Chapter 5

2.2K 39 0
                                    

"Dito nalang ako." Inis kong sabi. Sa loob ng dalawang oras ay wala akong ginawa kundi makipagbangayan sa lalaking 'to. Nakakapikon ang isang 'to.

"Hindi kita ibababa sa capital, Sarr." Malamig niyang sabi. "Saan ang bahay mo?"

Natawa ako ng malakas, "Ano tingin mo sa akin? Tanga? Sasabihin yung lugar ko sa'yo? Tapos papagplanuhan niyong pamilya kayo na papatayin kami?"

"What?" Kunot-noong tanong niya.

"Wag ka nang magmaang-maangan, Hanz. Alam kong mismong pamilya niyo ang pumatay sa kuya mo!" Galit na sigaw ko. "At hindi ko hahayaang mapatay ang mga taong-"

"What the fuck are you saying?!" Nagulat ako sa pagsigaw niya. Parang tumalon ang puso ko sa sinigaw niyang yo'n. "Ginugulo mo ang isipan ko, Sarr! Anong pinagsasabi mo? Are you hypnotizing me to believe you?"

"I'm not hypnotizing you but believe me, I'm saying the truth." Ngumisi ako. "Pero, kung nahi-hypnotize ka... paniguradong dahil sa itsura ko yan?" I bit my lip.

"That's seducing, Miss." Madiin niyang sabi.

"Oh," maarte kong sabi. He rolled his eyes.

"Get the fuck out, now." Napangiti ako ng patago. Ayun lang naman pala ang gagawin para makalabas e.

Naabutan kong nakahiga si Josh sa sofa habang nanunuod ng basketball. Dahan-dahan akong naglakad para makuha yung unan at batuhin siya. Napabalikwas siya at para siyang tanga sa ekspresyon niya.

"The hell, Sarr?"

"Nakakainis. Alam mo bang ang hirap bumyahe ng walang kotse!" Bulyaw ko.

"Pinahiram-"

"I don't know where the hell is your keys, Josh." Irita kong sabi.

"It's inside my room." Sabay irap niya. Dahil sa nagmamadali ako kanina ay hindi ko na magawang umakyat muli para pumunta sa kwarto niya.

Nagpunta nalang ako sa dining room at naabutan ko ang mga kasambahay ro'n. Nagtungo ako sa isang pintuan kung nasaan ang kusina. Sumalubong sa akin ang mabangong amoy ng adobo. Nakakamiss din yo'n.

"Manang, may nabili kayong yogurt at chocolates?" Lagi kong hinahanap yo'n.

"Ay, nako, ma'am. Nakalimutan kanina. Pero, kung kailangan niyo ngayon ay bibili ako." Medyo kinakabahan pa siya habang kinakausap ako.

"Hindi na, manang. Ako na bibili." Tumango nalang 'to at umalis sa harapan ko.

Umakyat ako sa second floor papunta sa kwarto ni Josh. Agad kong nakita ang susi ng kotse niya. Bwisit! Kung sinipag lang akong umakyat kanina, sana hindi ko nakasabay ang mahangin na yo'n.

"Found the keys!" Sabi ko pero tiningnan lang ako ni Josh at bumalik na sa panunuod.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa mall. Natatawa nalang ako. Dati ang unti pa ng mga buildings dito. Ngayon naman ay napakarami na, marami kasing nakaw.

Kumuha ako ng cart at diretso sa beverages. Sakto nando'n din yung yogurt. Lagay lang ako ng lagay nang biglang may nagsalita sa gilid ko.

"Mahilig pala ang isang Sartorius sa yogurt." Napairap nalang ako nang si Hanz 'to. Hindi ko siya tinatawag na Silvestrine. Hindi bagay sa nakakainis niyang mukha.

"Hindi ko akalaing sinusundan mo ako, Mister Hanz." Nakangising sabi ko. Nakita ko ang pagtiim panga niya.

"Pag-aari ko ang mall na ito. May problema ka ba?" Agad naman ako nagkibit balikat.

"Wala akong pake, Hanz." Saka ko inilibot ang mata ko. "Walang-wala sa standards ng building na ginagawa ko ang mall mo. Kumbaga, low class." I heard him chuckled.

"Oh, nakalimutan kong sikat na architect ka." Tinalikuran ko siya at nagsimulang hanapin ang chocolates. Nakasunod parin siya habang nakapamulsa. "So..."

"So, what?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Wala ka bang gagawin dito?" Tanong niya. Marami akong gagawin dito, Hanz. Lalong-lalo na ang pabagsakin ang pamilya niyo. "Kung wala naman. Pwede ka munang magtrabaho sa akin."

