Yoongi | Imagine

423 6 0
                                    

Short lang itey so...









Yoongi's P.O.V

Sumakay ako ng bus para makauwi. Kakagaling ko lang sa trabaho. Biyernes na naman. Abala ang lahat at nagmamadali para sa mga kani-kanilang lakad.

Ang iba naman ay matiyagang naghihintay sa pila para makasakay at makauwi sa kani-kanilang bahay. Ganoon din ako. Matiyagang naghintay at naghihintay.

Naghihintay na marating at maabot lahat ng gusto ko sa buhay. Naghihintay na may makilala at makasama habang buhay.

Mula sa aking pwesto ay may babaeng nakaupo sa hilerang-tapat ko. Mag-isa lang siguro sya. Abala sya sa pag-aayos ng gamit sa bag nya.

Hindi sya kagandahan gaya ng ibang babaeng nakikita at nakakasalamuha ko sa trabaho. Pero mula sa tanaw ko masasabi kong cute sya.

Hindi ko mapigilang ngumiti habang pinagmamasdan sya at kung paano nya binuksan ang malaking chichiryang bitbit nya.

Ang cute nya talaga.

Pero nagulat ako nang may dukutin syang lata mula sa supot. Akala ko softdrinks ang kinuha nya pero hindi pala.

Alak. Iinom sya sa byahe? Seryoso ba sya?

Gusto ko syang lapitan at tanungin kung bakit sya umiinom.

Marahil ang isasagot nya- "nauuhaw kasi ako"

Nauuhaw.

Lahat tayo nauuhaw. Uhaw sa pang-unawa, uhaw sa pag-aruga at kalinga, uhaw sa atensyon, at higit sa lahat... uhaw sa pagmamahal.

Alin kaya dun ang dahilan kung bakit sya umiinom?

Muli kong tinitigan ang babae sa kabilang upuan at napaisip ako. Pamilyar sa kin ang mukha nya. Oo tama... nakita ko na sya.

At sya nga! Sya ang matagal ko nang hinihintay.















Korni diba? Hahahaha tulugan na! Weekend na naman. Naging productive ba kayo? Ako medyo lang.

-M♡

Imagine BTS (Bangtan Boys)Where stories live. Discover now