BTS: SIMBANG GABI NA

744 18 5
                                    

Panahon na naman ng iba't-ibang klase ng tao pag nagsisimbang gabi. Kaya naman nandito ang BTS at kung ano'ng klaseng simba ang ginagawa nila.

Enjoy!😉







|Seokjin|

Simbang landi. Puporma sya ng maayos para magpa-impress sa mga chix pero di naman nya papansinin pag nilapitan sya. Kasi daw mas maganda pa sya dun sa mga bebot.

/okay~







|Yoongi|

Simbang banig. Masyadong pagod at puyat ang lolo nyo kaya di sya nakakakumpleto ng simbang gabi ever since. Palaging niyayaya ng tropa para magsimba pero ayun, logtu na si lodi.

/hmm...






|Hoseok|

Simbang Kuda. Pag nagsama-sama ang tropa sa simula ng simbang gabi, simula na din sya ng pagkukwento ng kung anu-ano. Kung anong sermon ni Father ay sya ring sermon nya sa tropa.

/talaga naman aba




|Namjoon|

Simbang tabi. Pag may nakita syang maganda at sexy na chix dun sya pupwesto all throughout ng misa. Ang hindi nya alam may jowa pala yung tinabihan nya at nanggagalaiti na sa kakatingin nya dun sa chix.

/try again next time





|Jimin|

Simbang sine. Mag-i-stay sya sa misa for like 15-20 minutes tapos pag inantok na or kinati lalabas na, dahil di na nya kayang matapos ang misa. Pwede rin namang matatae sya kaya nagmamadaling umalis. Hindi natin alam ang dahilan. Don't judge.

/bawi na lang bukas





|Taehyung|

Simbang porma. Magsisimba sya for nine mornings para lang iparanya ang Gucci collections nya. Pero hindi nagbibigay pag offering na.

/wala daw syang small bill







|Jungkook|

Simbang kuno. Aattend ng misa kunwari para lang makasama sa tropa. Ang intention nya talaga ay gumala lang at mangburaot sa tropa.

/hayssS






/*so ayun, kaka-attend ko lang nag Anticipated Simbang Gabi, halata namang nakinig ako dahil ito yung isa sa mga sermon ni Father kanina.

Medyo korni to pero keri lang. Hahaha.


-M

Imagine BTS (Bangtan Boys)Where stories live. Discover now