Chapter 13

1.6K 34 0
                                    

"Ayun nagawa ko para sa pinapagawa mong building." Sabi ko habang hindi nakatingin sa kanya. Tinutuon ko ang atensyon ko sa kagamitan niya. Kanina pa siya tahimik habang nakatitig sa akin. Ayan ba ang sabi ng girlfriend niya? "Nagustuhan mo ba?" Tanong ko pero nakatingin naman ako ngayon sa cellphone ko.

"Why are you not looking at me?" Malamig niyang tanong.

Sandaling nagtama ang paningin namin dahil binalik ko ang atensyon sa nilalaro ko.

"I'm doing something." Pormal kong sabi.

"Don't you know it's rude talking to someone when you're not looking at them? Tinatanga mo ba 'ko?" Napatingin ako ng tuluyan sa kanya. Parang kumislap ang kanyang mata.

"Bakit? Ginagago mo ba 'ko?" Pabalik kong tanong. Pero, natawa lang siya. "Wag kang masyadong feeling close sa akin ngayon." Malamig kong tugon.

"Woah. Feeling close?" Tinaasan niya ako ng isang kilay. "Feeling close rin ba yung unang humalik?" Agad namula ang mukha ko. Kailangan mong gumawa ng alibi.

"Oh, well. Alam ko namang wala lang yo'n sa isang katulad mong lumaki sa ibang bansa. Kissing is legal, aight?" Tumalim nanaman ang paningin niya sa akin. "Diba? Lalo na yung paghalik sa'yo nung babae. Baka nga girlfriend mo yo'n o fling."

"What the hell are you saying? Girlfriend? Fling?" Mukhang naguguluhan siya. Nagmamaang-maangan. Napairap nalang ako.

"Duh! Ayaw pa kasing umamin." Irita kong sabi. Nang titigan niya ako ay bigla siyang tumawa.

"Are you jealous, Sarr?" Sinamaan ko siya ng tingin.

"At bakit naman? Sinasabi ko-"

"Are you jealous to my cousin, Sarr?" I feel like my face is burning of what he said. Ano? C-cousin?! "Isa pa, he's gay. Gano'n lang talaga siya." What? Tapos hinalikan siya?! Sabagay, pinsan naman sila.

"A-anong pake ko?" Paniguradong namumula na ako. Damn!

"Kung girlfriend ko yo'n," ngumisi siya. "Sana una palang hindi na ako lumapit sa'yo. Sana hindi kita hinalikan, diba?"

"Ewan ko sa'yo! Sinungaling ka parin. Sinabi mo nung isang araw na kasalukuyan kang nagmamahal." Sabi ko at umiwas ng tingin.

"Oh, kanino?" Painosente niyang tanong. "Sa'yo? Oo naman." Binigyan niya ako ng nakakalokong ngiti.

"Nako, wag mo akong madaan-daan sa ganyan, Mister Silvestrine Hanz Selrom. Makakatikim ka talaga sa akin." He lick his lips making him more hot.

"Makakatikim ng?" I rolled my eyes.

"Isang malakas na sipa sa alaga mo." Tinawanan niya lang ako. "So, ano? Nagustuhan mo ba yung ginawa kong-"

"Yeah." He said in a seductive way. Holy shit! Don't do that.

Tumayo siya at lumapit sa akin. Ipinatong niya yung dalawa niyang kamay sa armrest ng inuupuan ko. Halos maramdaman ko na ang hininga niya sa akin. Unti-unting lumalapit ang mukha niya hanggang sa maglapat ang aming labi. Noong una ay hindi pa ako tumutugon pero nang kagatin niya ang labi ko ay awtomatikong nabuka ko ang bibig ko at nakalakbay na siya sa loob. Nice moves, Hanz.

Hinawakan niya ang dalawang pisnge ko at mas lalong nilapit ang mukha. Halos hindi na ako makahinga pero patuloy parin kami sa mainit na halikan.

Ilang segundo ay lumipat ang mga halik niya sa aking leeg. At muli, nag-iiwan siya ng marka. Napaungol ako nang haplusin niya ang hita ko.

