Chapter 6

2.2K 47 0
                                    

Dapat talaga ay sa capital ako pupunta. Pero pagkarating ko ro'n ay wala naman si Hanz kaya hinatid ako nung mga tauhan nila sa mansyon nila kahit labag sa kalooban ko. Well, nakita nila ako sa party. Bakit pa nila ako ihahatid?

"Mag sabi nalang kayo sa kasambahay." Sabi nung driver saka nagmadaling umalis. Bago ko pa mapindot ang doorbell ay bumukas na ang double doors nila.

"Oh!" Janina exclaimed. Hindi ko rin aakalaing siya ang makikita ko rito. Ito ang asawa ng mayor. Hayop na asawa. So, basically, anak niya si Silvestri. "What brings you here?"

"I'm Architect Sarr Antha Sartorius." Madiin kong sabi. "Kung sa tingin mo ay may babalakin akong masama, sige isipin mo na yo'n. Pero, isipin mo ring papasok ako sa loob ng impyerno ngayon."

"Kapal talaga ng mukha mo!" Sigaw niya sa akin. I'm on my bitch face. Kaya pikon na pikon ang itsura niya. "Guards! Palabasin niyo ang mamamatay taong 'to!"

"Oh, nagkakamali ka ata. Ikaw ata ang dapat palabasin, Janina Selrom." Nakita ko ang pamumula ng mukha niya. Ang mga alahas niya ay nakikita kong gumagalaw dahil sa panginginig niya sa galit. Ang tanda narin pala niya.

Nagdatingan ang mga gwardiya nila at handa na nila akong hilahin palabas.

"Mom!" Napalingon kami sa lalaking nakasuot ng white t-shirt na v-neck habang nakamaong na pants. Sa simpleng suot lang niya na yo'n ay ang lakas parin ng karisma.

"Oh, God. Buti dumating ka. Saan ka galing?" She even kissed him on his cheeks. Ew.

"Nasa hacienda ako kanina." Woah. Meron na sila no'n. Bakit pa ako magtataka? Selrom? Sila lang naman ang namumuno rito. "Sarr..." bumaling siya saakin.

"Buti dumating ka. Kundi kanina pa tumba ang mga gwardiya niyo." I swayed my hair. "Kanina pa ako nagtitimpi. Well, dahil magtatrabaho ako ngayon sa anak niyo. Expect that I'm a guest here, Janina." Hindi na makaimik 'tong nasa harapan ko.

Hinigit ni Hanz ang pulsuhan ko papasok sa mansyon. It's a westernized-style, common na. Pero, base sa mga kagamitan ay mukhang mamahalin. Namalayan kong paakyat kami sa hagdanan na nababalutan ng pulang carpet.

"Bitiwan mo 'ko!" Sigaw ko. Tila'y hindi siya nakinig at pinagpatuloy ang paghila sa akin. Shit.

Hanggang umabot kami sa isang kwarto na mukhang opisina lang niya. Black ang white ang kulay at ang ganda no'n sa paningin. Awtomatiko niyang binuksan ang aircondition. Dumiretso naman akong umupo sa sofa dahil sumakit ang paa ko sa pagkaladkad niya.

"I went to the capital pero wala ka ro'n." Iritang sabi ko.

"Sorry. Biglaan kasing may pinaayos si Dad." Wala naman akong pake. "I'll just change my clothes." Pagkasabi niya no'n ay hinubad niya mismo ang t-shirt niya sa harapan ko. Gago 'to ah. Bastos.

"Bilisan mo. May pupuntahan pa 'ko." Hindi ko alam pero gusto kong bisitahin si Silvestri.

Malaking ngisi lang ang sinagot niya sa akin habang sinuot ang itim na t-shirt. Much better, I mean no. Bakit bakat na bakat ang biceps niya ngayon? Ano ba yan?!

"Okay, maliban sa pagpaparenovate ro'n sa mall," umupo siya sa swivel chair niya. "Magpapatayo rin ako ng building." I knew it.

"Gusto mo ata akong patagalin dito?" Tinaasan ko siya ng kilay.

"Paano kung oo?" Hindi naman ako nakasagot agad. "Binabantayan nga kita, Miss Sartorius."

"Just call me Sarr." Pormal na sabi ko. Ayokong binabanggit ang apilyedong yo'n. Ayoko.

"Okay." Saka siya ngumisi na animo'y mamaya tatawa na. Kung batuhin ko kaya siya.

"Wala naman talaga akong balak magtagal dito. May gagawin lang kasi talaga ako, pero bakit ko ba tatanggihan ang offer mo?" Inosenteng sabi ko. "Papapuntahin ko na ang mga tauhan ko rito para masimulan na ang renovations at para narin sa building."

Rock Bottom (#Wattys 2018)Where stories live. Discover now