Capítulo Uno

2.9K 125 62
                                    

[Kabanata 1]

"I will always care for you, even if we're not together and even if we're far, far away from each other"

Sabi nila, wala daw malapit o malayo kapag mahal mo ang isang tao. Kasi kahit magkalayo kayo at kahit hindi mo sya nakakasama, hindi mo magagawang tumingin sa iba kasi ang iyong puso ay tumitibok lamang sa iisang tao.

"Minahal ko sya, at pinaramdam ko sa kanya yun. Pero bakit ganun? Pinagpalit pa din nya ako sa iba?"

Iyak ng iyak si Dianne, ang bestfriend ko dahil nakipag break sa kanya yung boyfriend nya. Nakita nya kasi si Emman na may kahalikan na babae noong nagpunta sya sa bar kung saan nagtatrabaho yung Papa nya. Susunduin nya sana ang Papa nya dahil sasamahan nya si Dianne na magpa check-up dahil madalas sumasakit ang tyan nito. Nakwento rin sa akin ni Dianne na nung araw ding iyon, nakipag-break si Emman sa kanya dahil hindi na raw nya ito mahal, naghahanap lang sya ng tyempo para sabihin sa kanya na may iba na sya. Alam kong hindi pa rin nya tanggap ang nangyari dahil dalawang araw pa lang naman ang nakalipas ng mangyari iyon.

"Hays, hayaan mo na nga yan bes! Hindi nya deserve yung pagmamahal mo. Kaya smile ka na jan, papangit ka lalo nyan. Baka hindi ka agad makahanap ng kapalit hahaha" biro ko sa kanya. Napangiti naman sya ng konti dahil sa sinabi ko. Pero alam ko na sobrang nasasaktan pa din sya sa nangyari.

Linggo ngayon at nandito kami sa park, nagpapahangin kami at ine-enjoy ko si Dianne para maka move-on agad. May pasok na kasi bukas e kaya sinusulit ko na ang bakasyon hahahaha.

Napatingin na lang ako sa mga mag jowa na nasa park ngayon at napaisip

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napatingin na lang ako sa mga mag jowa na nasa park ngayon at napaisip. Bakit ganun? Kahit na ipinaparamdam mo naman sa isang tao na mahal mo talaga sya, nagagawa ka pa din nyang iwan? At kahit na halos ibigay mo na sa kanya lahat ng oras mo e nagagawa pa nya na maghanap pa ng iba? Bakit ganun? May mga lalaki na hindi marunong makuntento. Tsk! Kawawa naman yung mga babaeng walang kaalam-alam na niloloko na pala sila ng boyfriend nya.

Buti na lang wala pa talaga sa isip ko mag lovelife. Sakit lang yan sa ulo e, at tsaka sa bulsa hahaha nagka boyfriend na ako before, pero nakipag break ako kasi nakabuntis sya. At ang masakit pa dun, yung kapatid ko pa ang binuntis nya! Oo, yung boyfriend ko, binuntis si Ate ko, matagal na din pala silang may relasyon at naghahanap lang din sila ng tyempo para sabihin sa akin. Pero huli na ang lahat, nalaman ko na agad ang mga tintago nila sa akin nung mahuli ko si ate at ang boyfriend ko na magka holding hands.

" I know that what we do is wrong, because I have a girlfriend."
Nakatingin ng diretso ang boyfriend ko kay ate. Hindi ko alam ang gagawin ko nung oras na yun, natulala na lang ako habang nakatingin sa taong mahal ko na kinakausap yung taong mahal din nya.

"Sorry, alam ko din na mali ito. Pero mahal talaga kita at handa akong ipaglaban ka" sagot sa kanya ni ate na lalong nagpaguho ng mundo ko. Naiyak na lang ako at hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Huling HimagsikWhere stories live. Discover now