Can You Feel the Magic?

1.8K 88 4
                                    

Can You Feel the Magic?

Kayang ipaliwanag ng math ang bawat anggulo ng isang gusali,  Kung gaano kalayo ang distansya ng bawat landmark sa PIlipinas pero hindi nito maipapaliwanag kung gaano kabagal ang oras kapag hindi ko siya kasama.

Hindi rin kayang ipaliwanag ng science kung bakit parang singbilis o mas mabilis pa sa takbo ng kabayo ang tibok ng puso ko sa tuwing nagiging malambing siya sa akin.

Wala! Walang formula na kayang isolve at bigyan ng solusyon ang nararamdaman ko ngayon!

Maging si Mika ay napapatanong na rin minsan kung bakit ako nagzozone-out. Hindi ko naman pwedeng sabihing dahil nacoconfused ako sa feelings ko  baka biglang magbago ang treatment niya sa akin! Hindi makitid ang pag-iisip ni Mika pero natatakot pa rin ako dahil Kaming dalawa na ang involve dito.

Natigil ang pagmuni-muni ko nang nasa tapat na ako ng dorm nina Mela. Inoff ko na muna ang cellphone ko bago ako nagdoorbell. Tinext ko na rin naman siya kaya alam na niyang ako ang natatangi nilang bisita ngayon.

“Fo!”sigaw niya agad pagkabukas ng pinto.

Itinaas ko ang bitbit kong pasalubong. Nagluto si ate Abi ng pansit kaya pinagdalhan ko na lang sila ni Jessie.

“Sakto lagi Fo ah. Hindi pa kami nagbebreakfast…”

“Busog ka naman sa tulog. Okay lang yan.”biro ko sa kanya pagkaabot ng paper bag.”Si Jessie?”

“Gumagawa pa rin ng plate. Nanganganak na nga ang eyebags niya e.

Tuloy-tuloy ako sa kwarto nila. Naabutan ko si Jessie na pabali-balintong sa higaan niya. Ne hindi nga napansin ang presence ko e. Nababaliw na yata to.

“Hoy! Problema mo?!”sigaw ko.

Tumigil naman siya at sinulyapan ako. pero hanggang doon lang! Dumapa ulit siya sabay patong ng unan sa ulo.

Naupo ako sa higaan naman ni Mela katapat lang ng kay Jessie. “Anong problema mo?”

Itinaas niya ang kanang kamay at sumenyas na huwag akong magsasalita. “nagfofocus ako. shut up.”

Topak ala Mika rin tong si Jessie. Hay naalala ko na naman siya.

“Bakit hindi mo kasama si Yeye?”tanong ni Mela paglapag ng pansit na nilagay niya sa plato. “Busy ba siya?”

Nagkibit-balikat lang ako.”Wala na siya sa dorm paggising ko e. Baka busy.”

Nag-iwan naman siya ng note sa tabi ng phone ko. May importanteng lakad daw kaya maagang umalis. Kaya ko inooff ang phone ko para hindi ako mattempt na kulit-kulitin siya.

Wala akong sakit pero angtamlay ng pakiramdam ko. Nagmovie marathon kami pero wala akong naiintindihan sa takbo ng kwento. Hindi ko na nga din maalala kung anong title nito. Koreanovela kasi at nakikipag-unahan ang dalawa sa pagbabasa ng subtitle.

Tumunog ang phone ni Mela na agad naman niyang sinagot.

Napatingin ako sa kanya nang mabanggit niya si Mika.

“Hanapan ba ako ng nawawalang bestfriend?”sumesenyas pa siyang tumahimik kami ni Jessie.

Tumayo ako para umalis muna pero hinawakan niya ako sa kaliwang braso.

“Hindi siya nagtetext Miks e. inform kita kapag nagtext ha? Bye bye!” Hinila niya ako paupo pagkababa niya ng phone niya.”Anong problema Fo? Pektus you want?”amba pa niya sa akin.

“Wala. Kung hindi kasi ako didistansya baka mahulog ako sa sahig. Masakit yun.”

