Chapter 6: Epistaxis

11.4K 108 4
                                    

Chapter 6: Epistaxis

~~~~~~~~~ 

A/N: This chapter is dedicated kung paano nga ba nagkakilala ang Alyden. It's a light flashback story na medyo mahaba-haba kaya kapit lang. Enjoy. :) 

~~~~~~~~~ 

  

Aly’s POV

Pagkatapos ng dinner treat namin ni Synj sa Roku, pagod na talaga ang ilan sa amin hindi lang dahil sa dami ng nakain, pati na rin sa kakatawa sa kakulitan nila Ella at Synj. Including si Den, kaya sinabi niya sakin na gusto na daw nyang mauna sa kwarto para matulog at magpahinga na.

Pero ako? Hm... 

Bakit kaya hindi pa ako dinadalaw man lang ng pagod or antok? Hindi rin ako mapakali sa sarili ko kahit na wala naman nang dapat ika-worry na, dahil biglaan naman na hindi na tuloy yung guesting namin diba at sa matagal pa ang next. Dapat ika-tuwa ko na yun. . .

Siguro makapunta na nga lang ng gym para makapaglakad-lakad. . .

Habang na sa loob na, umupo na alang ako sa isa sa mga bleachers doon. May isa pa namang ilaw na nakabukas kaya hindi naman masyadong madilim at nakakatakot, hehe.

Pero diba nga, wala naman akong dapat ipag-alala. Pero bakit hindi parin maalis sa isip ko na may something na kakaiba talaga about kay Den. . . parang may hindi tama. 

Malamang kilala ko siya at matagal na kaming magkasama nyan, hayyy… Sabay hinga ko ng malalim dito habang mag-isa. Okay lang yan, okay naman si Den... walang dapat ika-worry. Yan nalang ang pilit na sinasabi ko sa sarili ko ng paulit-ulit.

Sa kabilang banda, nakakatawa nga naman kaya siguro dito ako dinala ng mga paa ko. May naaalala pa tuloy ako na dito mismo kasi sa BEG... Dito pala kami unang nagkakilala ni Den dahil sa hindi inaasahang pangyayari... Kaya special ang lugar na ito sa amin.

Nakakatuwa rin kung iisipin kung paanong sakto na dito pa sa Ateneo grounds, kahit na highschool palang kami that time. Hindi ko talaga makakalimutan yung nangyari kahit halos limang taon na ang nakalipas. 

*** Flashback *** 

UST vs CSA Girls Volleyball - Finals Game.

Sa loob ng court. . .

“Valdez, ano bang ginagawa mo?!” sabi ni Kim Fajardo sa akin habang hindi ko na naman napalo ang sinet nyang bola sa akin. Parang galit na rin ata si Kim dahil tinatawag na nya ako sa last name, hehe.

Stay with me (AlyDen)Where stories live. Discover now