Chapter Thirteen

487 31 1
                                    


Rain's POV

It's friday. Makakapagpahinga narin ako. But, may lakad kami ni Tita bukas. Aayusin kasi namin yung burol ni Mama. Pipili pa si Tita ng place kung saan pwede iburol si Mama. Hindi naman kasi pwede dito sa bahay ni Tita dahil medyo masikip.

Tumayo na ako at naligo. Inayos ko ang buhok ko at nagsuot ng uniporme. Bumaba ako at nakita ko si Tita na nagkakape. "Good Morning, Tita." sabi ko.

"Rain! Gising ka na pala, pamangks. Kunin mo sa ref baon mo." utos niya.

Kinuha ko ang bag ko at nilagay ang baon ko sa ref. "Thanks, Tita. Alis na po ako." paalam ko.

Sinuot ko ang sapatos ko at lumabas ng bahay. Kinuha ko ang bike ko at nagbike papuntang Campus.

*******

Nakarating narin ako sa Campus. Nakita ko Loren na naghihintay sa labas ng Campus. Sino hinihintay niya? Ok, it's none of my business. Kahit gusto ko siyang lapitan, tuloy tuloy parin ako sa paglalakad papasok sa Campus.

Wala na siyang pakialam saakin.

So dapat, hindi ko narin siya pakialaman. Mahirap.

Oo, mahirap. She's my bestfriend before. And now, things are complicated. Sobrang daming nangyayari sa buhay ko. Tumuloy ako sa classroom namin at nakita ko agad si Janna.

Nakaupo siya sa seat ko at mukhang hinihintay niya ako. "Janna? That's my seat." wika ko nang nakalapit ako sakanya. Agad naman siyang tumayo.

"Rain, please. We need to talk." ani Janna.

Gusto kong umoo kaso madami ng problema sa isip ko. "Janna, maybe next time." sagot ko at umupo sa seat ko. Hindi kumibo si Janna.

Muntik ko nang masapak yung taong nasa harapan ko nang bigla siyang sumulpot out of nowhere. Si Yoongi lang pala, tss.

"Ang hilig mong manggulat." wika ko. Tumawa lang siya. Napatingin ako sa kamay niya.

"Bakit may sugat ka, Yoongi?"

Tinago niya naman ang kamay niya at ngumiti, "Wala, wala 'to. Nagasgas lang." sagot niya.

Kinuha ko ang kamay niya. Nagasgas pero ang laki ng sugat? Tumingin naman ako kay Yoongi na namumula.

"Ang laki ng sugat. Hindi 'yan gasgas." sabi ko at binitawan ang kamay niya.

Hindi siya kumibo pero nagbasa nalang siya ng aklat. Biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Jimin na may sugat sa labi at gilid ng noo. Agad akong napatingin kay Yoongi.

Wtf? "Nagaway ba kayo ni Jimin?" tanong ko. Umiling siya.

"Nope."

Sasara na sana ni Jimin yung pinto nang biglang pumasok si Ericka kaya agad akong umiwas ng tingin. Binigyan ko nalang ng atensyon yung libro ko. Hindi pa nga naaanounce yung winner sa UN.

Hindi naman ako umaasa na mananalo ako. At kung manalo man o hindi, i'm still happy! Nagenjoy ako. "Rain!" tawag ni Ericka.

Agad akong ngumiti ng pilit. "Ahm. Me and Jimin, may date kami later. Do you guys wanna come with us? It's a double date!" sigaw niya. Napalingon naman ako kay Yoongi na nakapoker face.

Mukhang ayaw niya naman. I was about to say no. "What time?" he asked.

Nagulat naman ako. Really? "6."

Falling for Park Jimin | Park Jimin X ReaderOnde histórias criam vida. Descubra agora