Sumabat naman si Jessie.”Bakit? Hindi ka pa ba nahuhulog?”

Hindi ako agad nakasagot.

Umayos siya ng pagkakaupo paharap sa akin.”Hindi ka naman pumunta dito para lang dalawin kami diba? Gusto mo lang malaman kung bakit late umuwi si Mika nung isang gabi. Tama?”

Tumpak na naman siya. curious lang kasi ako dahil simula nung gabing yun hindi na niya mabitawan ang cellphone niya. lagi siyang may katext tapos kapag makikitext ako hindi niya agad ibibigay, magbubura muna siya ng messages niya. nakakaselos kaya yun!

“Sumusobra na ba Jess?”

Sumubo siya ng pansit bago ako sinagot.”Malay ko diyan. Pero una mo munang gawin ay linawin kung ano ang feelings mo para sa kanya. Baka pareho lang kayong naghihintayan kung sino ang unang aamin e.”

“Paano kapag layuan niya ako?”

Kumunot ang noo niya at tinuro pa ako gamit ang tinodor,”Bakit hindi mo subukan?”ngiti niya naman.

“Natatakot kasi ako.”

Inakbayan ako ni Mela.”Iwas-iwasan mo ang pagkakape Fo.  Uy magready ka na. Nandiyan na ang sundo mo.”

Lumabas si Jessie para pagbuksan kung sino ang nagdoorbell. Hindi ko alam ang gagawin ko! nandiyan ang inayos ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko. Nakakatuliro naman to!

“Fo, pabango mo naman oh.”

Hindi ko na siya hinintay na sumagot, kinalkal ko na lang ang bag niya sa kama. Saka ako nag-spray sa damit ko. Natatawa naman siya nang naubos ko ang tubig niya bago ako muling umupo sa tabi niya.

“Daig mo pa si Kim Fo. Chill lang please.”

Hila-hila ni Jessie si Mika sa kaliwang kamay.”Tinext ko na may pagkain dito. Makikikain daw bago ka hanapin.”

“Ara!”sigaw niya.”Bakit nandito ka lang pala bakit hindi ka man lang nagtext!”

“Deadbatt.”tangi kong tugon.

Buti sinuportahan ako ni Mela.”Nakicharge nga siya dito e.”tumayo siya at kinuha ang wallet sa bag niya.”Jess samahan mo naman ako. bili tayo ng milktea. Libre ko lang si Fo kanina pa urat e.”

Hindi naman nag-atubili si Jessie. Nabalot kami ng katahimikan ni Mika. Nakaupo lang siya sa kama ni Jessie katapat ko. Parang inuusig niya ako sa mga tingin niya.

“Sana nagtext ka man lang kung saan ka pupunta.”

“Magulo lang ang isip ko ngayon Ye. Sorry.”

“May problema ka ba? May problema ba tayo? May nagawa ba akong ikinasama ng loob mo?”

Umiling ako. “Sorry. Hindi na mauulit.”

Lumapit siya sa akin saka pinatong ang kanang kamay niya sa ulo ko.”Para kang bata. Magtext ka sa susunod para alam ko kung saan ka susunduin best. Adik ka pinag-alala mo ako nang sobra.”

Inalis ko ang kamay niya sa ulo ko, pinaglakip ang mga kamay naming at seryosong humarap sa kanya. Angbilis ng tibok ng puso ko!

“Ginusto kong iwasan ka dahil naguguluhan ako sa nararamdaman ko. Alam kong importante ka sa akin higit pa sa isang kaibigan. Higit pa sa isang bestfriend Ye. Sana hindi mo ako iwasan.”

Imbes na sumagot ay ngumiti lang siya. “Hindi ko alam ang isasagot ko. Pero ang malinaw lang sa akin ngayon—“Pinag-intertwine niya ang mga daliri namin saka ako muling tinitigan.”-- masaya ko kapag kasama kita.”

 --

AN: yung..ah wala. haha. vote-comment-recommend po ha.lablab



 

 

Five Words For YouWhere stories live. Discover now