Three

14K 1.1K 378
                                    

SCIENCEINEA MONTEJO-DIZON


"Happy 71st Birthday, Daddy!" bati ni Philip.. Ang nag-iisang anak namin na may sariling pamilya na rin.

Day 16,782.. Malapit na kaming mag-46 years na kasal. Ilang araw na lang.

Bakas ang saya sa bawat ngiti, sa bawat halakhak.. pero hindi natin maitatago na sa likod ng mga 'yon, may lungkot na lumalandas.

"Salamat." tipid na ngiting pasasalamat ni Math at pinasadahan ng tingin isa-isa ang tatlong apo namin. Sina Reese, Mateo and Syndie. Pati na rin ang manugang namin na asawa ni Philip..

Sa sobrang bilis ng panahon, hindi na namin namalayan ang katandaan. Sa sobrang saya.. Minsan nakakalimutan na namin ang paglipas ng panahon..

"Happy Birthday, Husband." nakangiting bati ko sa kanya.

"Salamat, Wife."

Pasaglit pa akong yumuko para maabot ko ang labi niya at para mahalikan ko siya.. dahil sa ngayon, nakahiga siya sa isang hospital bed.

Sa mga nag-daang panahon, lumala din ang pagkalimot ni Math sa mga bagay. Kasabay ng pagkalala no'n, ang pagdapo sa kanya ng iba't-ibang klaseng sakit.

Naging mahirap para sa akin ang lahat. Mula sa pag-papaalala sa kanya ng lahat ng bagay at sa pag-aalaga sa kanya tuwing nagkakasakit siya.

"Kainan na!" masiglang singit ni Alleona na siyang napangasawa ni Philip.

Nakangiti kaming lahat habang pinagdiriwang namin ang kaarawan ni Math. Bawat ngiti at bawat halakhak, tumatatak sa puso namin. Para bang musika ang bawat salita..

Siguro para sa ibang tao, masayang pamilya ang simbolo namin.. Pero hindi. Nagkakamali sila.. Mahirap, mahirap ang pinagdaanan ng pamilya namin..

Sa mga nagdaang taon, kung titignan niyo si Math sa kalagayan niya ngayon, parang ang lakas pa rin niya at tunay siyang masaya pero ang totoo, hinang-hina na siya. Sobrang mahina siya. Sa araw-araw, laging pakiramdam niya sa sarili niya ay wala siyang silbi. Pakiramdam niya ay wala lang siya. May minsanang araw pa na sobra akong nag-alala dahil hindi siya nagsalita. Nagising siyang tahimik at natulog siyang tahimik. Ni isang salita, walang lumabas sa bibig niya, kinabukasan no'n ay sinabi niyang pilit niya raw inaalala ang mga kwento ko sa kanya..

Si Philip, kung titignan niyo ay isa siyang maayos na napalaking bata. Sabihin na nating maayos nga.. Naturuan namin siya ng mabuting asal, minulat namin siya sa pagmamahal pero hindi natin maiaalis na nagkulang ako sa kanya bilang isang ina at nagkulang kami ni Math sa kanya bilang isang magulang. May mga oras na napapabayaan ko siya sa kakaalaga kay Math. May mga oras na hindi ako, kami, nakakapunta sa school activities niya dahil sa minsan ay may sakit si Math.. Aaminin ko, malaki ang pagkukulang ko sa kanya. Sobrang laki.

At ako? Masaya ako. Sa kabila ng lahat ng pinag-daanan ng pamilya ko, sa lahat ng pinag-daanan ko, masaya ako. Masaya ako dahil naging parte sila ng buhay ko.

"Umiiyak ka na naman."

Napabalik ako sa ulirat dahil sa pagkausap sa akin ni Math. Unti-unting kumunot ang noo ko at marahan na pinunasan ang pisngi ko.. Umiiyak na nga ako.

"Naalala ko lang ang lahat." mapait na sabi ko.

"Dapat ay masasayang alaala ang inaalala mo." sabi pa niya.

"Masaya naman ako kahit hindi ko aalalahanin ang mga 'yon."

