He's A Ghost [ft. Kyungsoo]

659 24 1
                                    

A/N: eto ay isang imagination lamang.. Wag SERYOSOHIN!

"Miyaaaa~! Nasan na ang mga basket na paglalagyan ng gulay?" tanong sakin ng Lola ko.

"Eto na po!" sigaw ko naman.. Pumunta na ako sa kanya dala-dala ang basket. Nandito kami sa sakahan ng mga gulay namin sa Probinsya. Bakasyon kasi ngayon at gusto kong makalanghap naman ng simoy na hangin. Kaya naman dito ako sa Probinsya nina mama pumunta.

Pagkatapos naming kunin ang mga gulay bumalik na kami sa bahay.

"Miya dito ka na muna at pupunta ako ng bayan para dalawin si Tiring doon" sabi ni Lola sa akin.

"O sige po! Mag-ingat kayo" sabi ko.

"Alis na'ko. Wag kang lalabas ng bahay at pababa ng araw. Marami ng mga pagala-gala na nilalang dito" sabi ni Lola tapos lumabas na siya.

Kinilabutan naman ako sa sinabi ni Lola.

Bumaba ako ng bahay at lumabas. Pero umupo lang ako. Hihintayin ko nalang siya dito.

"Tulongg~!" parang biglang may sumigaw ng ganun.. Nagpalinga-linga ako. Nakita ko ang isang lalaki na hinihila ng dalawang lalaking nakaitim.

Napatakip ako ng bibig. Nagtago ako at palihim silang sinundan dahil papasok sila ng gubat.

Nang nasa bandang gitna na sila nakita kong tinulak paupo nung isang lalaki yung lalaking hila-hila nila kanina.

"Ano?! Aalis ka ba sa grupo ninyo? o kami pa mismo ang magpapaalis sayo?! Simple lang naman ang gagawin namin sayo eh.. *labas kutsilyo* Papatayin ka namin" napatakip ako ng bibig sa sinabi nung lalaki. Sobrang pinagpapawisan na ako sa kaba at takot.

Nakatago pa rin ako sa isang puno. Medyo madilim kaya hindi kita yung mga mukha nilang tatlo. Maya-maya pa ay may labing-isang lalaki na dumating.

"Ohh~! Nandito pala ang mga kagrupo mo eh.. Kim Jongin,ikaw pala! Kamusta?!" sabi nung isang lalaking masama.

"Ahas ka Ranz Kyle! Tinulungan ka naming makapasok sa Media pero anong ginawa mo?!" sabi nung isang gwapong lalaki na kasama sa labing-isang lalaki.

[A/N: Kung may Ranzters man na nagbabasa nito.. Pasensya na lang!]

Pagkatapos sabihin nun ng lalaki may dumating pang apat na lalaki na may dala-dalang kutsilyo. Napatakip ako ng bibig ng isa-isang barilin nung apat na lalaki ang labindalawang lalaki. Napahiga ang mga ito sa lupa.

Naiiyak na ako sa sobrang takot. Nakasaksi ako ng pagpapatayan.

"Ano Do Kyungsoo?! Baka gusto mong ikaw na ang isunod namin?!" sabi nung isang lalaki na pumatay dun sa labindalawang lalaki.

"Mas mabuti pa nga.." galit na sabi nung lalaking naiwan.

Maya-maya pa pinagbubugbug na nila at sinaksak yung lalaki. pagkatapos nun umalis sila na parang hayop ang mga pinatay nila.

Napa-upo ako sa lupa at napa-iyak. Sinigurado kong wala na yung mga anim na lalaki. Bago ako lumapit sa labindalawang lalaki.

Lalong-lalo na sa lalaking huli nilang pinatay. Hinawakan ko yung mukha nung lalaking huli nilang pinatay. Nakaramdam ako ng iba. Kakaibang pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman.

Umiiyak ako habang tinitingnan ang mga katawang patay na nakalatag sa lupa.

Tumayo ako at isa-isang inayos ang mga bangkay nila. Ipinagtatabi ko ang mga ito. Napakasayang ng mga lalaking ito dahil sa sobrang gagwapo..

Exo One Shot StoriesWhere stories live. Discover now