"Ay! Kalurkey!" Natulak ko palayo si Hanz sa akin. Napadako ang tingin namin sa babaeng... no, sa baklang rumarampa habang papasok ng opisina niya. "Grabe itech! Hindi mo naman sinabi na may kinakain ka!"

Natawa lang si Hanz sa inakto niya. Ako? Halos mamula na ako! Geez!

"Hello, ganda." Bati niya sa akin. Pero, natawa ako nang magboses lalaki siya. Umirap siya at ini-sway ang buhok niya. "Pero, mas maganda ako!" At parang babae na ulit boses niya.

"Ano kailangan mo, Ralph?" Sumama ang tingin niya kay Hanz.

"Excuse me, ako si Rania Hasmina Kagandahan Selrom Dyosa!" Nagpose pa ito at ngumuso. "Anyways, manghihiram lang ako ng ballpen." Nalaglag ang panga ni Hanz.

"Tangina?" Tumawa ng bonggang bongga si Ralph este Rania.

"Ano? Bitin ba, pre?" He asked in his normal voice na mas ikinairita ni Hanz. Bumaling ng tingin sa akin si Rania. "Hot ng pinsan ko 'no? Sarap kabayuhin!"

"Gago!" Singhal sa kanya ni Hanz at tinulak palabas ng opisina niya. Nakita ko ang pagkairita sa mukha niya. Pero nang magtama ang paningin namin ay pumungay ang mata niya. "Aalis kana ba?"

"Kung wala ka nang kailangan." Sagot ko pero nanatiling nakaupo sa upuan. Tinitigan niya ako gamit ang mapupungay niyang mata.

"Kaya pala patay na patay sa'yo yung kapatid ko. Na halos literal na mamatay siya." Natawa siya at napailing.

"Bakit?" Kumunot ang noo ko.

Kinagat niya ang labi niya, "Nakakahorny ka." Sa sinabi niyang yo'n ay tinaas ko ang middle finger ko sa kanya.

Hinatid niya ako palabas ng mansyon nila. Inilibot ko ang paningin ko hanggang sa nakita ko ang isang bahay sa bandang likod ng mansyon.

"Anong meron do'n?" Ngumuso ako at tiningnan niya yo'n.

"Hindi ko rin alam. Hindi ako pinapapunta diyan." Sabi niya kaya tumango nalang ako. I wonder why...

Hawak hawak ang bulaklak patungong puntod ni Silvestri. Nakatakip parin ang aking mukha lalo na't may mga tao rin dito. Inilapag ko yung bulaklak saka naupo sa damuhan.

"Magagalit ka ba kung magmamahal ako ng iba?" Tanong ko kahit alam kong hindi siya sasagot. "Anim na taon, Silvestri. Mahal parin naman kita. Pero, hindi na gano'n sa dati."

Biglang humangin ng malakas at nagliparan ang mga gamit nung ibang tao. Mukhang nagpipicnic pa sila rito.

"Nakakatawang isipin na sa loob ng pagsasama natin ay lagi mong sinasalo ang sakit." Ngumiti ako ng mapait. "Mahal mo 'ko diba? Kaya kailangan mo 'kong tulungan makausad!" Iyak ko.

Nahiga ako sa damuhan habang nakatingin sa kalangitan. Ang ganda. Pinanuod ko pa kung paano gumalaw ang mga ulap.

"Kahit sign lang na dapat magmahal na ako ng iba." Pinunasan ko ang luha ko.

Naghihintay ako. Pero, wala. Silvestri, ayaw mo. Ayaw mo 'kong pakawalan. Para akong tanga na nakikipag-away sa isip ko. Nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nakita kong unknown caller 'to pero sinagot ko.

"Bitch, new number ko 'to!" Tili ni Ara sa kabilang linya. "Anyway, niyaya tayo ni Micherre pumunta sa casino niya. Tapos 'tong si Narisse tulungan daw natin mag move on."

Sumimangot ako, "Ang hirap makalimot." Walang anu-ano'y sabi ko.

"Oh, come on! It's easy as fuck! Burn all your memories with him. Everything!" Pagkasabi niya no'n ay naputol ang tawag.

Rock Bottom (#Wattys 2018)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن