Chapter Twenty-Three

428 15 4
                                    



Rain's POV


Umupo ako sa seat ko at nilabas lahat ng libro ko. Nakita ko si Loren na nagaalala habang hawak hawak ang phone niya. Anong meron? Hindi ko nalang ito pinansin at binasa ko nalang ang lesson namin. Hindi ko paring maiwasan na isipin yung memories namin ni Loren. Bakit kasi nagbago pa ang lahat?

Mas okay na noon. Yung magkasama kaming dalawa ni Loren at tinutulungan niya akong kalimutan si Park Jimin. Parang wala nalang ako sakanya. Para akong bula na boom, nawala nang tuluyan. Naging parte ba ako ng buhay ni Loren? Bakit ba kasi nagbago pa siya? Masaya kaming dalawa. I sighed.

Hindi ko pagpipilitin ang sarili ko sakanya. Kung ayaw niya sakin, then go. Nagsimula narin ang klase namin. Tumingin ako sa armchair ni Yoongi, absent. Hindi ko alam kung bakit. Si Jimin naman, nakikinig lang sa Prof. Sandali akong napatitig kay Jimin.

"Galit ka ba sakin?" bulong ko ng mahina habang nakatitig sakanya.

Nanlaki naman ang mga mata ko nang nagtama ang tingin namin. Agad akong nagpanggap na inaayos ko ang buhok ko. Bakit ko ba siya tinitigan? Nakakahiya kaya. Nahuli niya pa akong nakatingin sakanya. Baka sabihin niya, gusto ko siya. Na patay na patay ako sakanya at isa akong stalker.

Natapos na ang klase namin. Wala akong gana kaya nagnap muna ako. Biglang bumukas ng malakas ang pinto kaya napaupo ako ng maayos.

"RAIN!!!" sigaw ni Anna at lumapit saakin. Napatingin naman ang iba kong classmate sakanya. Napahawak nga ako sa dibdib dahil sa lakas ng boses nito. Inayos niya ang buhok niya at niyugyog ang braso ko. Medyo pawis ito dahil siguro tumakbo siya.

"S-Si Yoongi!" sigaw nito.

Napatayo naman kaming dalawa ni Loren. Lumapit saamin si Loren. Tumingin siya saakin ng masama at bumalik ang tingin niya kay Anna. "Who are you? At nasaan ang boyfriend ko?" tanong ni Loren.

Napansin naman ni Anna ang pagkasassy ni Loren kaya tinarayan niya ito. Hinawakan niya ang kamay ko. "Tara na." sabi niya.

"Wait! Hindi mo pa sinasabi saakin kung nasaan ang boyfriend ko!" sigaw ni Loren na parang bata.

Napangiwi naman ako dahil nakakairita ang boses nito. Binigyan naman siya ni Anna nang masamang tingin. "Aba ewan ko! Tanong mo sakanya, ano bang malay ko sa syota mo!?" sigaw ni Anna at binuksan ang pintuan.

Sabay kaming lumabas. "Anna, boyfriend niya si Yoongi." sabi ko habang tumatakbo kami. Tumawa lang ng mahina si Anna.

"Alam ko. Ayoko lang talagang sabihin dahil naiirita ako sa boses niya." sagot nito. Nakarating kami sa isang room at nakita ko si Yoongi sa loob na may dalang bulaklak.

Napatingin ako kay Anna na nakangiti. Binuksan niya ang pintuan at tinulak ako papasok duon. "Teka Ann—-"

"Goodluck!" sigaw ni Anna at nagthumbs up. Tumakbo na ito palayo.

Napatingin naman ako kay Yoongi. Dahan dahan siyang lumapit saakin. Inabot niya saakin ang rosas. Uncomfortable ko naman itong tinanggap.

"Thank you, Yoongi." wika ko.

Ngumiti ito at hinawakan ang bewang ko kaya nagulat ako. Sinubsob niya mukha niya sa leeg ko kaya tumaas lahat ng balahibo ko. Napakapit nalang ako sa braso niya.

