Capítulo Dieciocho

1.1K 60 12
                                    

[Kabanata 18]


Apat na araw na ang nakalipas ngunit hindi pa rin nakakagawa si Mateo ng paraan para magkita kami. Sinabi niya na magkikita kaming muli at sosorpresahin nya ako. Kaso hanggang ngayon ay wala pa rin.


Alas dyis na ng umaga ngayon, at dahil wala akong magawa ay naisipan kong halungkatin na lang ang kabinet ni Angelita.

Pagkabukas ko niyon ay bumungad sa akin ang makukulay na baro't saya na may kakaibang bango.
Mga baro't saya na amoy Sampaguita at halatang iniingatan ni Angelita.

Napatingin ako dun sa isang damit na nakaagaw ng aking atensyon. Purong kulay puti iyon at mahahalata mong napakalinis talaga. Hinawakan ko at nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam.
Para bang kinakausap ako nun at sinasabing suotin ko sya.
Kinuha ko iyon dahil may iba talaga akong nararamdaman. Nang biglang...
May nagpatak na dalawang magkadikit na bracelet mula sa Baro't Saya na yun.

May bracelet na pala na pang couple nung sinaunang panahon?. Yung isa, kulay blue at may design na susi. Tapos yung isa, kulay pink at may design na padlock na hugis puso.
Ang cute nilang tingnan. Ugh!
Kung ibigay ko na lang kaya yung isang bracelet kay Mateo? Ano sa tingin nyo? Haha para parehas kami.

Sa susunod naming pagkikita ay ibibigay ko ito sa kanya. Sasabihin ko na lang na iyon ay tanda ng pagiging magkaibigan namin.
Kaso kailan naman kaya kami magkikita? Kasi naman eh. Dapat hindi na sya nahilig sa sorpresa. Yan tuloy, hindi ko alam kung paano kami magkikita.

Napatingin akong muli doon sa hawak kong bracelet at napatitig ako. Isinuot ko na yung kulay pink, at yung isa naman ay inilagay ko sa aking bulsa. Kailangan maging handa ako dahil hindi ko alam kung anong pakana na naman ang ginagawa ni Mateo.
Pero hayaan na, crush ko naman eh.

"Magandang umaga binibini" Nagulat ako ng biglang nagsalita si Cristeta. And as usual, nakasilip na naman siya sa may pinto na parang multo.

"Hay nako Cristeta, aatakihin ako ng dahil sa iyo" biro ko sa kanya. Ewan ko ba, pero hindi ba sya marunong kumatok? Hindi ba yun uso dito?

"Pasensya na po Binibini, nasanay lamang ako" masayang tugon niya sa akin. Aba! Mukhang maganda ang gising nya ngayon ah?

"May kailangan ka ba?" Tanong ko sa kanya sabay ngiti.

"Opo binibini, dahil may bisita po kayo na naghihintay sa baba" Tugon nya sa akin na talagang ikinagulat ko.

"S-sino naman iyon? Si Mateo ba?" Tanong ko sa kanya. Kasi apat na araw na ang nakakalipas eh. Siguro naman mahaba na yung panahon na yun para makapaghanda sya ng surprise para saken.

Napatingin ulit ako kay Cristeta na ngayon ay nakangiti ng nakakaechos sa akin.
"Si Heneral Mateo po ba binibini ang iyong tinutukoy?"

"W-wala kalimutan mo na yun. Bababa na ako at ayaw kong pinaghihintay ang aking mga bisita" Tugon ko sa kanya at ngumiti ng malaki.
Natawa naman sya sa sagot ko at nagbow bago umalis.

Dali-dali akong pumunta sa harap ng salamin at nag-ayos ng aking mukha. Pinapula ko ang aking labi at inayos ang aking kilay. Syempre, kilay is life ako nung 2018 eh. Hahaha
Nagpunta ako sa kabinet at pumili ng magandang baro't sayo. Syempre yung kulay pink para bagay sa suot kong bracelet ngayon.

Pagkatapos ay bumaba ako. Medyo kinakabahan na naman ako.
Teka... Baka ma-mental block na naman ako pag nakausap ko sya. Baka makita ko na naman ang kanyang dimples at mawala na naman ako sa sarili. Waaaaaah!

Huling Himagsikحيث تعيش القصص. اكتشف الآن