Jungkook | Random

215 4 0
                                    

Ang pangakong update, enjoy~














Madalas kitang makita sa bakanteng hardin ng skwelahan natin. Nakaupo at nagbabasa ng libro, halos isubsob mo na ang iyong mukha sa pagbabasa. Minsan naisip ko din na lapitan ka at kausapin ka, pero hindi ko alam kung paano sisimulan. Hanggang sa isang araw ay nagkalakas ako ng loob para lapitan ka.

Hindi ka kagandahan kumpara sa ibang babae, pero alam ko na maganda ang iyong kalooban. Sa araw araw na nakikita kita hinhintay ko ang iyong pagngiti pero ni minsan ay hindi ko pa iyon nasilayan. Napaisip ako.

"Gusto kitang pangitiin."

Nagmadali akong maglakad at dumiretso sa lugar kung saan madalas kitang makita- sa hardin.

Agad akong napangiti nang kita'y masilayan. Nagbabasa ka na naman. Huminga ako nang malalim at nagsimulang maglakad palapit sa iyo.

"Areum" bangit ko sa pangalan mo.

Halatang nagulat ka at biglang napalingon sa akin. Ang mga mata mo'y namilog. Ang cute mo.

Tinangka mong iligpit ang gamit mo pero pinigilan kita dahil tumabi ako sa iyong kinauupuan.

"May kailangan ka ba, Jungkook?" sambit mo.

Kilala mo pala ako? Hindi ko na naman napigilang ngumiti. Bakit parang kinikilig ako?

"Wala gusto lang kitang makasama." direkta kong sabi, muli na namang namilog ang mga mata mo.

"Bakit naman? Baka hinahanap ka na ng mga barkada mo, kailangan ko na din bumalik sa klase." sabi mo habang inaayos ang mga gamit mo.

Teka lang, hindi pa ko tapos.

"Bakit ka nagmamadali? Gusto lang kitang samahan at kausapin masama ba 'yun?" pakiusap ko.

"Ano kasi, baka may makakita sa 'tin... alam mo naman kung gaano ka ka-sikat dito tapos makikita ka nila kasama mo ako." palusot mo.

Eh ano naman?

"Pakialam ko sa kanila, eh ikaw yung gusto kong samahan? Wala naman silang magagawa... kung gusto kita." nagkalakas na ko ng loob umamin sa'yo.

"Gusto kita Areum, alam ko hindi maganda ang tingin mo sa 'kin pero sana pagbigyan mo 'ko, handa akong magbago para sa'yo." nararamdaman mo ba ang tibok ng puso ko?

Nakangiti ka na, hindi ko alam kung natutuwa ka ba o pakiramdam ko iniisip mo binibiro kita. Pero natutuwa ako kasi nakangiti ka!

"Bakit nakangiti ka lang d'yan? Umamin na 'ko sa'yo tapos ngingitian mo lang ako?" tinatago ko ang kilig ko.

"Kasi hindi ko alam ba't ako pa 'yung nagustuhan mo eh andami namang nagkakandarapa sa'yo na mas maganda kaysa sa 'kin, ano'ng mapapala mo sa nerd na katulad ko?" nakangiti mong sambit.

"Kailangan ba may dahilan para magustuhan kita? Yun yung nararamdaman ko paa sa'yo, at seryoso ako kaya sana magtiwala ka." paliwanag ko.

"Sa totoo lang, kahit na medyo basagulero ka... gusto din kita at hindi ko alam kung bakit. Pero dahil seryoso ka, pagbibigyan kita."

Parang ako nanalo sa lotto sa mga narinig ko.

Hindi ko napigilan ang sarili ko na yakapin ka nang mahigpit.

"Salamat Areum, pangako... hinding hindi kita sasaktan makakaasa ka na ikaw lang iibigin ko habang buhay."

Anak ng tokwa, sinong mag-aakala na ako- isang gangster, maiinlove sa isang cute na nerd? Hinding hindi ko na pakakawalan 'to.











----

Hindi naman nakakakilig, hahaha
Monday na naman back to reality na naman hays, katamad na magwork. Gusto ko na mag-asawa!

-M💜

Imagine BTS (Bangtan Boys)Where stories live. Discover now