"Masaya ba 'yang umiiyak?"

"Masaya ako dahil kasama kita.. Hanggang ngayon kahit na matanda na tayo."

"Science, Wife, salamat sa pananatili. Salamat dahil kahit kailan, hindi mo ako iniwan."

"Walang ano man. Sabi ko naman diba? Mapapagod lang pero hindi susuko."





"Happy 48th Wedding Anniversary sa atin, Math." nakangiting sabi ko habang hawak ko ang kanang kamay niya na nakapatong sa higaan.

Ngayon, nasa hospital na naman kami. Pabalik-balik na rin kami dito. At habang tumatagal, lumalala na rin ang lagay ni Math.

"H-happy 48th, W-wife.." pautal-utal na sabi niya sa gitna ng pagkahirap sa paghinga at dahil na rin sa oxygen na nasa bibig niya.

"Masaya ako, Math. Sobrang saya ko at umabot tayo sa ganito. Biruin mo? Apat na pu't walong taon na tayong kasal.."

Hindi siya nagsalita dahil alam kong hindi na niya kaya.

Mahina na ang katawan niya. Sa edad na 73, siguro sapat na rin 'yon para sabihin niyang pagod na siya.

Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Umiiyak na naman ako. Ang tanda ko na para umiyak diba? Sobrang tanda ko na eh. Biruin mo? 70 years old, umiiyak pa rin na parang teenager..

"Alam mo Math? Kahit isang araw na nakasama kita, wala akong pinagsisihan.. Bawat araw, masaya ako. Parati man akong umiiyak dahil oo, minsan ay nakakalungkot at masakit pero sa buong pagsasama natin ng higit limampung taon, simula mga bata pa lang tayo.. Alam kong masaya ako sa piling mo. Mula pa noon, ang lahat lahat sayo ay minahal ko na."

Dahan-dahang pumikit si Math. Sa pagkakataong 'yon, mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya.

"Mahal na mahal kita, Math."

Pagkasabi ko no'n, umaksyon siya na tanggalin ko raw ang oxygen para makapagsalita siya. Kaya ginawa ko..

Pagkatanggal ko ay kita ko ang mga ngiti sa labi niya..

"Science.. P-patawad.. Patawad kung ang dami kong pagkukulang sayo.. Patawad kung hindi ko nagawa ang mga dapat kong gawin at patawad kung ipinagkait ko ang kasiyahan na dapat sayo.. W-wife, salamat at hindi ka sumuko.. S-salamat at nanatili ka aa kabila ng lahat.."

"In sickness and in health.. Asawa kita kaya responsibilidad at obligasyon kong alagaan ka.."

"P-pero-"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil hinalikan ko siya. Hinalikan ko siya na para bang ito ang unang beses na ginawa ko 'yon. Hinalikan ko siya at sa paraang 'yon, pinadama ko ang pagmamahal ko sa kanya.

Pagkabitaw ko sa saglit na halik, may mga nakaguhit na ngiti sa labi namin.. pero alam namin, isang mapait na ngiti lamang 'yon..

"S-science, p-pagod na ako." sabi niya na halos hinang-hina na ang boses.

Dahan-dahan na namang nag-unahan ang mga luha palabas sa mata ko.

Ako rin, sobrang pagod na. Pagod na pagod na akong nakikita kang nahihirapan. Ngayon, tapos na ang laban mo, Math. Alam kong tapos ka ng lumaban para sa atin..

"M-matulog ka na.." pilit na sabi ko sa gitna ng hagulgol ko.

"M-mahal na mahal kita."

At sa huling pagkakataon... sinabi niyang mahal niya ako.

Kasabay ng ika-apat na pu't walong anibersaryo namin ay ang pagsuko niya.. Wala na siya..

"Until parted by death, mamahalin kita.. Hanggang sa kabilang buhay, hindi ako mapapagod na mahalin ka at kung sa kabilang buhay man ay makakalimutin ka pa rin, hinding-hindi ako mapapagod na magpakilala sayo. My name is Science and I am your wife."

Hi, My Name is Science and I am your wifeHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin