Handsome Nerd [ft. Baekhyun]

240 13 0
                                    

HANNAH'S POV

Ako si Hannah. Hindi kagandahan,hindi kataasan,hindi rin masyadong matalino pero nakakapasa naman. Simple lang ako sa paaralan namin. Focus lang ako lage sa mga activities sa school at wala na. Wala akong kaalam-alam sa mundo ng websites,mundo sa labas at mundo ng pag-ibig.

Papunta na ako ngayon sa classroom namin. Nang makapasok ako naglilinis yung mga classmates ko. Nilagay ko lang yung bag ko saka ako tumulong sa kanila. Maya-maya pa ay dumating si Hyun. Siya ang Nerd na classmate ko.

Nerd siya oo. Pero sobrang gwapo niya at talino pa. Ang problema lang.. MASYADO SIYANG TROLL. =___= Andami niya kasing mga jokes eh. Marami siyang kaclose sa classroom pero ako? Hindi. Kasi hindi ko din alam. Papansinin niya lang ako kapag may mga group activities kami at magkagrupo kaming dalawa.

Nang dumating na ang Prof. namin ay bumalik na kami sa mga upuan namin.

"Goodmorning Class. Magkakaroon kayo ng activity. Ang activity na ito ay by partner" pagkasabi na pagkasabi ni Sir ng 'by partner' hiyawan agad sila. Kasi hinihiling nila na sana ang makapartner nila ay ang crush nila =___=

"Tahimik na class. Napag partner-partner ko na kayo okay.. Joana and Marvin. Roxanne and Rayne..." nagtuloy-tuloy na ang pagtawag ni Sir ng mga partners.

"and last.. Hannah and Hyun" bigla akong nabuhayan ng kaluluwa ng marinig ko yun. Bigla akong napangiti ng palihim sa hindi malamang dahilan.

"Kung inaakala ninyo na magpa-partner kayo na magtutulungan ay hindi. Kundi,magkalaban kayo sa report na ito." whaaat?  kalaban? si Hyun? Okay lang si Sir? Duuhhh! Nasa top kaya si hyun. Habang ako? Waley. UGGH!

Pagkatapos ng discussion ni Sir ay umalis na rin siya.

Palabas na ako ng classroom nang harangan ako ni Hyun sa pinto na ikinagulat ko.

"Sa araw ng report mo.. Tatanungin kita sa mga isa sa pinakamahirap na tanong. So,goodluck" sabi niya sabay evil grin. Napalunok ako pagkatapos niyang sabihin yun.

--

--

--

--

"Argh!" daing ko habang hinihilut yung mata ko. Sobrang sakit na rin kasi ng ulo ko sa pag-aaral ng ire-ireport ko bukas. Tama bukas. At kabadong-kabado na ako.

May bigla akong naalala. Napangiti ako. Naalala ko yung araw na nadapa ako sa hallway. Tinawanan ako ng mga kaschoolmates ko. Pero biglang may sumigaw that time,si Hyun.

Ikinarga niya ako nung mga oras na yun papuntang clinic upang magamot ang sugat ko. Pagkatapos nun pasimple na kaming nag-uusap at nagngi-ngitian sa isa't-isa. Ewan ba! Pero ang saya sa pakiramdam.

Maybe,I have a crush on him? or I'm inlove? >////< Waaaaaah! Hindi naman siguro.

KINABUKASAN.

Whooo! Kaya ko toh. Hindi naman siguro itutuloy ni yun yung plano niyang tatanungin niya ako ng mahirap na tanong diba?! Hindi diba? T____T kasi kahit papano close na rin naman kami.

Naka-upo na ako sa upuan ko. Maya't-maya pa ay pumasok na si Sir kasunod si Hyun. Nang makita ako ni Hyun,nagsmirk siya bigla na ikinatayo ng balahibo ko sa kamay.

"Our reporter for today,Ms. Hannah" sabi ni Sir. Agad naman akong tumayo at sinimulan ang report ko.

.

.

.

.

Kakatapos lang ng report ko at eto na! >____< Isa-isa ng nagtatanungan ang mga classmates ko. Sana naman hindi tawagin ni Sir si Hyun. Pansin ko kasing kanina pa nagpupumilit si Hyun eh.

"SIR! Ako!" sigaw ni Hyun.

"O sige na nga,Mr. Byun!" sabi ni Sir. Tumayo si Hyun. Waaah! Sabi na eh.

"gaya ng sabi ko sayo,Hannah! Sa araw na ito tatanungin kita ng isang mahirap na tanong" so,kelangang ipaglandakan? kabadong-kabado na nga ako dito eh TT____TT

"Kaya ang tanong ko sayo..."

"Can you be my girl?"

Kumuha ako ng notebook sa tabi ko saka itinapon sa kanya.

"Adik ka! Pinagstudy mo pa'ko! Yun lang pala ang tanong lang ay gusto mo'kong maging girlfriend mo!---WHAT?!" bigla kong sigaw ng marealize ko yun.

Dahan-dahan siyang lumapit sakin saka ngumiti.

"Yeah,is it a yes or no? Sabagay,wala ka namang choice eh. You love me right?" sabi niya sabay smirk.

Inirapan ko siya. "Lakas ng hangin sa utak mo ah!" sabi ko.

"I love you!" sabi niya sabay ngiti sakin. I hug him!

"I love you more!"

 

                                          THE END

Exo One Shot StoriesWhere stories live. Discover now