Chapter 11

6K 278 214
                                    

"Bakit daw po?" Tanong ko kay Mang Rigor nang makasakay na ako sa backseat. "Wala po bang inaasikaso si Tita Carina ngayon?" Hindi ko alam kung bakit tila natulala si Mang Rigor, matapos nito ay ganoon din ang nangyari sa akin.

Natulala na lamang din ako.

There was a gunshot. Kasabay pa nito ang crumpled paper na binalutan ng papel na binato sa bintana ng kotse. Napangiwi ako ng madaplisan ang pisngi ko. "Ma'am Belle okay ka lang? Shit." Nag-aalalang bumaba si Mang Rigor sa driver's seat at lumapit sa akin, tiningnan niya ang nadaplisan kong pisngi.

"O-ouch..." Napangiwi ulit ako ng medyo maramdaman ang kirot nito.

"Sandali lang po Ma'am, hahanapin ko kung saan nanggaling iyan." Nabaling muli ang atensiyon ko sa batong iyon. Tumango na lamang ako kay Mang Rigor.

Ngayon ay mag-isa na lamang ako sa kotse. Hindi ko na maintindihan kung anong pagtibok pa itong ginagawa ng puso ko. Magkahalong kaba at takot. Pakiramdam ko ay nanganganib na talaga ang buhay ko rito.

Nanginginig ang mga daliri ko ay binuksan ko ang papel kung saan nakabalot ang bato. Kusang kumawala ang luha sa mga mata ko.

Don't be deceive by the looks of the people around you
-CO

Malaki ang posibilidad na nasa tabi ko lang ang killer. Maaaring pinagtatawanan niya na ako ngayon, at paulit-ulit niloloko. Kung bakit ba naman kasi hindi ko matandaan kung sino nga ba ang killer na iyon.

"Sorry Ma'am Belle..." Halos mapatalon ako sa gulat nang biglaang sumulpot si Mang Rigor. Humahangos pa ito na tila galing sa pagtakbo. "Hindi ko nakita kung sino ang gumawa niyan. May nakasulat ba sa papel?" Umiling ako. Tama yung nagpadala nung papel hindi ko dapat hayaan ang sarili ko na magpaloko sa mga taong nasa paligid ko.

"Wala po ito. Ayos lang po ako." Posible kaya? Ngunit hindi iyon maaari, matagal nang nagtratrabaho si Mang Rigor kina Belle. Alam kong mali ang mambintang o manghinala pero hindi ko maiiwasan iyon, lalo pa't hindi na lamang ito basta kwentong isinusulat ko noon.

Ginamot ko pansamantala ang sugat sa pisngi ko. After all, I'm still a pre-med student in reality.

"Malalim ata ang iniisip mo ngayon hija." Ani Mang Rigor. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at pinakiramdaman kung may kakaiba nga ba. Pero mukhang tamang hinala lang talaga ako sa ngayon. "Huwag kang mag-alala, alam kong gusto mo ring malaman kung sino ang killer ng daddy mo." Aniya nang huminto ang sasakyan nang dahil sa stoplight. "Mag-iingat ka palagi hija, hindi araw-araw ay nasa tabi mo ako para maprotektahan ka. Matalik na rin kaming magkaibigan ng daddy mo at parang anak na rin ang turing ko sa'yo." Nanghina ako sa sinabi niya, ang tanging nasa isip niya ay ang kapakanan ko pero heto ako't napag-isipan pa siya nang masama.

"Salamat po Mang Rigor. Pamilya na rin naman po ang turing ko sa inyo." Nang makarating ako sa mansion ay si Adolf na ngiting-ngiti agad ang sumalubong sa akin.

"Pinirmahan ko na itong waiver mo." Ngumiti sa akin si Tita Carina at nakipagbeso sa akin. Nagtataka kong tiningnan ang waiver. Para saan naman iyon? "Hindi naibigay sayo ni Teacher Lizette kanina, kasi kasama mo raw si Steele?" Tumango-tango ako. Timing lang naman kanina kung bakit kami nagkasama ni Steele.

To Your World [ Completed:2017 ]Where stories live. Discover now