Napaawang ang bibig ko, "At bakit naman?"

"You said, low class ang mall na 'to. Why don't you help me? I'll pay you big." Tinaas taas niya pa yung kilay niya.

"Bakit naman ako papayag sa gusto mong mangyari?" He laughed sarcastically.

"You're a well-known architect. Bakit hindi mo ipakita ang galing mo, huh?" Hinahamon ako nitong gagong ito ah.

"Kailangan mo pala ako para mapaganda 'tong pag mamay-ari mo. Ako ang habulin mo, hindi ako ang hahabol sa'yo." I swayed my hair saka pumunta na sa chocolate section.

Maganda naman ang mall niya. Kumpleto ang stores. Kaso, hindi parin nito makukuha ang standards tulad ng mga malls sa Maynila. Well, bakit niya pa poproblemahin 'to kung may iba pa siyang malls? Gusto lang talaga lumapit nung lalaking yo'n.

"Is that what you want, Sarr? Chase you?" May halong pait sa sinabi niya.

"That's what everyone wants." Ngumisi ako.

"Okay. Sabi mo e." I rolled my eyes. "Now, whether you like it or not. You're gonna work from me."

"Hell, no!" Medyo pasigaw kong sabi.

"Just think of it, Sarr. Kung ikaw mismo ang magpaplano para sa buildings ko, mas lalo kang makikilala."

"Bakit pa? Sikat na sikat na ako, Hanz. This is a province-"

"At magiging city narin. Isa pa, malay mo hindi na kita pagdududahan at ipapaurong ko ang kaso." Ipapaurong ang kaso? Dahil magtatrabaho ako sa kanya? Why not?

Maraming gumulo sa isipan ko. Wala akong pake kung makukulong ako, kaya kong bayaran para hindi ako makulong. Pero, hindi ko hahayaang matatapos ang lahat na wala akong magagawa. Na hindi malalaman na sila mismo ang pumatay kay Silvestri.

"Why not?" Nakangising tanong ko. This is not about my case. This is all about Silvestri. I need justice for him.

"Pumunta ka lang sa capital. Nando'n ako palagi." Hindi ako sumagot. "I'm going. Marami pa akong meeting." Anong pake ko?

Natatawa ako sa sarili ko. Umabot ako ng ilang oras sa pamimili ng yogurt at chocolates. Kasalanan talaga ng gagong yo'n. Ako nalang mismo ang nagpa-init ng ulam ko at hindi ko pa nagawang magpaalam kay nanay kanina. Nag-alala tuloy siya.

"Kamusta naman yung meeting mo kanina, Sarr?" Tanong ni Nanay. Nakaupo kami sa veranda habang siya ay nakatingin parin sa dyaryo.

"Okay naman, nay. Walang bago." They're still impress.

"Ilang buwan ka rito?" Oo nga 'no. Hindi ko naisip na magtatagal ako rito dahil sa lalaking yo'n.

"Hindi ko po alam. Pero, may gagawin akong project dito." Naibaba niya yung dyaryong binabasa niya.

"Dito? Kanino?" Napalunok ako ng di-oras. Ayokong sabihin kay Nanay dahil alam kong mag-aalala nanaman siya.

"Sa anak nung mayor. Kay Silvestrine." Nakita ko ang pagtitig niya sa akin. So intimidating.

"Anong pumasok sa isipan mo para magtrabaho sa kanila, Sarr? Alam mo namang mga demonyo sila!" Nagulat ako nang tumaas ang boses ni Nanay. I tried to calm her down pero nanatili ang galit niya. "Hindi mo alam kung gaano kalulupit yo'n sa mga tauhan nila!"

"Nay, ipaparenovate lang naman nung anak nila yung isang mall." Paniguradong hindi lang isang mall ang ipapagawa no'n.

"Kahit na. Akala ko galit na galit ka sa pamilyang yo'n." Umirap siya at kinuha ang pamaypay niya.

Sa tuwing tinititigan ko si Nanay ay para siyang mga nanay na kontrabida sa mga pelikula. Pero, minsan lang siya magalit pag ayaw na ayaw niya ang taong yo'n.

"Well, ang ganda kasi nung naisip ko, nay." Nakangiti ako. "Habang nagtatrabaho ako sa kanila. Sasamantalahin kong makahanap ng malakas na ebidensya."

"Oh, you're gonna use him?" Natawa naman ako sa sinabi niya.

"If it's necessary. I don't wanna get attached to him, nay. Pero, kung ayon din ang paraan. Why not?" I said.

Rock Bottom (#Wattys 2018)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon