Chapter 39

1.2K 28 1
                                    

Wearing my simple beige dress and wedge, people turned their heads just to see me. Pagkapasok ko sa loob ng police station ay naabutan ko roon si Ingrid na nakikipag-usap sa mga pulis. Hindi man lang siya ngumiti nang makita ako.

"He's in the interrogating room." I nodded as he said that. Sinundo ko lang siya at pumasok sa isang kwarto. Nakikita namin si Jacobos do'n habang nakaposas ang kanyang kamay. Mukhang hindi niya kami nakikita.

Naupo ako sa tabi ni Ingrid at nakita kong nirerecord ang mga sinasabi ni Jacobos.

"So, tell me, Sir. Noong araw na nawala ang anak niyo. Nasaan kayo?" Tanong nung lalaki ro'n. Tumawa ng marahan ito.

"I was busy. Remember, I was the mayor and I don't know what happened to my son." Sagot nila.

"What about your wife?" Tinititigan lang ni Jacobos ito at bumaling sa pwesto namin. Alam niyang may nanunuod sa kanya.

"Wala akong alam." Hindi kami nakumbinsi sa sagot niya kaya napailing nalang yung lalaking nagtatanong sa kanya.

"Pero, may kinalaman ka ba?"

"Wala." Parang nag-apoy yung tenga ko sa sinabi niya. Maang-maangan!

"Wala?" Nanatili siyang tahimik. "Kung wala pala, bakit naisipan niyong tumakas ni Janina Selrom kung wala kana palang kinalaman? At bakit ka pumayag na sumama sa kanya kahit alam mong matindi ang kaso nito?"

Ngumisi si Jacobos, "I'm supporting my wife for what she's doing."

Naningkit ang mata ko sa sinabi niya. Gusto kong pumunta ro'n sa loob at barilin na sa ulo. Wala na bang mas ititino ang sagot niya?

"Pero, kilala niyo ba ang pumatay at kung sino ang nasa likod nitong krimen?" Ngumisi si Jacobos.

Dahan-dahan siyang lumingon sa pwesto namin at parang may sinasabi siya mula sa mata niya. "Oo." Kumuyom ang kamao ko pagkasabi niya no'n.

"Sinu-sino ang mga yo'n?"

"Bakit ko sasabi? You're a detective. Solve that case." Seryosong sabi niya.

"Hindi kaya... ang anak niyo ang pumatay sa sarili niyang kapatid?" Napatayo ako sa inuupuan ko at napamaywang.

"Who knows..." nakangising sabi nito at nag-inat.

I'm not satisfied with Jacobos words. It's not even enough. At bakit naman nasama si Hanz sa usapan? Ayoko mag-isip ng gano'n. There's zero possibility na si Hanz ang pumatay si Silvestri.

Mukhang nasa conference si Hanz dahil kanina pa busy ang kanyang cellphone. Sinamahan ako ni Ingrid sa isang restaurant para mag lunch. Nilabas niya ulit yung papeles at binasang muli. Habang hinihintay namin yung pagkain ay bigla nagmensahe si Hanz.

Hanz:

Yogurt, the conference is still on-going. Having a lunch right now?

Sarr:

Yes, I'm with Ingrid. Still reviewing the case. Btw, your father was interrogated a while ago.

Hanz:

What he said?

Sarr:

Let's talk later, Hanz.

Hanz:

Ttyl <3

Napangiti pa ako sa heart emoticon. Nagtataka naman si Ingrid na tumingin sa akin.

"It was Hanz." Sabi ko. Napangiwi naman siya. Itong lalaking 'to talaga.

"Pumayag na si Rinsaki i-hack yung system nila. Malalaman nalang natin kung sino talaga ang mastermind at yung totoong pangyayari." Tumango ako at sumipsip sa pineapple juice ko. "Handa kana bang malaman?"

Rock Bottom (#Wattys 2018)Where stories live. Discover now