"Wag kang matakot." bulong niya. Napapikit nalang ako sa comfort na pinaparamdam saakin ni Yoongi. Niyakap niya akong mahigpit. Hindi ko alam pero bakit ang sarap sa feeling? Bakit parang nakakalimutan ko ang mga problema ko?

Nararamdaman ko ang init ng hininga niya sa tenga ko. "Mahal na mahal kita, Rain." sabi ni Yoongi at kumalas sa yakap. Hinawakan niya ang mukha ko dahilan mamula ako.

Nilapit niya saakin ang mukha ko kaya napapikit ako. Nakaramdam ako ng labing dumikit sa noo ko. Bumilis naman ang tibok ng puso ko.


Yoongi, bakit ka ba ganito?


***********

"Anong nangyari?" tanong ni Anna habang kumakain ng chips. Nilabas ko ang baunan ko at umiling.

"Wala." simple kong sagot.

Tinitigan ako ni Anna. Halatang nanghihinala ito sa sagot ko. Nagsimula akong kumain. Nakita ko si Loren na dumaan sa table namin. Lumingon siya saaming dalawa ni Anna at tinarayan kami.

Tinarayan rin siya ni Anna, "Akala mo naman maganda." mahinang sabi ni Anna kaya mahina ko siyang pinalo.

"Hayaan mo na siya." wika ko.


Nagisip naman si Anna. "Alam mo bang malandi ka?" tanong niya. Nabigla naman ako sa sinabi niya. Malandi ako?

"Paano mo naman nasabi yan?" tanong ko.

"Hindi naman sa malandi ka. Pero, diba syota niya si Yoongi? Anong meaning nung kanina sa room?" tanong ni Anna. Napalunok naman ako.

She's right. Mali yung ginawa namin ni Yoongi. Napabuntong-hininga naman ako. Mali yung ginawa namin kanina. Napalingon naman ako sa bulaklak na nasa bag ko.

"Tama ka. Maling mali 'yon, Anna." malungkot kong sabi at nagnap.


*************

Naglalakad kaming dalawa ni Anna palabas ng Campus nang makita ko si Yoongi at Loren na naguusap sa gate ng Campus. Agad kaming nagtago ni Anna sa tabi ng puno.


"Bakit ayaw mo na?" umiiyak na sabi ni Loren.

Blanko lang ang mukha ni Yoongi. Na para bang wala siyang pakialam sa umiiyak na babae sa harapan niya. Kumuha si Yoongi ng yosi sa bulsa niya kaya nagulat ako. Nagyoyosi si Yoongi?

"Alam mo namang hindi talaga kita mahal." sabi niya at sinindihan ang yosi niya. Agad naman yong kinuha ni Loren at tinapak tapakan. Humihikbi ito habang ginagawa niya 'yon kaya naawa ako kay Loren.

Bumalik ang tingin niya kay Yoongi, "Sa tingin mo, mahal ka ni Rain!? No. She loves Jimin! Hindi ikaw ang mahal niya!" sigaw ni Loren.

Hinawakan naman ni Anna ang braso ko. Nakita ko ang pagaalala sa mata ni Anna. "We should go." mahina niyang sabi. Pinipigilan ko namang tumulo ang luha ko. Ganto ba ang nagiging epekto ng ginagawa ko kay Loren?

Sobrang nasasaktan ko pala siya. Tumango lang ako at naglakad kami papunta sa kabilang exit. Habang naglalakad kami, bigla nalang akong napaupo at umiyak. Agad umupo si Anna para mapantayan ako.

"Hala. Rain, wag ka nang umiyak." wika ni Anna habang hinahaplos ang likod ko.

"I just realized na ang selfish ko. Andami ko nang nasasaktan, Anna. I'm selfish." sabi ko.

**********

UD 💕😂

Falling for Park Jimin | Park Jimin X ReaderWhere stories live. Discover now