BTS: Iwas COVID-19

211 10 2
                                    

Hi guys, dahil lockdown na sa buong Luzon dahil sa Covid-19, bibigyan na tayo ng (un)helpful tips ng Bangtan para makaiwas sa virus. So ready na ba kayo?


















|Seokjin|

"Huy ghorl, maghuhas ka ng kamay! Ano? kung saan saan mo inihipo yan tapos ihahawak mo sa 'kin? Gusto mo lunurin kita sa alcohol? Maghugas ka dun bilisan mo! Kadugyot ay!"

/galit na galit gustong manakit, to na maghuhugas na nga~



















|Yoongi|

"Social distancing. naintindihan mo ba? Hindi? Ibig sabihin nun layo-layo... pag alam mong ayaw sa'yo lumayo ka na? Anak ng- dikit pa ng dikit hindi ka nga gusto. Umuwi ka ng bahay nyo, magtour ka dun baka may di ka pa napuntahang sulok... linisin mo na din. Puro ka landi. Landiin kita eh."

/ehe ene be🤭


















|Hoseok|

"ARMYs, ugaliin mag face mask kapag lumalabas ng bahay, hindi natin masasabi kung sino makakasalamuha natin, malay mo may makita kang tao na akala mo sya na magbibigay ng kulay sa buhay mo, yun pala iiwanan ka din nya. Di naman MASKet eh"

/humugot pa🙄






















|Namjoon|

"Keep hydrated y'all. Inom ng maraming tubig, inom din ng alak pag may time pantanggal hapdi at kirot lang... lalo na pag- ay sorry basta inom lang tayo maraming tubig guys hehe"

/🤦🙄






















|Jimin|

"Stay indoors babe😏. Kung gusto mo naman stay in bed with me. Ano? Choosy ka pa, ganda ka?"

/aba't~






















|Taehyung|

"Kumain ng healthy foods. Ano bang masarap kainin today? Burger? Fries? Chips?"

Y/n: healthy nga eh🤦

"Gusto mo ng Milktea? Sige babe order ako"

/so help me God




















|Jungkook|

"Wala na ko maisip na pwedeng gawin para maka-iwas sa virus, mag-ingat na lang siguro tayong lahat. Kahapon pa ko di nalabas ng bahay malapit na ko maburyong, magsuggest na nga kayo ng pwedeng pagkaabalahan. PM me guys hah?"

/potek, abalahin mo yung kapitbahay nyo haha




















Ano guys, helpful ba? parang hindi hahahaha... katuwaan lang to alam ko naman lahat nagpapanic dahil sa virus, kahit kami nangangamba kaming mga empleyado kasi baka wala kaming sahurin, by the time na matapos ang quarantine wala na walang wala na kaming budget nun.

So guys, stay indoors and keep safe. Keep hydrated din😊

-M💜

Imagine BTS (Bangtan Boys)Where stories live. Discover now