Ćapitulo Veinte Uno

873 32 16
                                    

[Kabanata 21]

"Lapastangan!" Galit na sigaw ng Heneral nila na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin mamukhaan dahil nandidilim na ang paningin ko.

"H-heneral? M-magkakilala kayo?" Nanginginig na tanong ni Tomaclas. Tahimik pa rin ang paligid, dahil sa tensyon ng bawat isang nandito.
Ang iba ay napaluhod dahil sa sobrang kaba at ang iba ay naiiyak na.

Lumapit sa akin ang heneral at iniharap ako sa kanya. Pinunasan nya ang dugo na lumalabas mula sa labi ko maging ang mga luhang kanina pang pumapatak.

"Bebegerl ipagpaumanhin mo" sambit nung heneral nila at dun ko na napagtanto kung sino ang lalaking iyon.

Tumayo syang muli ang humarap kay Tomaclas, at sa mga kasamahan nyang nambugbog sa akin.
"Hindi ako madaling magalit, ngunit hinding hindi ko hahayaang saktan ninyo ang babaeng iyan!" Galit na sambit ni...

Mateo.

"Ipagpaumanhin mo Heneral. Hindi namin alam, nais lang namin na mahuli ang mga magnanakaw sa San Luis gaya nga ng inutos sa amin ng iyong ama" nagmamakaawang sagot ni Tomaclas kay Mateo.

"Ngunit ang binibining ganiyan kaganda, ay mukha bang magnanakaw?!" Sigaw ni Mateo at sinuntok sa mukha si Tomaclas.

"Ipagpaumanhin mo heneral. Ipagpaumanhin mo!" Pagmamakaawa ni Tomaclas habang nakaluhod sa harap ni Mateo.

"Mula ngayon, ay tinatanggalan na kita ng posisyon bilang taga-pamahala ng mga Guardia Civil dito sa San Sinumpaan!" Sigaw ni Mateo.

"Ngunit heneral, hindi maaring basta-basta mo na lamang tanggalan siya ng posisyon" Pakikisali nung lalaking nasa bandang kanan nya. Sa tingin ko'y mabait ang lalaking iyon.

"Ngunit sinaktan nila si Bebegerl!" Galit na sigaw nya.

Sa gitna ng mainit nilang pagtatalo, ay doon na ako nakaramdam ng matinding pagkahilo at nagsimula ng magdilim ang paligid.

"Bebegerl? Ayos ka lamang ba?"

Unti unti kong iminulat ang aking mga mata at napansin kong wala na ako sa headquarters nila. Nandito ako sa isang maliit ngunit napakalinis na kwarto.

"N-nasaan ako?" Tanong ko kay Mateo at sinubukang bumangon.
"Sandali bebegerl. Wag ka munang bumangon. Hindi pa kaya ng iyong katawan" sagot nya at pinigilan akong bumangon. Napansin ko rin na may mga dahon na nakatapal sa akin. So ibig sabihin nagamot na ako?

"Nandito ka ngayon sa aking maliit na silid Bebegerl. Nandito pa rin tayo sa San Sinumpaan" sagot ni Mateo na ikinagulat ko.
Andito ako ngayon sa kwarto nya? Waaaah! Myghad, ayoko pa! Bata pa ako, marami pang pangarap sa buhay!

"Huwag kang mag-alala bebegerl. Sa papag ako mahihiga" sabay turo doon sa isang sulok na may nakalatag na maliit na tela at isang unan.

Hindi ko inaasahan ngunit natigilan ako ng magtama ang aming mga mata. Kaagad din iniiwas dahil na rin siguro di pa din nya nakakalimutan yung nangyari sa amin.

"Magpahinga ka na bebegerl. Magpapahinga na rin ako" sambit ni Mateo at ngumiti, tatayo na sana pero pinigilan ko sya.

"Anong nangyari kay Tomaclas at sa kasamahan nya?" Tanong ko kay Mateo. Nawalan na ako ng malay kanina at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.

Huling HimagsikWhere stories live. Discover now