Chapter 5: Day 1

12.3K 133 9
                                    


Chapter 5: Day 1


Aly's POV


Right after ng morning training namin. . .


Nagshower na muna ako, nag-ayos lang pagkatapos at dumeretso na kaagad sa Starbucks. Mag-breakfast daw kasi kami sabi ni Madam, kaso past 8:00 pa lang ng umaga wala na akong makitang bakanteng upuan para sa aming tatlo dito sa coffee shop. Mauna na rin daw ako at hihintayin pa ni Ella si Aerieal na bumalik pa sa dorm.

So, tinext ko muna si Madam at ipinaalam na, "Sa Xocolat nalang tayo besh, puno na agad dito sa SB eh."

At nakita ko rin na may dalawang text messages ako sa phone, pero iche-check ko nalang mamaya dahil biglang may mga nag-approach na sa akin para magpapicture. Napansin pa rin nila kahit na naka-cap na ako at nag-iisa. Pero okay lang naman yun sa akin, hindi naman nagkagulo dito at nag-thank you nalang ako sa kanila after.


Lumabas na ako at naglakad papunta sa may sakayan ng tricycle, "Kuya, sa may xocolat po." sabi ko kay manong driver.

"Uyy, si Lazaro pala itong isasakay ko."

Napaisip pa ako sandali sa sinabi nya at nagpakilala na lang, "Ay kuya, si Valdez po ako..."

Nakakatawa man isipin pero minsan kasi napagbabaligtad kami ni Den ng mga tao dahil siguro lagi kaming magkasama. Lalo na sa school at kapag may training kami sa gym. Pero di ko akalain pati sa labas at kay manong driver pa?

"Ganun ba, mali pasensya na, medyo nalilito pala ako sa inyo. Hehe." sagot ni kuya sa akin na natatawa lang habang pinaandar na nya ang motor nya. "Okay lang po... pag yung maputi si Lazaro tapos kapag naman yung matangkad ako na yun, hindi ung maitim ha." Pabiro ko na lang.


Sandali lang ang byahe at andito na pala ako sa isa pang coffee shop, kaya pumara na ako at bumaba.


Malapit lang din ito sa school na dati ay isa itong bahay na ginawa lang café, kaya kakaiba at napaka-homey ng feel sa loob. Pero doon ako umupo sa may left side ng entrance na supposed to be ay garahe ng bahay para makita ako agad nila Ella, habang tinext ko nalang ulit siya, "Besh andito na ako, left side entrance ha. Dali lapit na din mag 9." At nagreply naman din na parating na rin daw sila.


Habang naghihintay sa kanila, chineck ko na rin ang phone ko para sa mga texts na galing pala kanila Den at Synjin at binasa ko muna yung kay Synjin, "Guys, call time at 11am, dorm lobby. Don't be late. We need to be there before the opening ng Showtime. See y'all."

Oo nga pala, start na ng mga guestings namin. Yeyyy! Kaya excited akong nagtext kay Snyj agad,"Yes Synj, thanks for reminding..."


Tapos, binuksan ko naman yung text na galing kay Den... at siguro nakita na nya yung surprise, "Oh Ly! maglagay talaga ng cooler sa locker??? But, thank you I'm eating the ice bar right now. So sweet of you, really... :p"

Hehe yes! Sabi na at magwo-work ang pangungulit ko sa kanya, dahil kung hindi, matutunaw lang yung ice bar, sayang naman. Dali din akong nagtext back sa kanya at napapangiti dito habang iniisip ang reaction nya, "Hehehe. Na-surprise ka ba? See you later. :)"


Buti nalang at hindi masyadong maraming tao dito, kasi nga nangingiti at napapatawa lang akong mag isa. Kaso, bigla ko nanamang naalala yung sa rooftop. . . Alam ko naman na tungkol yun sa Alyden kahit hindi nya madiretsong masabi sa akin kagabi, hindi maalis sa isip ko yun. Pero ano naman kaya ngayon ang nakaka-bother sa kanya? Hayyy, Den...

Stay with me (AlyDen)Where stories live. Discover now