 59 10
                                    

I still think of you

Ginawa ko ang lahat para hindi niya makita o maramdamang nasasaktan ako sa label namin. Mahirap pero kung gusto kong manatili siya sa tabi ko kahit bilang isang kaibigan lang ay gagawin ko ang pinakamartir na bagay na kayang gawin ng isang tao. Angselfish no? isang taong na akong selfish sa sakit at sa selos.

Higit sa isang taon na rin pala akong survivor. Congrats Ara! Naidamay mo na nga si Kristine sa gulo ng buhay mo at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya tinatantanan ng mga fans mo.

“so deep…”inabutan ako ni K ng isang baso ng juice.

Tumatambay ulit ako sa bahay niya habang may kanya-kanyang lakad ang teammates ko.

“Hindi ka na nasanay…”

Tumabi siya sa akin saka sumandal sa balikat ko.”Tanga mo rin no? Tapos na ang season 76 at lahat siya pa rin ang mahal mo. Konting pagmamahal kaya sa sarili?”

“Mahal ko naman ang sarili ko ah. Masama bang mahalin ko pa rin siya? Hindi naman basta-basta nawawala yun e.”pagpapaliwanag ko na naman. Kahit paulit-ulit pa rin naming tong pinag-dedebatehan.

“Ano yan? Forever Mika ang peg mo? Hanep yang pagmamahal mo sa kanya. Parang buhok lang ni Rizal One sided hanggang namatay.”

Kung makapuna tong si K parang alam na niya lahat tungkol sa pag-ibig e. So maghapon kaming nanood ng anime, kumain at kumanta kahit nagsisintonado ako.

“nakakatorete ang boses mo Vic. Tigil mo na!”pang-aasar niya habang nakatakip ang dalawang kamay sa tainga niya.

Oh de mas nialakas ko pa! tawa lang ako nang tawa nang nag-walk out siya. sumandal ako sa mahabang sofa saka ipinikit ang mga mata.

Nung nabasa ko ang text ni Cienne na kakanta daw kami hayan, torete ang naisip kong kantahin. Yan ang madali e!

“So anong status nung dalawa?”

Nagkibit-balikat lang ako.”Ako pa talaga ang tatanungin? Mag-abang ka sa twitter.”

Tinawanan naman niya ako.”Aba..ikaw ang bestfriend.”mapanuya pa niyang tugon.”Dapat alam mo ang bawat anggulo ng kwento. Kung ibabase ko lang sa mga tweets nila e iisipin kong may namamagitan na e. so ano?”

“Wala ako sa posisyon para sagutin yan.”

Pinalo naman niya ako ng throw pillow.”kung magsalita parang manager ah. Ang sabihin mo…”

“nasasaktan pa rin ako kahit mas madalas kong sinasabihan si Mika na bigyan ng chance si Keif.” Pag-amin ko naman.

“Lumabas na nga lang tayo.”

“Ayoko.”

Sa kahuli-hulihan sumama rin ako sa trip niya. Namimili ako ng ball cap nang umakbay siya sa akin.

“nice to oh. Bagay sa atin?”kinuha niya ang kulay red at isinuot ang isa saka ipinatong sa ulo ko ang kapares nito. “naks. Kunware ako si Mikang. Your bestfriend.”tumingkayad siya para tumankad kahit papano.

“Baliw.”

Tinanggal ko ang ball cap saka ibinalik sa pinagkuhanan niya. “wala naman nang kwenta kung bibilhin ko to.”

“FYI Victonara Galang. Pang-38 times ko na yatang narinig sayo yan ha? Nung unang pumunta tayo dito 20 pieces pa tong mga to. tapos ngayon dadalawa na lang, lagi kang tumititig sa mga to. lolokohin mo pa ba ako?”

Napapansin pala niya. Unang beses ko pa lang Makita tong mga displays ng ball caps gusto ko nang bumili ng dalawa para sa amin ni Mika. Napag-usapan kasi naming noon na kung sakaling maging kami man bibili kami ng mga gamit na pairs.

Five Words For YouWhere stories live. Discover now