I will do Everything for You [ft. Luhan]

347 18 0
                                    

 SAMMY'S POV

Pitong taon na ang nakakaraan noong iniwan ako ng lalaking mahal na mahal ko.

Pitong taon na ang nakakaraan at mahal ko pa rin siya.

Hindi ko akalaing mangyayare ang ganoong bagay sa kanya.

Masakit maramdaman na nawala ang taong mahal mo dahil sayo.

Masakit maramdaman na nagsakripisyo siya para sayo.

"Sammy kumain ka na" sabi ng mama ko. Hindi ko siya pinansin at naglakad ako palabas ng kusina. At para na rin makapasok sa trabaho ko.

"Sammy hanggang kelan ka ba magiging ganyan samen?!" galit na sigaw ni mama. Agad namang pinigilan ni papa si mama.

"Hanggang kelan? Hindi na..Hindi niyo na maibabalik pa ang tiwala ko sa inyo" matigas na sabi ko.

"Sammy pitong taon na ang nakakaraan! Iniwan ka niya!"

"Iniwan niya ako dahil sa inyo! Nawala siya saken ng dahil sa inyo! Kasalanan niyo rin kung bakit ako nagkakaganito!" hindi ko mapigilang mapasigaw sa kanila.

Nagsimula ng tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Napa-upo ako.

"Kasalanan niyo eh! Kasalanan niyo! Nilayo niyo siya saken. Nang dahil lang sa may galit kayo sa pamilya niya pati kami dinamay ninyo!!" iyak na sabi ko.

FLASHBACK

"Sam harap ka!" sabi ng isang pamilyar na boses. Tumingin ako sa harap dahil nakayuko ako.

Nakita ko ang lalaking mahal na mahal ko. Nakatingin saken at ngumingiti. May dala-dala rin siyang isang bulaklak.

"Ano naman toh LuLu?" tanong ko sa kanya.

"*pout* Nakalimutan mo na ba?" tanong niya. Haha! Kahit alam ko naman talagang anniversary namin ngayon ay nagpapanggap lang ako.

"Ang alin? Anong meron ba?" tanong ko sa kanya. Nagsad-face naman siya.

"Hmp! Hindi mo na ata ako love eh" pagtatampo niya.

"Haha! Hindi naman mabiro ang LuLu ko. Happy 2nd anniversary LuLu"

"Akala ko nakalimutan mo na eh.. Happy 2nd Anniversary din Sammy ko" sabi niya tapos niyakap niya ako.

"Sammy ko,kelan natin sasabihin sa mga magulang mo na tayo pa rin?" tanong ni LuLu. *sigh* Patago ang relasyon namin ni Luhan dahil ayaw sa kanya ng mga magulang ko. Dahil sa magkagalit ang pamilya ko at pamilya niya.

Exo One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon